Sabi ng mga kakilala ko, patawarin ko na raw 'yong magnanakaw at maibabalik din sa akin ang perang iyon. Napatawad ko na naman ang mokong na iyon kaya lang hindi ko malimutan ang ginawa n'ya (kaya nga may anniversary pa eh!). Ang siste, hindi naman humihingi ng tawad ang mandurugas. Patay-malisya pa rin. At ang perang maibabalik daw, hanggang ngayon hindi ko pa nababawi.
Masama raw ang magbintang. Aminado ako roon. Pero ano naman ang iisipin mo na ang taong pinaghihinalaan mo ay bigla na lang tumigil sa
"Makakarma rin 'yon!", sabi ng isang kakilala. Ayokong ipanalangin 'yon. Kung anuman ang mangyari sa kanya, wala na ako roon.
Nakapag-move on na ako. Sinimulan ko na uli ang pagtitinda para maragdagan ang kinikita ko rito. Kahit may ilang nag-boycott sa pamimili, hindi ko na lang pinapansin. Bahala sila sa iniisip nila. Alam kong babalik din sila para
At sa iyo kabayan, happy anniversary!
No comments:
Post a Comment