Showing posts with label Jessy Mendiola. Show all posts
Showing posts with label Jessy Mendiola. Show all posts

Sunday, October 9, 2011

Gerald Anderson is BUDOY


Ipapalabas na bukas, ika-10 ng Oktubre 2011,  ang bagong teleserye ni Gerald Anderson sa ABS-CBN Channel 2 na may pamagat na "Budoy". Ito ay tungkol sa isang batang nabuo sa pamamagitan ng IVF (in-vitro fertilization) subalit naglaroon ng konting diprensya ang pag-iisip.

Gerald "Budoy" Anderson

Ka-love triangle ni Gerald kay Jessy Mendiola si Enrique Gil. Kabilang din sa teleserye sina Zsa Zsa Padilla, ang nagbabalik Dos na si Janice De Belen, Mylene Dizon, Tirso Cruz III at Christian Vasquez. Itinatampok din ang mga beteranong aktor na si Dante Rivero gayundin ang mga beteranang aktres na sina Gloria Sevilla at Barbara Perez. Katulong din sa pagganap sina Jayson Gainza, Malou Crisologo at Fred Payawan.

Jessy Mendiola


Watch the trailer of Budoy here via Youtube:


Hear and sing Budoy Theme Song by Angeline Quinto

Saturday, March 12, 2011

DED na si Sabel


Ded na si Sabel sa teleserye ng ABS CBN na ginampanan ni Jessy Mendiola. Napanood ko kahapon ang ending ng nasabing programa at tulad nang dati, tila minadali na naman ang ginawang ending nito. Hindi naging kapanipaniwala sa akin ang biglang paghingi ng tawad ni Margaret sa pamilya ni Sabel. Mas okay pa sana kung tuluyan na siyang nabaliw o magkasama silang namatay ni Anton. Mas believable pa.

Tulad din ng karamihan sa mga wakas ng mga istorya sa komiks, tv at sine, naroon pa rin ang linyang "Crime Does Not Pay." Pero sa tutuong buhay, hindi naman laging ganoon ang nangyayari. Ang mga maysala ay nakalalaya at hindi nakukulong. Nabubuhay pa sila nang matagal at nauulit ang ginawang krimen. Minsan nga, ginagawa pa nating bayani.

Napansin ni Tita Lani ang makapal na labi ng bidang si AJ Perez. Sarap daw kahalikan. Ewan!

Minadali ang ending ng Sabel dahil kailangan na nilang isalang ang isa pang kopyang teleseryeng "Nasaan Si Elisa?" Tulad ng Nasaan, ang Sabel ay remake din ng launching movie ni Snooky Serna sa Regal Films na may pamagat na "Bata Pa Si Sabel". Remake din ang  "Mutya" samantalang ang central theme ng "Imortal" nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ay halaw sa "Twilight". Gaya rin ang "Green Rose" nina Jericho Rosales at Anne Curtis. So, wala ng original na kuwentong mapapanood sa ABS CBN via TFC.

Ang tanong ko lang, sino kayang bata ang maglalabas ng video sa Youtube kung saan bubunghalit siya ng iyak? Kung wala, balak ko sanang maglabas ng video kung saan sabu-sabunot ko ang buhok ko sa ilong sa inis!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...