(This photo is from http://www.sarasotaglass.com/SERVICES/WINDOWSDOORS/tabid/78/Default.aspx)
Pinto (Door) – ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
2. Gawa sa narra ang kanilang pinto.
3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
5. Huwag mong sipain ang pinto.
(Ang larawan sa itaas ay mula sa http://www.tripadvisor.com)
Pintuan (Entrance, Doorway)– ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.