Wednesday, March 9, 2011

Ash Wednesday - Miyerkules ng Abo

Ngayong Miyerkules ang simula ng "Ramadhan" para sa mga Kristiyano. Ang pagpapahid ng abo sa noo ng isang nananampalataya ay hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma (Lenten Season). Ito ay 40 araw mula ngayon, hindi kabilang ang Linggo, bago ang Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Sinasabing ang abong ipinapahid sa noo ay mula sa sinunog na mga palaspas na binindisyunan noong Linggo ng Palaspas (Palm Sunday) nang nakaraang taon. Sinisimbolo rin ng abo ang mga katagang " abo sa abo, alikabok sa alikabok" , na ang ibig sabihin ay nagmula ang tao sa abo/alikabok at doon din siya babalik pagdating ng panahon.


Ang Kuwaresma ay 40 araw ng pag-aayuno, pagdarasal, pagbibigay, paghingi ng kapatawaran at pasasalamat. Noong ako ay mas bata pa, ang Semana Santa o Holy Week ay pagsisimba at pagsama sa mga prusisyon lalo na ang "Salubong" sa Linggo ng Pagkabuhay. Isang linngo rin ito kung saan bawal kumain ng karne at maligo sa beach kapag "buhay" na si Kristo.

Dito sa Gitnang Silangan, hindi maaaring ipagdiwang ang Kuwaresma o Semana Santa nang hayagan dahil na rin sa pagkakaiba ng kultura at relihiyong ipinatutupad.  Pero tulad ng iba pang okasyon, ito naman ay maaaring ipagdiwang sa puso at isipan.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...