
Ang Nasaan Ka Elisa ay hango sa Chilean telenovelang Donde Esta Elisa samantalang ang Maria La Del Barrio ay hango sa Mexican telenovela na mayroon ding ganoong pamagat.

Tulad nang nasabi ko na noong una pa man, ang dalawang telenovelang ito ay magpapakita kung paanong hindi na nag-iisip ang mga kuwentista ng ABS CBN at kampante nang mangopya na lang ng mga palabas na mabenta. Hindi na sila makapag-isip pa ng mga telenovelang kokopyahin naman ng mga taga-ibang bansa.