Photograph: Muhammed Muheisen/AP
Humigit sa 40 ang namatay sa Yemen ngayong araw na ito, Biyernes, Ika-18 ng Marso,2011 matapos paulanan ng bala ng mga mamamayang tapat sa gobyerno ni Yemen President Ali Abdulla Saleh ang mga demonstrador. Nais pababain ng 100,000 rallyista si Saleh na 32 taon nang namamahala sa Yemen. Dahil sa naganap, nagdeklara ng state of emergency ang pangulo ng Yemen.
Ang pamamaril ay naganap matapos magtipon-tipon ang mga protesters sa Sanaa University matapos ang Friday prayer. Naging inspirasyon ng mga Yemeni ang matagumpay na people power na naganap sa Tunisia at Egypt kung saan napatalsik ang mga pangulo nitong matagal nang namumuno. Sa kasalukuyan, nakakaranas din ang Bahrain sa ganitong klaseng pag-aaklas. Naganap din ito sa Saudi Arabia subalit pumaibabaw ang lakas ng mga security forces ng hari. Tumutulong ngayon ang mga sundalong Saudi sa Bahrain upang mapanatlli ang kaayusan at seguridad sa katabing bansa. Ang Yemen ay nasa timog (south) ng Saudi Arabia.
Para sa dagdag impormasyon, klik http://www.guardian.co.uk/world/2011/mar/18/yemen-troops-shoot-protesters-dead
No comments:
Post a Comment