Showing posts with label Saudi Arabia riot. Show all posts
Showing posts with label Saudi Arabia riot. Show all posts

Tuesday, February 22, 2011

Egypt, Yemen, Libya, Bahrain--Saudi Arabia?

<Many Overseas Filipino Workers or OFWs are worried about the riot-protest going around in Libya, Yemen & Bahrain after the fall of Hosni Mubarak of Egypt. The protesters of these countries voice out their demands ranging from unbalanced representation in government to poverty to human rights abuses. OFWs in Saudi Arabia are wondering if this scenario will ever happen here. In my opinion, I don't think so simply because the Saudis love their king and they are peace-loving people. Inshallah!>

Nababahala ang mga OFWs (Overseas Filipino Workers) at iba pang banyagang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan at Africa dahil sa sunod-sunod na kaguluhan na nangyayari sa loob lamang ng dalawang linggo. Una na rito ang protestang ginanap sa Egypt laban sa kanilang lider na si Hosni Mubarak kung saan ilang buhay rin ang nalagas. Natigil lang ang kaguluhan nang magpasyang magbitiw si Mubarak.

Bahrain
Libya
Kasunod ng Egypt ay nag riot -protest rin sa mga bansang Yemen, Libya at Bahrain laban sa kanilang lider.  Sa Bahrain, apat na nagpoprotesta ang namatay nang paulanan ng bala ang mga ito habang natutulog. Daan-daan din ang nasugatan sa insidente. Humihiling ang majority ng Shiite Muslim na bigyan sila ng sapat na kinatawan sa gobyernong pinangungunahan ni King Hamad Ibn Isa Al Khalifa, na isang Sunni. Sa Libya, tinatayang lampas sa 140 ang namatay sa riot laban sa kanilang matagal ng lider na si Muammar Al-Qaddafi.

Egypt

Yemen
Dahil sa kaguluhang ito, hindi isinasantabi ang posibilidad na maganap ang kinatatakutan ng mga Pinoy sa Saudi Arabia. Nguni't sa aking palagay, ang pangambang ito ay napakalayong mangyari. Unang-una, mahal ng nakakaraming Saudi ang kanilang hari at lider na si H.M. King Abdullah. Pangalawa, ang mga Saudi ay mga mamamayang mapayapa. Maganda rin ang turingan ng mga banyagang manggagawa at mga local na mamamayan ng Saudi Arabia. Dahil dito, dapat ay maging mahinahon, kumalma at magdasal ang ating mga OFW dito sa Saudi para hindi mangyari ang bangungot na ito.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...