Nagsimula nang ipalabas ang Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2 sa mga sinehan sa ilang panig ng mundo. Dahil hindi ko naman napanood ang Part 1 nito, hayon at nagdownload na naman ako sa internet. Kahit na inabot ng siyam-siyam ang pagda-download dahil sa bagal ng internet connection ko, masaya na rin at sulit dahil malinaw ang video at audio ng pelikula. At dahil natapos nang bitin ang palabas, talagang hihintayin mo ang Part 2. Kung hindi ko man mapanood sa sinehan ito, hintayin ko na lang na may mag-upload sa internet.
Tulad nang nasabi ko na, hindi maglalaon at lalamunin na ng internet/computer ang sinehan at television. Hindi ba't nauuso na ang malalaking computer monitor na may TV interface and vice versa? ? Kaya payo sa mga may-ari ng TV station, ngayon palang ay maghanda nang isa-internet ang inyong mga palabas nang hindi kayo pulutin sa kangkungan!