Tinalakay ngayon ng mga kongresista at pinagbotohan ang impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez upang malaman kung kakatayin na ito sa Mababang Kapulungan o iaakyat sa Senado. Matatandaan na ang impeachment ni Gutierrez ay inihain nina dating Akbayan representative Risa Hontiveros-Baraquiel at Bayan Secretary-General Renato Reyes noong isang taon. Madaling araw na ng ika-22 ng Marso, 2011 nang bomoto ang mga kongresista kung saan 212 sa mga ito ang pumabor sa kanyang pagpapatalsik sa puwesto. 47 naman sa mga kapanalig ni G. Arroyo ang sumalungat sa impeachment samantalang 4 naman ang hindi nagdesisyon o nag-abstain. Kabilang dito sina sina Cong. Lani Mercado Revilla, maybahay ni Sen. Bong Revilla at Mark Villar, anak ni Sen. Manny Villar. Dalawampu't isang kongresista ang hindi dumalo sa Kamara kabilang na si Manny Pacquiao.
Para umusad ang pag-uusig, dapat ay makakuha lamang 95 boto mula sa mga kinatawan ng Kongreso ang bintang kay Gutierrez na kinabibilangan ng pagpapabaya o hindi pag-asikaso sa mga kasong may kinalaman sa Fertilizer Fund Scam, NBN-ZTE broadband project, Mega Pacific deal , Euro generals, atbp. Ang mga isyung ito ay naganap sa administrasyong Arroyo kung saan malapit na kaibigan ng Ombudsman ang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang kabiyak nitong si Mike Arroyo.
Sinasabing ginagapang at binabraso ang mga kinatawan upang umayon o umayaw sa impeachment ni Gutierrez. Sinasabing mawawalan ng pork barrel ang sinumang kongresistang boboto ng "hindi". Nababalita ring may mga religious organization ang naglalakad naman upang hindi umusad ang isyu. Pinapalagay na ito ay ang grupong Iglesia ni Cristo.
Sa isang pulong, binansagan pa ni PNoy na mga "bayani" ang mga mambabatas na bomoto ng "oo". Kung gayon, pwede na rin kaya silang ilibing sa Libingan ng mga Bayani kapag sila'y namayapa?
Para sa kumpletong listahan ng mga bomoto ng Yes, No, Abstain at wala sa Kamara, basahin DITO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...
No comments:
Post a Comment