Thursday, March 17, 2011

Presidente ng Seton Hall University, Isang Pinoy

Napiling pangulo ng Seton Hall University si Dr. Amado Gabriel Esteban. Siya ang kaunaunahang Filipino-American at UP alumnus na tumanggap ng posisyong ito. Siya rin ang kaunaunahang presidente ng Katolikong Pamantasang ito na hindi isang pari. Nagmula sa angkan ng mga guro si Dr. Esteban. Ang kanyang ama ay isang college professor samantalang ang ina naman ay nagtuturo sa mataas na paaralan. 

(Halaw sa www.abs-cbnnews.com). Para sa karagdagang balita, tunghayan dito
Si Dr. Esteban ay nagtapos ng Master of Business Administration sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) kung saan din siya nagturo sa College of Business Administration. Nag-migrate siya sa USA noong 1987.


Bilang isa rin UP alumnus at Pinoy, binabati ko si Dr. Esteban.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...