Showing posts with label ABS-CBN. Show all posts
Showing posts with label ABS-CBN. Show all posts

Wednesday, February 23, 2011

ABS-CBN's GREEN ROSE, a Korean Telenovela Adaptation

Umarangkada na nitong linggo ang bagong (pero luma ng istorya) telenovela ng ABS-CBN na Green Rose. Ito ay pinagbibidahan ng matinik (sa chicks) na si Jericho Rosales at seksing (at mahilig kumantang) si Anne Curtis. Bagong programa ngunit ang istorya ay hango sa Korean telenovela na mayroon ding kaparehong titulo. Una itong iniere sa nasabing bansa noong Marso 2005 sa SBS. Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, tumagal nang 23 episodes ang telenovela gayong 16 lang ang karaniwan. Ang serye ay pinagbibidahan nina Go Soo, Lee Da Hae, Lee Jong Hyuk at Kim Suh Hyung.

Sa Pilipinas, pinagbibidahan din ang Green Rose nina Jake Cuenca, Alessandra de Rosi, Gardo Versoza, Ricardo Cepeda, Susan Africa at Kitkat.

Ang buod ng istorya:

Karaniwang empleyado lamang si Jericho Rosales na umibig kay Anne Curtis, anak ni Ricardo Cepeda -chairman ng SR company. Tutol ang chairman dahil ang gusto nito ay si Jake Cuenca, isang director ng kumpanya. Tinawagan ni chairman si Jake dahil may nadiskubre ito sa ginagawa ng binata ayon na rin sa report ni Gardo Versoza, ninong ni Anne at isa pang director sa SR na napipinto ring humalili kay chairman. Bago pumunta sa bahay-bakasyon, tinawagan ni Jake ang lover na si Alessandra de Rossi , executive secretary ni chairman, upang tawagan nito si Jericho at papuntahin sa bahay-bakasyonan.

Nakita ni Jericho ang duguang katawan ni chairman at tinulungan niya itong iligtas sa nasusunog na bahay. May dumating na tulong subali't pinukpok pa nito ang ulo ni Jericho. Sa ospital na nagising si Jericho at ilang panahon lamang ay namatay rin si chairman. Napagbintangan at nakulong si Jericho. Nagtangkang magpakamatay si Susan Africa upang makalaya pansamantala ang anak na si Jericho at patunayan nito ang kawalang-sala. Tinulungan si Jericho ni Gardo Versoza. Nang makorner, tumalon si Jericho sa ilog at pinaniwalaang namatay na.

May isang lalaking umaruga at kumandili kay Jericho. Naging chairman din siya ng isang kumpanya sa tulong ng kanyang guardian. Bumalik si Jericho sa pinanggalingan kasama ang kanyang guardian. Kahit iniba niya ang kanyang pangalan, nakilala pa rin siya ni Anne na noon ay girlfriend na ni Jake Cuenca, ang bagong chairman ng SR. 

Sino ang pumatay kay Ricardo Cepeda? Sino ang pumukpok kay Jericho Rosales?


Monday, February 7, 2011

Happy, Yipee, Yehey!







Itatampok sa ika-12 ng Pebrero, 2011 ang bagong noontime show ng ABS-CBN na " Happy, Yipee, Yehey!" Walo ang magiging hosts ng programang ito na kinabibilangan ng magkaibigang sina John Estrada at Randy Santiago; ang nagkatampuhang sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga; ang beauty queen at Juanita Banana na si Bianca Manalo; ang pamosong You Tube star na si Jobert; ang PBB winner na si Melai Cantiveros; at si Bentong.

Sa titulo pa lang ay wala ng "IT", kayhirap bigkasin at tandaan. Tulad ng "Pilipinas, Win na Win", sana ay hindi agad matsugi ang programang ito!



Monday, August 9, 2010

Willie Revillame, Namaalam na sa ABS-CBN


Namaalam na rin si Willie Revillame sa ABS-CBN ngayong araw na ito, ika -9 ng Agosto, 2010, matapos mapalitan ng bagong programa ang kanyang time slot ng "Pilipinas Win na Win." Inaasahan kasi ni Willie na ibabalik siya sa Wowowee nong ika-31 ng Hulyo,2010 subali't hindi nga ito ang nangyari. Bagkus, bibigyan na lamang siya ng isang oras na show sa loob ng isang linggo at pre-recorded pa ito. Sinabi ni Willie sa kanyang sulat sa mga bossing ng ABS-CBN na hindi yata ito makatarungan kung kaya't nagpasya siyang tapusin na ang kanyang kontrata. Napabalitang lilipat ang host ng Wowowee sa TV 5.

Narito ang buong ulat:

Tuesday, March 31, 2009

Galaw-Galaw sa Tag-araw

Bakasyon na sa eskwela. Tag-araw na rin. Uso na ang bungang-araw, bulutong-tubig, tigdas at kung anu-ano pa. Uso na rin ang excursion, pagpunta sa beach at pag-uwi sa probinsya. Saan ka man naroroon ngayong bakasyon, sundin natin ang habilin ng ating KAPAMILYA sa ABS-CBN. Ano naman kaya ang pakulo ng ating mga KAPUSO?

Panooring ang bidyong ito:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...