Tuesday, March 8, 2011

Oban, Hinirang na Hepe ng AFP ni PNoy


Hinirang kahapon ni Presidente Benigno Aquino III si Lt. Gen. Eduardo Oban Jr. bilang bagong hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ginawa ito ni PNoy sa araw ng pagtatapos ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar, Lungsod ng Baguio.

Kung anumang reporma ang nais ipatupad ni Oban sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa likod ng mga kontrobersya hinggil sa pondo nito ay magiging panandalian lamang dahil siya ay nakatakda nang magretiro sa Disyembre, 2011.

Pinalitan  ni Oban si Gen. Ricardo David Jr.sa isang simpleng seremonya ngayong araw na ito sa Camp Aguinaldo sa Lungsod ng Quezon. Siya ang ika-42 hepe ng AFP. Ika-5 siya na mula sa Air Force. Kasapi siya ng PMA Matapat Class ng 1979.

Sana nga ay katapatan ang umiral sa kanyang sandaling pamumuno sa hanay ng mga sundalo. Hindi naman siguro siya  nanghihinayang  kung wala siyang matatanggap na "pasalubong" at "pabaon", na kalakaran noong nakaraang administrasyong Arroyo.

Samantala, pinaalalahanan ng Valedictorian ng Laon-Alab Class ng 2011 na si Angelo Aedwar Buan Parras ang kanyang kapwa nagsipagtapos na ang dangal at pagkatao ang dapat pangibabaw sa  lahat. Si Parras ay buhat sa Apalit, Pampanga. Nagkamit siya ng 12 awards.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang http://www.pia.gov.ph/?m=7&r=CAR&id=20486
                                                                 (Ang larawan ay hango sa PhilStar.com)

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...