Tuluyan nang ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Banco Filipino Savings & Mortgage Bank at isinailalim ito sa pamamahala ng Philippine Deposit Indusrance (PDIC) matapos hindi matugunan ng nasabing bangko ang pagwi-withdraw at pagpondo sa mga inilabas na tseke.
Isinagawa ng BSP ang hakbang upang mapangalagaan ang 177,652 naghuhulog sa Banco Filipino na kinapapalooban ng 97% na maliliit na depositors na sakop ng insurance sa halagang P500,000.00 bawat isa. 53% sa mga ito ay may depositong P5,000.00 pababa.
Maliban sa pagsasailalim sa PDIC, hindi rin pinahihintulutan ng Monetary Board na magnegosyo pa ang Banco Filipino sa Pilipinas. Ang Banco Filipino ay pagmamay-ari ng pamilya Aguirre.
Ang "Subok na Matibay, Subok na Matatag" na bangko ay nalugmok na.
Kaya sa mga kababayan nating may pera sa Banco Flipino, huwag matakot. Mababayaran kaagad kayo ng PDIC kung ang balanse ninyo ay P500,000.00 pababa. Kaya kung magbubukas ng isang account sa isang bangko, panatilihing nasa P500,000.00 pababa lang ang inyong pondo para sakop kayo ng insurance ng PDIC.
No comments:
Post a Comment