Tuesday, March 15, 2011

Mga OFW Sa Bahrain, Nababahala



Nababahala ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa tensyon na namumuo roon. Noong Linggo, mahigit 100,000 Bahraini na kabilang sa Shiite Muslims ang nagtipon-ipon sa Pearl Square kung saan inihayag nila ang hiling na pagbabago. Dahil dito, itinaas ng Embahada ng Pilipinas at ng iba pang embahada sa Bahrain ang antas ng seguridad dito mula 1 sa 2. Ito ay nangangahulugan na limitahan ng mga Pinoy ang kanilang mga pagkilos. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagsipasok ang karamihan sa mga manggagawang dayuhan sa peninsulang ito. Ayon sa balita, pilit na pinauuwi ng ilang kabataang Bahraini ang mga pumapasok sa trabaho kaya lumikha ito ng matinding trapik. Sa isang insidente, isang Pakistani ang namatay at 4 pa ang sugatan ng kuyugin ng mga galit na rallyista.

Kasunod ng pangyayaring ito, nagpadala ang Saudi Arabia ng 1,200 sundalo sa Bahrain upang tumulong sa seguridad. Walong daang militar naman ang nagbuhat sa katabing United Arab Emirates. Dahil dito, umalma ang Iran, kung saan mayorya ng mamamayan ay Shiite Muslims, at tinawag ang pagdating ng mga sundalong Saudi bilang isang 'invasion'. Magugunitang ang Iran at Saudi ay dalawang bansang may iringan sa rehiyon. Kakampi ng Saudi Arabia ang napatalsik na si Hosni Mubarak ng Egypt samantalang kaanib naman ng Iran ang Hezbollah na nagpatalsik din sa namamahala sa Lebanon. Hudyat ito na lumalawig ang galamay ng Iran samantalang umiigsi ang sakop ng Saudi Arabia.
(The photos are from http://www.nytimes.com/2011/03/16/world/middleeast/16bahrain.html)


Update:

Kahapon , 15 march 2011, idineklara na ng hari ng Bahrain na si H.E. Hamad Bin Isa Al-Khalifa ang state of emergency sa loob ng tatlong buwan dahil sa lumalalang kaguluhan doon. May mga rallyista na kasing may dala-dalang armas at pumapasok ng mga kabahayan. Sa panayam ng ABS CBN, dalawampu't siyam na kababaihang Pinoy ang nakukulong ngayon sa kanilang tinitirhan dahil inabandona na sila ng kanilang amo. Humihingi sila ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas upang makauwi.

Sana naman, ang kaguluhang ito ay hindi na umabot at lumala pa rito sa Saudi Arabia.




No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...