Gumawa ng malaking krus na gawa sa mga estudyante at guro ang Universidad ng Santo Tomas (UST) ngayong araw na ito. Nais nila itong tanghalin bilang pinakamalaking human cross at mapabilang sa Guinness Book of World Records.
Ang krus ay kinabibilangan ng halos 24,000 katao. Ang kasalukuyang tala ng ganitong klaseng krus na may kabuuang 935 ay ginawa noong May 2010 sa Oslo Opera House sa Norway bilang simbolo ng Red Cross.
Noong Disyembre 2010. Gumawa rin ang UST ng isang human rosary na tinatanyang may 24,000 ring
katao nguni't hindi ito naisumite sa Guiness Book of World Records.
Tunghayan ang larawan ng malaking human cross dito http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/03/09/11/ust-bids-worlds-largest-human-cross
No comments:
Post a Comment