(Ang larawan ay mula sa www.reuters.com)
Nakaranas ng matinding paglindol ang Japan na may sukat na 8.9 sa Richtel scale. Ang lindol ay ang pinakamalakas na tumama sa Japan sa loob ng 140 taon. Ito ay sinundan ng isang tsunaming naminsala sa mga baybaying bayan ng bansa. Tinangay ng dumaragasang tubig na may sukat na 10 metro ang mga bahay, sasakyan at gusali sa kanyang daanan. Nagpalabas din ng tsunami alert ang mga bansang Pilipinas, Taiwan at Indonesia. Pinalilikas ang mga taong naninirahan sa silangang-baybayin ng Pilipinas lalo na yaong nasa baybayin ng Bikol.Sa ngayon ay hindi pa nalalaman ang kabuuang pinsalang nilikha ng lindol at tsunami. Gunitaing maraming OFW ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan, kabilang na ang isa kong bayaw. Sana'y ligtas silang lahat doon!
Para sa dagdag kalaaman tungkol sa tsunami, bisitahin ang webpurok na ito:
http://www.jonobacon.org/2011/03/11/japan-tsunami-what-to-do-if-it-affects-you/
Panoorin dito ang pinsala ng tsunami:
No comments:
Post a Comment