Laging palpak ang ginagawa kong maikling pagsusulit sa Facebook kaya rito na lang ako sa aking blog gumawa. Alamin kung gaano ka ka-Pinoy sa pamamagitan ng pagsagot ng tama sa mga salitang inuulit na ito sa wikang Filipino:
1. sapinsapin
a. uri ng kakanin
b. sapin sa paa
c. balabal
d. lampin ng bata
2. bukong-bukong
a. bukol
b. siko
c. parte ng paa
d. duyan
3. kuro-kuro
a. puro
b. desisyon
c. manganganta sa simbahan
d. opinyon
4. an-an
a. puting buhok
b. tigyawat
c. sakit sa balat
d. walang-wala
5. palapala
a. panghukay ng lupa
b. balag
c. dalampasigan
d. sinag ng araw
6. hinay-hinay
a. bilisan
b. bagalan
c. himaymay
d. dahas
7. ilong-ilong
a. parte ng mukha
b. ilog-ilogan
c. kasangkapan
d. prutas
8. iliw-iliw
a. isdang-tabang
b. madamot
c. bulaklak
d. ibon
9. liklik
a. magpaligoy-ligoy
b. maglihim
c. magmadali
d. magsulsi
10. tikitiki
a. kitikiti
b. katas mula sa darak
c. butiki
d. gatas
==========
SAGOT:
1a 2c 3d 4c 5b 6b 7c 8d 9a 10b
1-3 tamang sagot = Nagpipinoy-pinoyan
4 - 7 = Medyo Pinoy
8 - 10 = Pinoy na Pinoy