Nagpakamatay ang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines at Kalihim ng Department of National Defense na si Angelo Tomas Reyes sa harap ng libingan ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Si Reyes ay nasasangkot sa isang kontrobersyang umiikot sa AFP hinggil sa "pabaon/pasalubong" na ibinibigay sa mga hepe ng AFP na mula sa pondo ng bayan at ng United Nations. Una nang nagkaroon ng mild stroke si Reyes dito at nagsabing hindi niya maaaring dungisan ang pangalan ng kanyang ina.
Para sa dagdag na kaalaman, basahin ito:
Update: Si Gen. Angelo Reyes ay inihimlay sa Libingan ng mga Bayani noong Linggo, ika-13 ng Pebrero, 2011 kahit na marami ang bumabatikos sa pangyayaring ito. Nauna na, siya rin ay binasbasan ng huling sakramento kahit na ang ginawa niyang pagpapakamatay ay labag sa utos ng Diyos at ng Simbahan. At sana, basbasan din yaong mga taong may ganito ring uri ng pagwawakas sa sarili, mayaman man o mahirap, dahil na rin sa rason ng paring nagbigay ng basbas na ang taong nagpapakamatay ay wala sa matinong pag-iisip nang gawin iyon.