Sunday, March 13, 2011

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANG-ABAY (ADVERB)

Ano ang Pang-abay ( o adberbyo)?

Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.

Halimbawa:
A. Panturing sa pang-uri
1. Ang manggang itinitinda ni Maria ay masyadong maasim.
2. Sadyang malusog ang kanyang katawan noon pa man.

B. Panturing sa pandiwa
1. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan para hindi magising ang kanyang natutulog na ina.
2. Mabilis na hinablot ng isnatser ang bag ng babae.

C. Panturing sa kapwa pang-abay
1. Talagang mabagal umunlad ang mga taong tamad.
2. Dahil sa sakit, ang kilos ni Mando ay  lubos na dahan-dahan.

·      Mga Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner) - naglalarawan sa pandiwa.
a. Siya ay mabilis kumain.
b. Mahinahon niyang sinagot ang mga akusa sa kanya.
c. Taimtim na nagdasal ang mga tao nang magkalindol sa Japan.

2. Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) - nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Ito ay kadalasang pinangungunahan ng katagang SA.
a. Tumira siya sa gubat ng labimpitong taon.
b. Nanatili siyang nakatira roon.

3. Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) - nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
a. Pupunta ako bukas sa palengke.
b. Si Anna ay nagpunta na sa simbahan kahapon.


    Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring may pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas.
    
             May pananda

Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

           1. Kailangan ni Ester na magbayad ng buwis nang taun-taon.

            2. Tuwing Bagong Taon sila nagkakaroon ng reunion.
            3. Magbabayad ako ng utang hanggang katapusan ng buwang ito.
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
            1. Magtatanghal kami bukas ng masayang palatuntunan.
            2. Magtutungo ngayon sa Indonesia ang ating pangulo upang humingi ng tulong.
        Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing,taun-taon, buwan-buwan
           1. Tuwing Biyernes lang siya kung maligo.
            2. Ang pamilya Dela Cruz ay nagtutungo sa dalampasigan linggo-linggo.

Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:

Payak: bukas, mamaya, ngayon
Maylapi: kagabi, samakalawa
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taon
Parirala; noong nagdaang buwan, sa darating na Kuwaresma, sa pagdating ng panahon

4. Pang-abay na Pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. 
a. Marahil ay matututo na siyang magtanda.
b. Baka pumaroon siya sa palengke.
Iba pang pang-abay na pang-agam - siguro, tila, wari.

5. Pang-abay na Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo)
a. Opo, magsisimba ako bukas.
b. Sadyang malaki ang ipinagbago ng katawan mo dahil sa paghehersisyo.



6. Pang-abay na Pananggi - nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di  at ayaw
a. Hindi pa lubusang nalulusaw ang yelo sa pitsel
b. Kahit na delikado, marami pa rin ang ayaw tumigil sa pag-inom ng alak.


7.  Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na  gaano o magkano.
1. Naragdagan ang timbang ko  nang pitong kilo.
2. Nagalit ang mga pasahero dahil tumagal nang dalawang oras bago dumating ang tren.


8. Pang-abay na Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook, bilang o halaga.
a. Ilan taon ka na?
b. Magkano ang kilo ng ubas?


9. Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao - ang tagatanggap ng kilos.
a. Nagluto ng sopas ang nanay para kay Celso.
b. Naglitson ang tatay para kay kuya.


10. Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo - nagsasaad ng dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp.
a. Siya ay nagkasakit dahil sa ambon.

b. Nahuli siya sa opisina sapagkat matrapik.

11. Pang-abay na Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
a. Ang seminar ay hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
b. Ukol sa wastong paggamit ng pataba ang pinag-usapan sa pulong.

12.  Pang-abay na kundisyunal - nagsasaad ng kundisyon para maganap ang pandiwa.
a. Bubuti ang iyong buhay kung ikaw ay mag-aaral.
b. Kapag uminom ka ng gamot, gagaling ka agad.

13. Katagang pang-bay o ingklitik  - na, naman, man
a. Si Kiray ay darating na.
b. Papasok siya sa paaralan bumuhos man ang ulan.

  A
·         


No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...