Showing posts with label Arnel Ignacio. Show all posts
Showing posts with label Arnel Ignacio. Show all posts

Wednesday, March 25, 2009

Manny Pacquiao URONG - SULONG


Urong-sulong si People's Champ Manny "PACMAN" Pacquiao kung saan network ipapalabas ang kanyang laban kay Ricky "HITMAN" Hatton at sa susunod pa niyang laban. Naunsiyami ang nauna niyang pahayag na ii-ere ang hinihintay na boksing sa Channel 2. Hindi ko tuloy napigilang magkomento sa ginawang paglipat sana nito ni Manny. Una, kasi parang hindi niya sinsusunod ang kanyang naunang kontrata. Pangalawa, baka nga tutoo ang balitang kakandidato na naman siya (matapos matalo noong nakaraang eleksyon) at gagamitin (at papagamit) ang dambuhalang network ng ABS-CBN.
Nagawa ko tuloy sabihing baka ito na ang simula nang pagbagsak ng career ni Manny. Ito ay base sa mga artistang lumipat mula sa GMA 7 papunta sa Channel 2. Tila lumalabas na walang utang na loob sina Ethel Bobba, Arnel Ignacio, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Karylle at heto ngayon si Manny kahit na nga hindi talaga siya artista ng GMA 7. Ano na ba ang nangyari sa career nina Ethel Bobba at Arnel Ignacio?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...