
Pinataob ng Pinoy na si Dennis "Robocop" Orcullo ang katunggaling Amerikano na si Shane "The South Dakota Kid" Van Boening sa billiard at nasungkit ang Derby City Classic 9-Ball Division. Ang laban ay ginanap sa Horseshoe Casino sa Elizabeth, Indiana, USA noong ika-29 ng Enero 2011.
Hindi naman naging luhaan si Boening dahil tinanghal siyang All-Around Master sa nasabing torneo.