Hindi masyadong nailathala pero natapos na ang Miss Gay World 2011 na ginanap sa Club Mwah sa Mnadaluyong City , Philippines noong ika - 13 ng Marso, 2011. Ang nanalo ay si Francois Nel ng South Africa. Naging host sa nasabing "beauty contest" sina Boy Abunda, Wilma Doesn't at si Precious Lara Quigaman. Kabilang sa naging judges sina Gloria Diaz (Miss Universes 1969), Karen Agustin (BB Pilipinas -Universe 2002) at Eric Butter (founder ng Miss Gay World Organization).
Ang iba pang nagwagi ay sina:
First runner-up - Michael Holtz - USA
Second runner-up - Israel Acevedo - Spain
Third runner-up - Leigh Charles - Australia
Fourth runner-up - Aaron Comis - New Zealand
Ang mga special awards ay napanalunan nina:
Mr. Gay Swimwear - Australia, Mr. Gay Formal wear - Australia, Mr. Gay Congeniality - Estonia, Mr. Pinoy (Sports) Challenge - Ireland, Mr. Gay Photogenic - New Zealand, Mr. Gay People’s Choice Award -
Philippines, Mr. Gay National Costume - Philippines
Hindi naman mga kekendeng ang mga bading na sumali sa patimpalak dahil mas macho pa sila sa ibang kalalakihan dahil sa mamasel at maganda nilang pangangatawan. Panoorin ang mga contestants DITO.
Ang nagwagi noong nakaraang taon ay si Charl Van Den Berg na taga South Africa rin. Gaganapin ang susunod na patimpalak sa Johannesburg, South Africa sa 2012.
.
No comments:
Post a Comment