Showing posts with label LTO Driving License Written Test Reviewer in Filipino - Part 3. Show all posts
Showing posts with label LTO Driving License Written Test Reviewer in Filipino - Part 3. Show all posts

Tuesday, March 15, 2022

LTO Driving License Written Test Reviewer in Filipino - Part 3

 Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.




PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Habang nagmamaneho, dapat  kang tumingin sa side at rear  view mirror ng:

a. Mabilis / madalian
b. Hanggang gusto mo
c. Hindi kukulangin sa isang minuto 


2. Kung paparada ng paahon sa  may bangketa, dapat mong ipihit  ang gulong:

a. Papuntang bangketa
b. Papalayo sa bangketa
c. Kahit anong direksyon


3. Hindi dapat lumusot (overtake) sa paanan ng tulay sapagkat:

a. May tumatawid
b. Makipot ang daan
c. Hindi nakikita ang kasalubong na sasakyan


4. Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw trapiko?

a. Senyas upang patakbuhin ang sasakyan
b. Huminto sa nakatakdang linya
c. Maaari kang tumuloy, bagalan lang ang takbo


5. Ang dalawang dilaw na linya na tuloy-tuloy ay palatandaan na:

a. Maaaring lumusot pakanan
b. Peligroso ang lumusot  pakanan
c. Maaaring lumusot pakaliwa


6. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa itaas, siya ay:

a. Kakanan
b. Hihinto
c. Kakaliwa


7. Kung ikaw ay nahuli, ilang araw ang palugit upang maayos ang iyong kaso at matubos ang lisensya?

a. 30 araw
b. 15 araw
c. 10 araw


8. Hindi ka pinapayagang tumawid sa kabila ng buong dilaw na guhit maliban kung ikaw ay:

a. Palikong pakaliwa
b. Palikong pakanan
c. Magpalit ng linya o daan


9. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:

 


a. Matarik ang pababang direksyon ng kalsada
b. Matarik ang kalsada
c. Matarik ang paakyat na direksyon ng kalsada 


10. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:


a. Doble ang kurbadang delikado sa kanan
b. Doble ang kurbadang delikado sa kaliwa
c. Doble ang kurbadang delikado sa unahan

--o0o--

ANSWERS:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...