Showing posts with label Buhay OFW Sa Saudi. Show all posts
Showing posts with label Buhay OFW Sa Saudi. Show all posts

Tuesday, May 10, 2011

Buhay OFW Sa Saudi

Dahil sa kokonting oportunidad at trabaho sa Pilipinas, napilitan ang maraming Pinoy na mangibang-bansa kahit ang kapalit nito ang matagal na pagkakahiwalay sa pamilya. Isa na ako sa milyong Pinoy na nag-abroad. Dahil sa tagal ko na rin sa Gitnang Silangan at sa daming nasalamuhang iba't ibang lahi at ugali, punumpuno ako ng mga obserbasyon:

Mga Gadgets, Appliances at Bahay


Sa unang suweldo ng mga Pinoy, maliban sa pagbabayad sa naiwang utang sa Pinas sa pag-aabroad, priyoridad ni Juan Dela Cruz ang bumili ng bagong appliances. Noon, ang unang binibili ay colored TV, stereo at gintong alahas. Sa ngayon, nangunguna ang bagong cellphone, computer - desktop man o laptop at digital camera. Susundan ito ng mga MP3, MP4, MP5, Ipod, Iphone at IPad. Ito ay bukod pa sa hangaring makapagpatayo ng bagong bahay.

Itlog at Instant Noodles

Hindi alam ng mga kamag-anak sa Pilipinas, super-tipid din ang mga Pinoy dito sa Gitnang-Silangan. Meron akong kakilalang dahil sa kagustuhang makapgapadala ng malaking halaga sa naiwang pamilya ay ipinadadala maging ang kanyang food allowance. Ang nangyayari, sapat na sa kanya ang mag-ulam ng itlog at instant noodles na pagkain niya noong siya ay nasa Pinas pa.

Ukay-Ukay

Upang makatipid pa rin, bihirang bumili ng bagong damit ang marami sa mga OFW. Kung sa ukay-ukay sila nabili noon sa Pinas, sa ukay-ukay rin dito sa Saudi madalas silang bumili ng mga damit-pantrabaho o pambahay man.




Kabuhayan Showcase

Sa madiskarteng Pinoy, humahanap sila ng dagdag-kita. Kaya hindi nakapagtataka kung makakakita ka ng mga panindang-kakanin at pangmeryenda sa mga grocery rito. Kabilang sa mga paninda ang siopao, kalamay, puto, kutsinta, empanada, ginatan, lumpia, etc. Marami ang nangongobra ng Thai lotto at nagpaparaffle. Meron ding nagtatayo ng maliit na sari-sari store. Yong iba naman ay pumapasok na waiter at taga-hugas ng plato sa mga restaurant.

Utang
Marami sa mga OFW ang tadtad sa utang. Ang isang dahilan ay kayabangan. Bumibili ng mga bagay na ang punto ay ipagyabang at hindi dahil kailangang-kailangan. Kahit hindi kaya ay sa private school na pinag-aaral ang mga anak. Binibigay ang bawat hilingin ni Misis at mga anak kahit na tipirin ang sarili o ipangutang.

Pinoy versus Ibang Lahi
Masasabi kong patay ang retail industries dito sa Gitnang Silangan kung walang mga Pinoy dahil sila lang halos ang laman ng mga tindahan tuwing Huwebes at Biyernes. Mga pangunahing kailangan lang ang madalas bilhin ng ibang lahi, maliban sa ginto. Ang mga Indiano ay bihirang bumili ng mga electrical appliances dahil kung magkano ang bili mo sa mga ito ay siya ring buwis. Magkaganunpaman, mas maraming ari-arian ang mga ibang lahi kaysa sa mga Pinoy. Hindi sila agad bumibili ng mga kasangkapan o nagpapatayo ng bahay. Ang mga Nepali ay bumibili ng mga lupang-sakahan sa kanilang bansa. Sa kikitain nito sila, kukuha ng pampagawa ng bahay at pambili ng kasangkapan. Katwiran nila, kapag may lupa sila, hindi sila magugutom sakali mang mawalan sila ng trabaho sa abroad. Okay ang pagpapatayo ng bahay kung ito ay kikita tulad ng mga lodging house at dormitory para sa mga turista at mag-aaral.

Sinulat ko ito upang pagpulutan ng aral. Kung anuman 'yon, hindi ko na dapat pang sabihin pa.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...