Showing posts with label Daniel Smith. Show all posts
Showing posts with label Daniel Smith. Show all posts

Thursday, April 23, 2009

Daniel Smith - LAYA NA!


Binaliktad ng Court of Appeals ang naging desisyon ng mababang hukuman hinggil sa kasong panggagahasang inihain ni "Nicole" laban sa Amerikanong si Daniel Smith. Una pa rito, binawi na rin ni Nicole ang kanyang naunang salaysay kung saan napatunayan ng hukuman na siya nga ay ginahasa. Sa ngayon ay nasa Estados Unidos na si Nicole kasama ang napangawasang isa ring Amerikano.

Ayon sa Court of Appeals, hindi nila pinagbatayan ang recantation ni Nicole kundi ang nilalaman ng mga pahayag sa korte. Marami raw inconsistencies si Nicole at hindi rin napatunayang "beyond reasonable doubt" ang naunang desisyon dahil sa pag-amin na rin ng biktima na siya ay lasing ng gabing iyon.

Dahil dito, pinag-utos na ng korte na pakawalan si Daniel Smith sa lalong madaling panahon.

ANG TANONG: HINDI PA BA SIYA NAKAKALAYA? SINO BA ANG NAGSASABING IKINULONG NGA SIYA SA US EMBASSY? Kung hindi ito totoo, dapat magpakita si Smith sa mga tao habang papaalis ng Pilipinas! LOKOHIN NYO ANG LELONG NYONG PANOT!
Si Nicole naman ay dapat pabalikin sa Pilipinas para sagutin ang kasong perjury o pagsisinungaling at pagsasayang ng pondo ng gobyerno dahil sa katawa-tawa at melodramang kasong ito.

Saturday, March 21, 2009

Nicole and Daniel Smith Drama


Parang teleserye ang rape case ni Nicole laban kay Lance Corporal Daniel Smith. Nakatatawa dahil sa haba-haba ng panahon ay babawiin din agad ni Nicole and kanyang testtimonya. Syempre maraming komontra at pumabor sa palabas na ito.


Hindi natin masisisi si Nicole kung bumaliktad man siya sa nauna niyang pahayag na ni-rape siya ni Smith. Pwedeng totoo ang nauna niyang sinabi o ang huli niyang pahayag.


Sa aking palagay, napag-isip-isip ni Nicole na wala namang mangyayari kung ipagpapatuloy pa niya ang kaso dahil mismong ang gobyerno natin ay walang magawa upang ipaglaban ang kayang kapurian at karapatan.

Kung tatanggapin niya ang alok ng US, may mapapala pa siya kaysa naman umasa sa gobyernong walang buto.
Pero kung susuriin mabuti ang kaso, sa aking palagay ay wala naman talagang rape na nangyari. Unang-una, pumayag si Nicole sa imbita ni Smith na pumunta ng Subic mula Zamboanga kung saan sila unang nagkita. Sa una palang, makikita na na may ambisyon ni Nicole -"ang makapag-asawa ng isang Amerikano". Maaaring mali ako pero di ba nasa Amerika na siya upang pakasalan ang isang Amerikano? Sa pagpayag niyang magkita sila ni Smith sa Subic ay pagbibigay motibo na rin na gusto niya si Smith.

Mas malaki sanang drama kung ang mapapangasawa ni Nicole ay si Lance Corporal Daniel Smith. Kapag nagkagayon, mas magiging maganda ang teleseryeng ito.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...