UPDATE: THE EXECUTIN HAS BEEN POSTPONED. (19 FEB 2011)Nakatakdang
i-firing squad ang 3 sa 5 Pinoy na nakadetine sa China dahil sa
drug trafficking, ayon sa Department of Foreign Affairs. Tulad ng dati, nabubunyag lang ang balitang ito kapag nalalapit na ang kamatayan ng ating kababayan na may kaso sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, nakipag-ugnay na si PNoy sa pamahalaang Tsina upang isalba ang buhay ng tatlo.
Nakakalungkot lang ang pangyayaring ito dahil na rin sa pagtitiwala ng ating mga kababayan sa mga taong inaakala nilang makakatulong sa kanila. Kalimitan, hindi alam ng ating kababayan na may dala silang droga sa bagaheng ipinakisuyo sa kanila na kalimitan ay ang ahensiya o taong kumuha sa kanila upang magtrabaho sa China. Pangalawa na rin ang kapalpakan ng mga tauhan sa ating airport kung bakit nakakalusot sa ating x-ray machine ang mga drogang ito. Hindi tuloy maiaalis na patuloy ang kutsabaan ng ilang tauhan sa mga paliparan na ang katumbas ay ang buhay ng ating mga kababayan.
UPDATE: Sinabi ng pamahalaang Tsino na sa halip na firing squad, lethal injection ang igagawad sa mga "nagkasala."
At dahil kamatayan ang parusa sa mga nagdadala ng droga sa China, hindi kaya dapat ay ganito na rin ang parusa sa mga Tsinong sa Pilipinas pa mismo gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot? Ang siste, nakakapagpiyansa pa ang ito sa oras na mahuli.
Firing squad din kaya ang parusa kay Congressman Ronald Singson na umaming may dalang droga nang pumasok ng Hongkong? O iba ang parusa dahil kilala, may pera at impluwensya ang mambabatas? Nagtatanong lang, kayo na ang humusga.