UPDATE : 3 PINOY BINITAY NA SA CHINA - 30 March 2011
Panoorin dito ang kumpirmasyon ni VP Binay
Nakatakdang bitayin bukas, ika-30 ng Marso, 2011 sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain sa Xiamen at Shenzhen, China dahil sa drug trafficking. Ang pagbitay sa 3 Pinoy ay sa pamamagitan ng lethal injection. Nauna nang naipagpaliban ang kamatayan ng mga akusado nitong Pebrero matapos magtungo roon si Vice President Jejomar Binay at ulanin ng protesta ang pagbitay. Gayunman, ipinagpaliban lamang ang kamatayan at hindi pagbaba ng sentensya o kapatawaran. Pinaninindigan ng mga pamilya ng mga bibitayin na ang mga ito ay biktima lamang ng West African syndicate.
Dahil sa puntong ito, sa aking opinyon, nararapat din na ipataw natin ang hatol na kamatayan sa mga mamamayan ng bansang nagpapatupad ng death penalty, partikular na ang China. Kung ang tatlong nabanggit ay guilty nga sa pagadadala ng kilo-kilong drugs at nahatulan ng kamayatan, nararapat din na ganito ang ipataw sa mga Chinese nationals na nahuhuli sa ating bayan na hindi lang nagdadala kundi gumagawa pa ng mga droga sa atin mismo. Hindi naman patas na papatayin ang ating kababayan samantalang ang mga mamamayan nila ay ikukulong lamang natin. Kadalasan ay nakakatakas pa ang mga ito sa tulong ng mga tiwaling opisyal ng kapulisan. Nakalulungkot na dahil sa kahirapan ay nasusuong ang ating mga kababayan sa ganitong klaseng krimen. Hindi ko sinasabi rito na ito nga ang ginawa ng tatlong bibitayin.
Hindi na napapanahon na parati na lamang tayong susunod sa nais ng mga malalaking bansa. Kung tunay nga tayong malayang bansa, dapat nating ipairal ang gusto natin at hindi ang dikta ng iba.
Kung mabibitay nga bukas ang ating mga kababayan, ano na ang ating gagawin? Hindi ba tayo aangal? Magpoprotesta? Bakit hindi natin i-boycott ang mga panindang Tsino?
1 comment:
greetings
Post a Comment