Hindi pa rin maka-move on ang mga supporters ni Bong Bong Marcos matapos ibasura ng Korte Suprema noong Martes, Pebrero 16, 2021 ang protesta nito laban sa nakaupong bise-presidente na si Leni Robredo. Tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal, binalewala ang reklamo ni BBM dahil sa walang merito matapos lumamang pa ng higit sa 15,000 boto si Robredo sa ginawang manual count noong October 2021 sa 5,415 clustered precincts sa mga probinsya ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. Ang pagbabasura ay ginawa ng SC dahil hindi rin nakapagbigay nang sapat at tiyak na mga detalye hinggil sa mga presinto at lugar na mga irregularidad sa pagboto ang kampo ni Marcos. Nirespeto naman ng Malakanyang ang naging desisyon ng Supreme Court.
Dahil sa desisyon, nanindigan pa rin ang mga taga-suporta ni Bong Bong Marcos na ang kanilang idolo ang tunay na nanalo sa 2016 Election sa pagka-Pangalawang Pangulo. Natural lang na ganito ang kanilang mga naging saloobin matapos biglang bumagal ang pagbibilang ng boto noong gabi ng halalan matapos makapagtala ng higit sa isang milyong lamang si BBM laban kay Robredo. Pagkagising kasi kinaumagahan ay nanguna na si Robredo. Pinagpa-Diyos na lang ng iba ang kinalabasan ng protesta dahil baka raw may ibang plano ang nasa Itaas para kay Bong Bong. Baka raw hindi pagka-bise presidente ang tungkulin ng batang Marcos kundi maging Pngulo ng Pilipinas sa 2022.
Sinasabi ng ilan na inaasahan na nilang lalamang si Robredo sa mga presintong prinotesta ni BBM dahil naroon nga ang dayaan sa pagbilang. Dagdag pa rito ang mga basang election return na hindi na nabasa pa.
Sa ganang akin ay mali ang pagpili ng mga presintong inireklamo ni BBM. Dapat ang pinili niya ay yaong mga presintong kokonti ang lamang niya kay Robredo dahil sa aking palagay, hindi nabilang nang ayos ang kanyang mga boto o kaya ay nabawasan. Marahil ay inayos na rin ng mga nasa administrasyon noon ang mga presinto sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental dahil alam nilang ito ang pagtutuunan ng pansin ni BBM kapag nagreklamo at dahil na rin sa pahayag ni dating Pangulo Noynoy Aquino na hindi siya makapapayag na manalo si BBM. At siya namang nangyari.
May dayaan mang nangyari sa pagkapanalo ni Leni Robredo bilang bise-presidente noong 2016, tanging ang Diyos ang nakaaalam at ang mga taong nagsagawa nito.
No comments:
Post a Comment