Marahil ay maraming bloggers ang makaka-relate dito. "Yong feeling na pinaghirapan mong sulatin ang isang blog post at pagkatapos ay makikita mo na lang na nakopya na pala sa isang website. Mabuti kung nai-link man sana sa iyong site 'yong kinopya sa iyo pero hindi eh. Mabuti sana kung binago man lang ang pagkakasulat mo. Ang siste, pati 'yong mali mong baybay at bantas ay kinopya rin.
Paano ba mahahadlangan ang ibang tamad na bloggers na kopyahin ang gawa mo?
Sa kagustuhan kong mahinto ang pangongoya ng iba sa mga posts ko, nag-search ako sa Goggle. Eureka at nakita ko ang aking hinahanap!Ayon sa aking nabasa sa post ni I am Ravlo, ito ay magagamit sa Blogger. Dahil nasa Blogger platform ang aking mga blogs, sinubukan ko itong ilagay. Effective naman ito.
Mga Hakbang Para Hindi Makopya ang Post Mo sa Blogger
1. Magpunta sa Layout tab.
2. I-klik ang Add a Gadget kung saan mo gusto itong ilagay.
3. Piliin ang HTML/Javascript widget
4. Lagyan ng title ang iyong widget at sa blank space sa ibaba, kopyahin ito.
<script src='demo-to-prevent-copy-paste-on-blogger_files/googleapis.js'></script>
<script type='text/javascript'>
if (typeof document.onselectstart!="undefined" ) { document.onselectstart=new Function ("return false" );
} else { document.onmousedown=new Function ("return false" ); document.onmouseup=new Function ("return true" );
}
</script>
PERO dahil hindi ninyo maka -COPY & PASTE ang nakasulat sa itaas, punta kayo sa link na ito at doon kopyahin. CLICK HERE to copy the code.
5. I-Save ang iyong ginawa at subukin kung hindi na nga makokopya ang iyong post.
Hindi ko alam kung gagana ang code sa Wordpress at alinmang publishing platform. Paki-comment lang.
No comments:
Post a Comment