Sumemplang ang ambisyon nina Ashleigh Barty at Rafael Nadal na makuha ang titulo ng Australian Open Tennis Tournament 2021 matapos silang talunin nina Karolina Muchova at Stefanos Tsitsipas, sa kanilang Quarter-final match sa Melbourne, Australia, kahapon Pebrero 17, 2021.
Pinahirapan ng world no. 25 na si Muchova ng Czechs Republic ang world no. 1 na si Barty ng Australia sa iskor na 1-6, 6-3, at 6-2. Napurnada namang talunin ng world no.2 na si Nadal ng Espanya and world no. 5 na Tsitsipas ng Greece gayong nauna na siyang manalo ng 2 puntos. Sumuko si Nadal sa mas batang Griyego sa iskor na 3-6, 2-6, 7-6, 6-4, at 7-5.
No comments:
Post a Comment