Tuesday, February 23, 2021

How not to Copy & Paste your posts on Blogger

Marahil ay maraming bloggers ang makaka-relate dito. "Yong feeling na pinaghirapan mong sulatin ang isang blog post at pagkatapos ay makikita mo na lang na nakopya na pala sa isang website. Mabuti kung nai-link man sana sa iyong site 'yong kinopya sa iyo pero hindi eh. Mabuti sana kung binago man lang ang pagkakasulat mo. Ang siste, pati 'yong mali mong baybay at bantas ay kinopya rin.

Paano ba mahahadlangan ang ibang tamad na bloggers na kopyahin ang gawa mo?

Sa kagustuhan kong mahinto ang pangongoya ng iba sa mga posts ko, nag-search ako sa Goggle. Eureka at nakita ko ang aking hinahanap!Ayon sa aking nabasa sa post ni I am Ravlo, ito ay magagamit sa Blogger. Dahil nasa Blogger platform ang aking mga blogs, sinubukan ko itong ilagay. Effective naman ito.

Mga Hakbang Para Hindi Makopya ang Post Mo sa Blogger

1. Magpunta sa Layout tab.

2. I-klik ang Add a Gadget kung saan mo gusto itong ilagay.

3. Piliin ang HTML/Javascript widget

4. Lagyan ng title ang iyong widget at sa blank space sa ibaba, kopyahin ito.

<script src='demo-to-prevent-copy-paste-on-blogger_files/googleapis.js'></script>

<script type='text/javascript'>

if (typeof document.onselectstart!="undefined" ) { document.onselectstart=new Function ("return false" );

} else { document.onmousedown=new Function ("return false" ); document.onmouseup=new Function ("return true" );

}

</script>

PERO dahil hindi  ninyo maka -COPY & PASTE ang nakasulat sa itaas, punta kayo sa link na ito at doon kopyahin. CLICK HERE to copy the code.

5. I-Save ang iyong ginawa at subukin kung hindi na nga makokopya ang iyong post.

Hindi ko alam kung gagana ang code sa Wordpress at alinmang publishing platform. Paki-comment lang.


Monday, February 22, 2021

DJOKOVIC & OSAKA Win Australian Open 2021

Novac Djokovic of Serbia and Naomi Osaka of Japan win the Men's and Women's Singles, respectively, at the Australian Open 2021, held in Melbourne, Australia.

(Images from https://www.independent.co.uk/)

The world no. 1 Djokovic defeated world no. 4 Daniil Medvedev of Russia in 3 straight sets, 7-5, 6-2, 6-2, on Sunday, 21 February 2021. It is Djokovic's 9th Australian Open titles.

Earlier on Saturday, the No. 3 Osaka won over 22th ranked Jennifer Brady of the USA in 2 straight sets, 6-4, 6-3. The title is Osaka's 2nd Australian Open and 4th Grand slam trophies having won also two US Open titles.

Other Winners of the Australian Open 2021

1. Men's Doubles = Ivan Dodig and Filip Polášek

2. Women's Doubles = Elise Mertens and Aryna Sabalenka

3. Mixed Doubles = Barbora Krejčíková and Rajeev Ram

4. Wheelchair

    a. Men's Singles = Joachim Gérard

    b. Women's Singles = Diede de Groot

    c. Quad Singles = Dylan Alcott

    d. Men's Doubles = Alfie Hewett and Gordon Reid

    e. Women's Doubles = Diede de Groot and Aniek van Koot

    f. Quad Doubles = Dylan Alcott and Heath Davidson

Amidst the pandemic, the Australian Open 2021 was successfully staged thanks to the officials, volunteers, stakeholders, fans, and the general public. Kudos to the Australians!


Saturday, February 20, 2021

Team Harabas, Dapat Parangalan ng DENR

Dahil sa pagmamahal nila sa kalikasan, dapat lamang mapansin at bigyang parangal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Team Harabas, sa pangunguna ni Jeff Guansing ng San Jose City, Occidental Mindoro. Ang pagtatanim nila ng punong bakawan o mangrove sa ilog ng San Jose at pangunguha ng mga basura sa paligid ay mga gawaing dapat hangaan at gawing inspirasyon bilang pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Ang Team Harabas ay binubuo ng mga YouTube vloggers na sina Harabas, Dala Man, Mr. Bags, Pungloy, Naldong Putik, Harabe, Harabuns, Tatang, Mr. Nice Guy, Cameraman, at video editor. Nakasama rin dito panandalian si Mananabas. 

(Image from the Facebook page of Harabas)

Nang ginawa ng grupo ang paglilinis at pagtatanim, hindi nila hinagad na makilala at mabigyan ng pagkilala. Ang kanilang ginawa ay kusa at likas. Nais nilang yumabong pa ang ang mga punong bakawan sa dalampasigan ng ilog dahil nakatutulong ang mga punong ito upang hadlangan ang pagguho (erosion) ng lupa. Isa pa, dito naninirahan ang maraming uri ng isda at iba pang lamang-dagat. Nais ng Team Harabas na mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran dahil maraming mamamayan sa tabing-dagat at ilog ang pinagkukunan ito ng kabuhayan at makakain sa araw-araw.

Saludo kami sa ginagawang ito ng Team Harabas sa Occidental Mindoro. Nawa ay maging inspirasyon ang grupo sa paglilinis at pagmamahal sa kapaligiran at kalikasan sa iba't ibang dako ng Pilipinas. Sana sa mga susunod na mga araw ay mabigyan sila ng pansin ng DENR at pagkalooban ng Sertipiko ng Pagkilala upang maging maigting pa ang kanilang adhikain na malinis at mahalin ang kapaligiran at kalikasan.


Panoorin ang pagtatanim ng bakawan ng Team Harabas DITO.


Australian Open 2021: Medvedev Smashes Tsitsipas to face Djokovic in the Final

Russian Danill Medvedev smashed Greek Stefanos Tsitsipas in their Semi-final round in the 2021 Australian Open held in Melbourne, Australia on Friday, 19 February 2021. The 4th seeded Medvedev defeated the world no. 5 in 3 straight sets, 6-4, 6-2, 7-5. 

Stefanos Tsitsipas vs Daniil Medvedev, Australian Open 2021
(Image from https://www.tennis.com/pro-game/2021/02/australian-open-preview-history-favors-medvedev-semifinal-tsitsipas-juggernaut-giant-killer/92992/)

The cool and calm Tsitsipas during his match with Rafael Nadal became agitated and frustrated when he lost control of the ball, succumbing to the determined Medvedev. Tsitsipas's anger was manifested when he threw down bottled water on the pavement near his bench. The sprawling water was immediately dried up by the tennis attendants to the dismay of the audience. (I think Tsitsipas deserves a fine for this misbehavior.)

Medvedev is scheduled to face Novak Djokovic of Serbia in the Final on Sunday at the Rod Laver Arena in Melbourne, at 7:30 PM., 21 February 2021. Earlier, Djokovic defeated Aslan Karatsev of Russia. The unseeded Karatsev bowed down to the world no. 1 Djokovic, also in 3 straight sets, 6-3, 6-4, 6-2.

Novak Djokovic
(Image from https://www.skysports.com/tennis/news/31870/12218156/australian-open-novak-djokovic-admits-gamble-in-continuing-title-defence)

Note: Owners of the images who want them removed, please leave a comment.

Friday, February 19, 2021

May Bato sa Apdo ang Mamay P

Kapag nagkakaidad ang isang tao ay maraming nababago sa kanyang katawan: humihina na ang kanyang resistensya; lumalabo ang paningin; humihina ang pandinig; tumataas ang presyon; sumasakit ang mga kasu-kasuan at mga buto-buto; at kung anu-ano pang karamdaman na sanhi ng pagtanda. Kung minsan, nasa isip na lang natin ang mga gawaing easy-easy lang nating nagagawa noong tayo ay bata-bata pa.

Dahil sa ating pagtanda, bigla-bigla na lamang lumilitaw ang iba’t ibang sakit na hindi natin alam na meron tayo. Tulad sa kaso ko, hindi ko alam na ang simpleng pagsakit ng tiyan ay may malalim palang dahilan. Gabi nang biglang sumakit ang aking tiyan. Akala ko ay hyperacidic lang ako dahil pareho ang sintomas. Agad akong uminom ng maligamgam na gatas na aking ginagawa kapag nakararamdam ako noon. Bahagyang nawala ang sakit subali’t nang ako’y matutulog na ay umulit ang sakit ng aking tiyan. Hindi ko malaman kung saan parte ito nagmumula. Parang hinahalukay ang aking sikmura, may pumipintig sa loob, at medyo kumukulo. Tagos hanggang likod ang sakit kung kaya’t hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paghiga. Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Pagising-gising ako.

Kinabukasan, medyo pawala ang sakit ng aking tiyan. Minabuti kong kumunsulta na sa isang manggagamot nang hindi pa rin ito tuluyang naalis. Mabait at maasikaso ang Nigerian na doktor na si Dr. Olumide Omawaye na umasikaso sa akin. Pinapunta ako sa laboratoryo upang kuhanan ng sample ng dugo upang masuri kung ano talaga ang dahilan ng pagsakit ng aking tiyan. Gayunman, niresetahan niya ako ng SOMAC, isang gamot sa hyperacidity o GERD (Gastroesophageal Reflux Disease (GERD). Sinabihan din niya kong magbawas ng timbang dahil overweight ako base sa aking BMI (body mass index).

                                                CT Scan Machine

Nawala ang pagsakit ng aking tiyan ng araw na iyon. Nang bumalik ako kinabukasan para sa resulta ng aking blood test, nakita ni Dr. Omowaye na masyadong mataas ang aking ferritin – isang protina ng dugo na nagtataglay ng  “iron”. Ang normal na level ng ferritin ay nasa 30 – 300 ug/L lang subali’t ang ferritin ko ay 3,079 ug/L – sampung beses ang taas! Maraming indikasyon kung bakit nataas ang ferritin ng isang tao. Maaaring sanhi ito ng sakit sa atay, rayuma, pamamaga, o maaari rin namang isang uri ng kanser.

Ang unang sapantaha ni Dr. Omawaye ay pancreatitis ang aking nararamdaman kaya binigyan niya ako ng referral upang magpa-CT scan (computerized tomography scan). Hindi ako kumain ng hapunan ng araw  na iyon at almusal kinabukasan para sa test. Isang basong kulay tsaa ang pinainom sa akin bago ako sumalang sa CT machine. Tinurukan din ako ng heringgilya upang pasukan ng dye ang akin katawan. Hinga at pigil-hininga ang aking ginawa habang nakasalang sa makina.

Hindi pancreatitis o tumor ang dahilan ng pagsakit na aking tiyan. Ang nakita sa aking CT scan ay maliliit na “bato” sa aking apdo o tinatawag na “cholelithiasis”. Upang masuring mabuti ay inirekomenda ni Dr. Omawaye ang “abdominal ultrasound” upang makitang mabuti ang kalagayan ng mga “batong” ito. Madali lamang ang procedure ng ultrasound. Walang ineksyon at walang pinaiinom. Papahiran lamang ng parang “gel” ang iyong tiyan at may ilalapat na instrumento rito. Tulad ng dati, hinga at pigil-hininga lang ang iyong gagawin.

Ultrasound machine

Ayon sa resulta ng aking ultrasound, ang aking apdo ay naglalaman ng maraming gumagalaw na mga “bato” o “calculli” na ang pinakamalaki ay 9 mm. Normal naman ang wall o kalamnan ng aking apdo. Ang common bile duct o CBD ay “dilated” na may sukat na 9.3mm subali’t walang nakitang mga “bato” rito.  Ang aking lapay at bato (kidney) ay normal naman.

Pinahinto ni Dr. Omawaye ang pag-inom ko ng Atorvastatin – isang gamot sa high cholesterol level – dahil baka sanhi rin ito ng pagtaas ng aking ferritin. Sa pag-inom ko ng Somac at paghinto sa pag-inom ng Atorvastatin, ay unti-unting bumaba ang aking ferritin. Gayunman, nirekomenda ako ng doktor sa isang surgeon, si Dr. Frank Wang, dahi baka mauwi sa “choledocholithiasis” o pagbaba ng mga “bato” sa CBD na maaaring maging sanhi ng pagbabara nito.

MRI Machine

Gumawa ng referral si Dr. Wang sa isang laboratoryo upang sumalang ako sa isang MRI (Magnetic resonance imaging). Isinagawa ang MRI noong May 19, 2020.  Hinga at pigil-hininga lang aking ginawa habang kinukunan ng larawan ang loob ng aking tiyan. Inabot nang higit sa isang oras ang pagsalang ko sa MRI machine dahil inulit ang malalabong kuha.

Nirekomenda ako ni Dr. Wang kay Dr. Passan para sa isang ERCP (Endoscopic retrograde cholangiopancreatography), isa itong procedure kung saan may ipapasok na instrumento sa iyong katawan mula sa bibig hanggang sa doudenum at CBD upang suriin at/o alisin ang anumang nakabara roon. Sa isang pampublikong ospital ginawa ang aking ERCP. Tinurukan ako ng Anaesthesiologist ng sedative o anaesthesia upang hindi ko maramdaman at mamalayan ang gagawin sa akin.

Habang nasa loob ng silid ay iniisip ko kung paano makakatulog at magkakaroon ng bisa ang initurok sa aking gamot. Nagising na lamang ako na nasa Recovery Room na kabilang ang mga pasyenteng dumaan din sa iba’t ibang procedure ng Endoscopy Department ng ospital, habang may IV fluid na nakalagay sa aking kanang kamay. Apat na oras na NBM (Nothing By Mouth) ang rekomendado ni Dr. Passan kaya 4 na oras din ang inilagi ko sa silid. Ibinalita ng doktor na nasa 30 ang inalis na “bato” sa akin na ang pinakamalaki ay 4mm.

Pagkatapos ng apat na oras ay pinakain ako ng jelly at pinainom ng tsaa at saka pinauwi rin nang araw na iyon. May ilang araw na masakit-sakit ang aking lalamunan dahil sa instrumentong ipinasok dito. Nawala rin naman ito pagkatapos. Nang muli akong bumalik kay Dr. Wang ay sinabing kailangan akong operahan at tanggalin ang aking apdo dahil meron pa itong mga “bato”. Nag-fill up siya ng Admission Request sa isang pampublikong ospital kung saan gaganapin ang operasyon. Pinilapan ko rin ang nasabing dokumento at ipinasa sa nasabing ospital. Maghihintay pa ako ng tatlo hanggang apat na buwan sa opeasyon na maaari ring matagalan dahil sa Covid-19.

Sa ngayon, hindi naman sumusumpong ang pananakit ng aking tiyan. Limitado lamang ang aking kinakain. Iniiwasan ko nga lamang ang pagkain ng mamantika kahit sinabi ni Dr. Wang na wala akong dapat iwasang kainin nang tanungin ko siya. Halos 10 kilo ang nawala sa aking timbang. Mula sa 77.7 kilo ay nasa 67.5 kilo na lang ito. Ang pagbaba ay dahil sa limitadong pagkain at paglakad-lakad ng 30 minuto sa araw-araw. Dahil nabawasan ng timbang, medyo tumanda ang itsura ng inyong Mamay P subali’t mas iwas naman ito sa iba pang sakit. 

For the video version, please watch below:


How to Cook Authentic Filipino Sweet & Sour Chicken | Famous Fi...

Watch the video below to learn how to cook Sweet & Sour Chicken:

INGREDIENTS
1/2 - 3/4 kg. chicken parts 1 medium onion 3 cloves garlic, crushed 1-inch ginger, julienned  1 medium carrot 1/4 bell paper 1/4 cup pineapple chunks 1/4 cup pineapple juice 1 1/2 cups water 2 tbsp oil salt & pepper to taste sweet and sour mix or (2 tbsp vinegar, 1 tsp brown sugar, 2-3 tbsp banana catsup)  PROCEDURE
1. Heat oil in a pan. 2. Saute' garlic until fragrant and onion until translucent. 3. Fry chicken parts until they changed color. 4. Cover and cook over low to medium heat for 5 - 7 minutes or until meat is tender. 5. Add the ginger and carrot. 6. Pour in the pineapple juice and chunks and cook for about 3 minutes. 7. Add the sweet & sour mix  OR ( pour in vinegar, brown sugar, and catsup. Do not stir) 8. Add the bell pepper. 9. Season to taste. 10. Serve hot with rice.  HAPPY EATING!





Please watch and SUBSCRIBE to my YouTube channel.

Bakit Pinapanood ko ang Vlogs ni Japer Sniper?

Simula nang pumaimbulog ang kaso ng mga nagkakasakit sa Covid-19 at maraming restrikyon ang ipinataw sa mga mamamayan ng pamahalaan sa Pilipinas man o sa ibang parte ng mundo, naging kabagut-bagot ang mga araw na nasa loob ka lamang ng bahay. Dahil dito, sinimulan ko uli ang pag-a-update ng aking mga blogs. Napag-trip-an ko rin ang panonood ng mga video sa You Tube at naingganyo na sumubok na ring mag-upload ng mga bidyo.


Isa sa napagtuunan ko ng pansin sa libu-libong channel sa YT ay ang vlog ni Jeffrey Agravante, na mas kilala sa tawag na “Japer Sniper”. Tama nga ang tawag niya sa kanyang mga tagasubaybay o subscribers na ka – “SOWEIRD” dahil kakaiba nga ang kanyang mga bidyo.

Noong una ay nayayamot nga akong panoorin si Japer Sniper dahil kung magkaminsan ay korny o mababaw ang kanyang mga jokes at mga parody na kanyang ipinalalabas sa kanyang channel. Gayunman, nagpatuloy ako bilang isang lihim na tagasubaybay.

Habang tumatagal, nagiging pursigido na akong panoorin ang kanyang mga bidyo. Ito ay hindi lamang dahil sa kanyang matining na pagtawa kundi sa laman ng kanyang puso. Nasaksihan ko ito nang ipamahagi niya ang parte ng kanyang unang kinita sa You Tube. Akala ko ay pansamantala lamang ang pagtulong na iyon subali’t nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.


Maliban sa kanyang mga ibinabahagi sa kanyang bidyo, hindi ko kilala si Jeffrey Agravante, a.k.a., Japer Sniper. Ang alam ko lang ay nagbuhat sa Visaya si Japer, dating private driver, may-asawa at 2 anak na babae. Siya ay nakatira ngayon sa Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas.

Sadyang matulungin si Japer lalo na sa kanyang mga kabarangay at sa kapwa-vloggers. Ang pagtulong niya sa kanyang kapwa-vloggers ang isa sa mga dahilan kung bakit humina ang kinikita niya sa YT. Sa ngayon ay hindi ko na nakikitaan ng ads ang kanyang mga video. Marahil ay mayroon siyang paglabag sa panuntunan ng You Tube at/o Google Adsense na hindi pa niya binibigyan ng solusyon. Gayunpaman, nagpapatuloy siya sa pamamahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay para sa kanyang mga taga-subaybay kahit hindi siya kumikita. Nagpapatunay lamang ito na hindi ganoon kahalaga ang salapi kumpara sa kasiyahan ng kanyang mga subscribers.

Maliwanag din sa sinag ng araw ang pagmamahal ni Japer Sniper sa kanyang mga kabarangay. Sa isang streamed video, sinabi ni Japer na hindi mahalaga kung magalit man ang ilan niyang kaibigan na hindi niya mapayagang bumibisita sa kanilang barangay ngayong pandemya kung nakataya naman ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay. Pinayuhan niya ang kanyang mga tagahanga at kapwa-vloggers na ipagpaliban muna ang pagpunta sa kanilang bahay hangga’t mapanganib pa ang sitwasyon.

Bakit pinapanood ko si Japer Sniper? Simple… dahil tutoo siyang tao. Ang kanyang pagtulong ay kusa at bukal sa loob. Hindi naghananap ng kapalit. Inuuna niya ang iba kaysa sa kanyang pansariling pangangailangan. Hindi ba ga’t bibigyan niya ng tig-bebente mil na  cellphone ang anak ni Kuya Michael upang makapag-vlog din ito at kumita gayong nasa pagawaan ang kanyang lumang cellphone?


Isang simple tao na may malaking pangarap para sa kanyang pamilya at mga kabarangay. Iyan si Japer Sniper, si Jeffrey Agravante, isang ka-soweird na You Tube vlogger. Hindi sapat ang isang Sertipiko ng Pagkilala upang siya ay mahalin. Ang mahalin siya ng mga ka-soweird na tagasubaybay ay sapat na.

Panoorin po natin ang kanyang mga video at maging subscriber.

(Note: All images from Jeffrey Agravante (Japer Sniper) FB account)

How to Cook Nilagang Tinolang Manok

In this cool weather, eating hot soup bundled with your favorite meat and vegetables is a must. That’s why your Mamay P opted to cook the Filipino favorite dish “TINOLANG MANOK”. But because some ingredients were not readily available here in Australia, instead of purely tinola, I made it with a combination of NILAGANG MANOK. That is the reason why I called my menu “NILAGANG TINOLANG MANOK”.


INGREDIENTS:

½ - ¼ kilo of chicken parts

Onion, medium size, quartered

Medium-sized carrot, cut into 6 – 8 pieces

Medium-sized potato, cut into 6 pieces

¼ cabbage, cut horizontally

2-3 bunch of bok choy or pechay

1 inch ginger, julliened

1 table spoon fish sauce

Black pepper powder to taste

 Optional: ½ sachet of tinola mix

 PROCEDURE:

1. Heat oil in a pan.

2. Saute’ onion until translucent.

3. Add in the ginger.

4. Fry chicken parts until they changed color.

5. Cover and cook the chicken for about 5 minutes or until the meat is tender.

6. Add the potato and the carrot.

7. Add the optional tinola mix.

8. After 2 minutes, add the cabbage.

9. Season with salt & black pepper, to taste.

10. When the cabbage is cooked, add in the bok choy.

11. Cover the lid and turn off the stove.

12. Serve hot with rice.

 ENJOY!

If you wish to watch the video of this recipe, please click HERE

PEPT Reviewer: Araling Panlipunan (Social Studies) - GEOGRAPHY Part 1

Basahin, unawain at tandaan ang mga sumusunod na termino, impormasyon, ideya, at katutohanan tungkol sa Araling Panlipunan bilang paghahanda sa Philippine Educational Placement Test o PEPT:

Heograpiya

Ang heograpiya ay ang pagaaral ng pisikal na katangian ng mundo nagmula ito sa salitang "geo" na nangangahulugang lupa.

Kontinente

Ang malaking bahagi ng lupa sa mundo ay tinatawag na kontinente.

 Ang 7 Kontinente sa Mundo at ang mga Sukat nito:

Asya = 17,128,578 mi kw.

Aprika = 11,700,500 mi kw.

Hilagang Amerika = 9,363,000 mi kw.

Timog amerika = 6,875,000 mi kw.

Antartiko = 5,500,000 mi kw.

Europa = 4,057,000 mi kw.

Australia at Oceana = 2,966,136 mi kw.

 KABUUAN = 57,590,214 mi kw.

 Teorya ni Alfred Wegener

Alfred Wegener - Pangaea and Continental Drift
(Image from https://www.pinterest.com/pin/305541155950564866/)

Ipinakilala ni Alfred Wegener, isang Geologist na Aleman, noong 1912 ang tinatawag na continental drift. Ang mga kontinenteng kilala natin ngayon ay matagal ng nakausad nang malayo sa ibabaw ng mundo at patuloy paring umuusad magpahanggang ngayon. Sinabi rin niya na ang mga kontinente ay dating binubuo ng iisang masa lamang na tinatawag na PANGAEA at napapalibutan ng isang malaking karagatan na tinatawag na PANTHALASSA. Tinatayang 200 milyong taon na ang nakakalipas nang ang Pangaea ay naghiwahiwalay at naging dalawang malaking umbok na tinawag na GONDWANALAND AT LAURASIA. Mula sa Laurasia ay nagbuo ang mga kontinenteng ASYA, EUROPA, HILAGANG AMERIKA. Samantalang sa Gondwanaland naman ay APRIKA,TIMOG AMERIKA, ANTARTIKA, AT AUSTRALIA.

Teorya ni Alexander von Humboldt

Alexander von Humboldt
(Image from wikipedia.org)

Isang Prussian geographer, naturalist,at explorer na ang mga kontinenteng nakapaligid sa karagatan atlantiko ay minsan ng magkakarugtong.

Ang Plate Tectonics Theory

Nabuo noong 1960, at ayon dito ang mga kontinente ay nakatuntong sa plates o malaking tipak ng lupa na may kapal na 30 hanggang 60 milya na lumulutang sa magma.

Mga Porma o Anyo ng Kalupaan

Pulo (Island)

Ang mga lupa na mas maliit kaysa sa kontinente. Ang mga halimbawa nito ay ang Boracay sa Aklan, Panglao sa Bohol, at Hundred Islands sa Pangasinan.

Peninsula

Ang peninsula ay isang malaking bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig. Tinatawag din itong tangway. Dahil ang isang bahagi nito ay nakarugtong sa isang kontinente o isang malaking masa ng lupa. Ang mga halimbawa nito ay Florida sa Estados Unidos, Korea, at Italya.

Isthmus

Isang maliit na bahagi ng lupa na nakarugtong sa dalawang malaking masa ng lupa. Ang halimbawa nito ay Bosporus sa Turkey na nagdurugtong sa Asya at Europa at ang Isthmus ng Panama na nagdurugtong sa Hilaga at Timog Amerika.

Isthmus of Panama
(Image from earthmagazine.org)

Bundok (Mountain)

Ang pinakamataas na anyong lupa ay bundok. Ang Himalayas sa Asya ay ang pinakamataas na bundok sa buong asya.

Burol (Hill)

Maliit kumpara sa bundok. Ito ay may umbok ng lupa ng karaniwang matatagpuan sa mahabang bahagi ng kabundukan. Ang halimbawa nito ay ang Chocolate Hills sa Bohol.

Bohol Chocolate Hills
(Image from wikipedia.org)

Kapatagan (Plain)

Ang malawak na anyong lupa ay tinatawag na kapatagan. Sa Pilipinas, ang ganitong anyong lupa ay ginagamit bilang taniman at tirahan ng tao.

Lambak (Valley)

Ang patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok ay tinatawag na lambak. Kilala ang Lambak ng Indus sa India, Lambak sa Ehipto, at sa Pilipinas naman ay ang Lambak ng Cagayan.

Talampas (Plateau)

Ay mataas na lupa na patag ang ibabaw. Ang pinakasikat na halimbawa nito ay ang Lungsod ng Baguio at Tagaytay.




Thursday, February 18, 2021

Protesta ni Bongbong Marcos, Ibinasura ng Korte Suprema

Hindi pa rin maka-move on ang mga supporters ni Bong Bong Marcos matapos ibasura ng Korte Suprema noong Martes, Pebrero 16, 2021 ang protesta nito laban sa nakaupong bise-presidente na si Leni Robredo. Tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal, binalewala ang reklamo ni BBM dahil sa walang merito matapos lumamang pa ng higit sa 15,000 boto si Robredo sa ginawang manual count noong October 2021 sa 5,415 clustered precincts sa mga probinsya ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. Ang pagbabasura ay ginawa ng SC dahil hindi rin nakapagbigay nang sapat at tiyak na mga detalye hinggil sa mga presinto at lugar na mga irregularidad sa pagboto ang kampo ni Marcos. Nirespeto naman ng Malakanyang ang naging desisyon ng Supreme Court.

(Image from https://en.wikipedia.org/wiki/Bongbong_Marcos)

Dahil sa desisyon, nanindigan pa rin ang mga taga-suporta ni Bong Bong Marcos na ang kanilang idolo ang tunay na nanalo sa 2016 Election sa pagka-Pangalawang Pangulo. Natural lang na ganito ang kanilang mga naging saloobin matapos biglang bumagal ang pagbibilang ng boto noong gabi ng halalan matapos makapagtala ng higit sa isang milyong lamang si BBM laban kay Robredo. Pagkagising kasi kinaumagahan ay nanguna na si Robredo. Pinagpa-Diyos na lang ng iba ang kinalabasan ng protesta dahil baka raw may ibang plano ang nasa Itaas para kay Bong Bong. Baka raw hindi pagka-bise presidente ang tungkulin ng batang Marcos kundi maging Pngulo ng Pilipinas sa 2022.

Sinasabi ng ilan na inaasahan na nilang lalamang si Robredo sa mga presintong prinotesta ni BBM dahil naroon nga ang dayaan sa pagbilang. Dagdag pa rito ang mga basang election return na hindi na nabasa pa.

Sa ganang akin ay mali ang pagpili ng mga presintong inireklamo ni BBM. Dapat ang pinili niya ay yaong mga presintong kokonti ang lamang niya kay Robredo dahil sa aking palagay, hindi nabilang nang ayos ang kanyang mga boto o kaya ay nabawasan. Marahil ay inayos na rin ng mga nasa administrasyon noon ang mga presinto sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental dahil alam nilang ito ang pagtutuunan ng pansin ni BBM kapag nagreklamo at dahil na rin sa pahayag ni dating Pangulo Noynoy Aquino na hindi siya makapapayag na manalo si BBM. At siya namang nangyari.

May dayaan mang nangyari sa pagkapanalo ni Leni Robredo bilang bise-presidente noong 2016, tanging ang Diyos ang nakaaalam at ang mga taong nagsagawa nito. 


Barty at Nadal, Semplang ang Ambisyon sa Australian Open 2021

Sumemplang ang ambisyon nina Ashleigh Barty at Rafael Nadal na makuha ang titulo ng Australian Open Tennis Tournament 2021 matapos silang talunin nina   Karolina Muchova at Stefanos Tsitsipas, sa kanilang Quarter-final match sa Melbourne, Australia, kahapon Pebrero 17, 2021.

(Image from https://nypost.com/2021/02/17/rafael-nadal-upset-by-stefanos-tsitsipas-in-australian-open/)

Pinahirapan ng world no. 25 na si Muchova ng Czechs Republic ang world no. 1 na si Barty ng Australia sa iskor na 1-6, 6-3, at 6-2. Napurnada namang talunin ng world no.2 na si  Nadal ng Espanya and world no. 5 na Tsitsipas ng Greece gayong nauna na siyang manalo ng 2 puntos. Sumuko si Nadal sa mas batang Griyego sa iskor na 3-6, 2-6, 7-6, 6-4, at 7-5.

(Image from https://www.theguardian.com/sport/2021/feb/17/ash-barty-exits-australian-open-after-stunning-karolina-muchova-comeback)

Nakatakdang sagupain ni Tsitsipas ang world no. 3 na si Daniil Medvedev ng Russia sa kanilang Semi-final match sa Biyernes, Pebrero 19, 2021. Sa kabilang dako, ang world no. 22 na Jennifer Brady ng Amerika ang makakatunggali ni Muchova ngayong araw na ito, Pebrero 8, 2021 sa  kanilang Semi-final round. 


Tuesday, February 16, 2021

Pinoy YouTube Bloggers, Bumuti ang Buhay

Nakatutuwa namang panoorin at malaman ng marami na sa ating kababayan na YouTube vloggers ang umasenso na ang buhay. Huwag na natin isama rito yaong mga sikat na artista at celebrities, tulad nina Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Vice Ganda, atbp. Pagtuunan na lang natin 'yaong mga simpleng vloggers na wala pang 500K ang subscribers.

Basel Manadil, a.k.a. The Hungry Syrian Wanderer

Hindi ako subscribers na ibang mga sikat na YT vloggers, bale ang napagtuunan ko lamang ng pansin ay 'yong mga YT channel na pinanonood ko, subscriber man ako o hindi.

Una sa listahan ko si Basel Manadil a.k.a. The Hungry Syrian Wanderer. Sa ngayon ay nagpapa-renovate siya ng malaking bahay na sa tantya ko ay aabutin ng ilang milyon ang halaga.

Itaas ng Bahay ni Louie TV

Hindi pa sikat si Louie TV pero nakapagpagawa na rin siya ng simpleng bahay sa Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas - sa lugar kung saan sumikat ang isa pang YT sensation na si Jeffrey Agravante a.k.a. Japer Sniper. Bagama't mas maraming subscriber si Japer, hindi pa siya nagpapagawa ng sariling bahay. Gayunman, ilang bangkang de-motor na ang kanyang nabili. Sa palagay ko ay magpapatayo na rin siya ng bahay sa lalong madaling panahon.

Ang isa pang nagpapagawa ng bahay ay si Kafarmer. Malaking bahagi ng pondo ng kanyang bahay ay buhat sa kinikita niya sa YouTube.

Simula ng Bahay ni Dhix's Spidee

Nagpapagawa na rin ng bahay si Dhix's Spidee sa kanilang lugar sa Sta. Ana, Cagayan. Hindi pa tapos ang bahay nila ng nobyang si Princess Cooks subali't malaking tulong ang sinasahod nila sa Google Adsense upang matupad ang kanilang mga pangarap.

Jeff "Harabas" Guansing
(Image from https://starbeat.tv/talent/jeff-guansing/)

Isang YT vlogger na taga-San Jose, Occidental Mindoro rin ang nagpapagawa ng bahay. Si Jeff Guansing o ang mas kilala bilang Harabas, ay nasimulan na rin ang pagpapagawa ng bahay. Nasa finishing stage na ito. Sa ngayon ay partner din siya sa isang kabubukas pa lamang na pasyalan-kainan sa Highway 54 ng nasabing bayan.

Ate Nel's TV

Sa kasalukuyan, nagpa-renovate din ng bahay si Ate Nel's ng General Nakar, Quezon. Ang simpleng maybahay na may masipag na bossing ay unti-unti ring nababago ang kalagayan sa buhay sa tulong ni Google Adsense. Ang kanyang panganay na si Melot ay nagba-vlog na rin at dumarami na rin ang mga subscribers at viewers.

Francis & Ulysses, a.k.a. Franuly

Hindi man kalakihan ay nakabili na rin ng lupang pagtitirikan ng kanilang bahay si Ulysses at Francis na mas lalong kilala bilang Franuly. Sila 'yong pareho ang kasarian na na-inlove sa isa't isa mula sa Magallanes, Agusan Del Norte. Sa susunod na mga araw ay sisimulan na rin nila ang kanilang simpleng tahanan.

Sa mga pahayag, makikita nating may pera sa paggawa ng video sa YouTube. Gayunman, hindi ito madaling gawin lalo na at ordinaryong Pinoy ka lamang. Nangangailangan ito ng sakripisyo, oras, at pagtitiyaga. Dapat ay mahaba ang iyong pasensya. Ipagpatuloy ang paggawa ng video kahit kokonti pa lamang ang nanonood dito. Ang mahalaga ay masaya ka sa iyong ginagawa at nakapagbibigay ka ng kaalaman o kasiyahan sa mga nanonood.

Monday, February 15, 2021

Sipi: Milagro at Sekreto

PLEASE LANG, ‘WAG NA KAYONG MAGBIGAY NG ASO KAY JAPER SNIPER!

Walang tama ang Mamay P ninyo pero pakiusap, huwag n’yo nang bigyan ng aso si Jeffrey Agravante o mas lalong kilala sa Japer “Soweird” Sniper. Bakit ko nasabi ‘to? Aba’y huwag ninyo namang gawing pulubi ang ating idol sa hinaharap. 

(Zowie with Japer Sniper)

Batid kong mabait na tao si Japer Sniper at ang kanyang pamilya.  Tulad ng pagmamahal nila sa kanilang kapuwa, love din nila ang mga aso. Pero sana, maging praktikal naman tayo. Tama na siguro sina Zowie, Weirdy, at Pasty sa kanila. Napakamahal po kasi ng pakain at pagpapagamot sa mga aso. 

(Weirdy)

Oo, malaki ang kinikita ni Japer pero malaki rin ang inilalabas niya para matulungan ang ibang tao. Saka, hindi naman laging magiging ganito sa mga susunod na araw. So, ano ang payo ng inyong Mamay P? Dapat ‘yong mga pet company naman tulad ng Purina ang mag-sponsor kay Japer para sa kanyang mga alaga. Ganoon na rin ang gawin ng mga kumpanya na may kinalaman sa mga hayop para bigyan ng libreng gamot at bitamina ang tatlong aso. 

(Pasty)

Mas maganda rin siguro na ‘yong magbibigay ng aso, mag-donate din sila ng mga pakain nito. Huwag kayong magalit sa inyong Mamay P dahil inilalabas ko lang naman ang aking saloobin. Walang tama ang inyong Mamay P pero alam kong may tama sa mga sinasabi ko. Hanggang dito na lang mga Ka-Soweird!

(Note: Ang mga larawan ay pagmamay-ari ni Jeffrey Agravante a.k.a. Japer Sniper, mula sa kanyang Facebook Account)

Friday, February 12, 2021

De Minaur Smashes Cuevas, 6-3, 6-3, 7-5

            Alex De Minaur smashed the ambition of Pablo Cuevas on the Third Round match of the Australian Open in Melbourne, Australia on Thursday, 11 February 2021 at the Margaret Court Arena.   The 23-year old Aussie defeated the Uruguayan, 6-3,  6-3,  7-5.


            Cuevas only managed to subdued De Minaur when he scored 5-3 in the third set. However, the younger player did not let Cuevas win. The No. 21 De Minaur is scheduled to play with No. 16 Fabio Fognini of Italy on Saturday, 13 February 2021.


            Outside the court, De Minuar is rumored to have dated British tennis star Katie Boulter, 24.


NOTE: Above images are from wikipedia.org

Thursday, February 11, 2021

Magpapaturok Ka ba ng Covid-19 Vaccine?

        Handang-handa ang Pilipinas sa pagbabakuna laban sa Covid-19 matapos nitong magsagawa ng mga simulation nitong mga nakaraang araw, mula sa pagdating ng mga ito sa Manila International Airport hanggang sa mga vaccination centers, at maging sa aktuwal na pagtuturok nito sa mga mamamayan. Hindi lang sa Maynila isinagawa ang mga simulation na ito kundi maging sa mga pangunahing siyudad tulad ng Davao at Cebu. 

(Images from https://www.abc.net.au/news/health/2020-03-05/when-to-get-flu-vaccine-coronavirus-covid-19/12024498)

        Ang paghahanda ay isinagawa upang masigurong ligtas pa ring gamitin ang mga bakuna lalo na ang Pfizer vaccine na nangangailangan ng mas mababang temperatura kaysa sa iba. Siniguro rin ng pamahalaan na hindi magkakaroon ng power interruption sa mga pag-iimbakan ng mga bakuna upang manatiling epektibo ito.

(Image from https://www.ft.com/content/ebd9ca50-c2d7-4b0e-afd5-e90e93c0c495)
(Image from 
https://www.theguardian.com/world/2020/nov/16/moderna-covid-vaccine-candidate-almost-95-effective-trials-show)

        Inaasahang pababakunahan ang mga frontliners sa unang bugso ng pagbabakuna dahil sila ang mga direktang nakakasalamuha ng mga tao, maysakit man ang mga ito o wala. Gayunman, tiniyak ni Pangulong Duterte na mabibigyan ng bakuna ang karamihan sa mga Pilipino, na inaasahang magsisimula sa unang linggo ng Marso o mas maaga pa depende sa pagdating ng mga bakuna.

(Image from https://www.clinicaltrialsarena.com/news/sinovac-coronavac-elderly-data/)

        Gaano kaepektibo ang mga bakuna laban sa Covid-19?

        Ayon sa unang mga pagta-trial, ang mga sumusunod ang efficacy rate ng mga bakuna:

        1. Pfizer/BioNTech = 95%

        2. Moderna = 94%

        3. AstraZeneca/Oxford = 70%

        4. Sinovac = 50.4% (ayon sa huling trial na ginanap sa Brazil sa mga nabakunahang health workers. Gayunman, 91.5% effective ito nang iturok sa mga ordinaryong mamamayan ng Turkey).

        Ayon sa World Health Organization (WHO), epektibo ang isang bakuna kung ito ay at least 50% effective. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng mga trials ang mga manufacturer ng mga vaccine para sa dagdag datos at impormasyon.

(Image from https://www.begadistrictnews.com.au/story/7122032/who-backs-use-of-astrazeneca-vaccine/?cs=4012)

        Napapanahon at kailangang mabakunahan ang karamihan sa mga Pilipino dahil laging lampas pa rin sa isang libong kaso ng Covid-19 ang araw-araw na naitatala ng Department of Health (DOH). Gayunman, marami pa rin sa mga Pinoy ang nag-aalangang magpabakuna dahil sa agam-agam na maaaring magdulot ito ng kamatayan, dahil na rin sa naitala sa Norway. Tiniyak naman ng OH na ligtas at epektibo ang mg bakuna laban sa Covid-19 dahil dumaan ang mga ito sa masusing pag-aaral. Dahil dito, iminungkahi ni Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong City na maunang magpabakuna ang mga mayor sa Metro Manila kapag dumating na ang mga inorder nilang bakuna upang makampante ang mga residente na kanilang mga nasasakupan.

        Nawa ay maging maayos ang pagbabakuna sa mga Pilipino gayundin sa iba pang mamamayan ng mundo upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 na nagpabago sa pamumuhay ng mga tao at nagpabagsak ng maraming ekonomiya. 

        Ikaw, magpapaturok ka ba ng Covid-19 vaccine? Bakit o bakit hindi? Isulat sa comment ang inyong sagot.


Sunday, February 7, 2021

Dual Citizen na ang Mamay P

         Huwag ninyong isipin na BALIMBING ang inyong Mamay P dahil pagkalipas ng apat na buwan matapos maging Australyano ay nag-aplay siya upang maging Filipino muli. Nito ngang Febrero 4, 2021 naging Pinoy muli ang inyong Mamay P sa bisa ng Republic Act No. 9225  o mas kilala bilang Citizenship Re-acquisition and Retention Act of 2003. Nanumpa siya sa harap ni Konsul Melanie Rita B. Diano, kabilang ang 12 pang aplikante sa Philippine Consul General office sa Sydney, Australia. 

        Hindi madali ang magkaroon ng dalawang citizenship dahil maliban sa mga benepisyong makakamit, kalakip din nito ang malaking tungkulin o responsibilidad. Sinasabi ngang mahirap ang magmahal ng dalawang pinuno dahil baka masakripisyo ang iyong katapatan. Ganito rin ang madarama kung mamamayan ka ng dalawang bansa. Gayunman, ang alalahaning ito ay naibsan dahil sa katutohanang mula noon hanggang ngayon ay nanatiling magkaibigan ang Pilipinas at Australia.

        Matapos ang panunumpa (tingnan sa ibaba ang buong tekto), ang isang matagumpay na aplikante ay bibigyan ng tatlong dokumento. Ito ay ang mga sumusunod:

        1. Petition for the Issuance of o Certificate of Retention/Re-acquisition of Philippine Citizenship (CRPC)


        2. Identification Certificate

        3. Oath of Allegiance

Anu-ano ang mga pribelihiyo ng Philippine Dual Citizenship?

        Maliban sa pagiging Pilipino muli, ang ilan sa mga pribelihiyo/benepisyo ng pagiging Philippine dual citizen ay ang magkaroon ng pasaporte, manatili sa Pilipinas habang nais, magkaroon ng ari-arian at negosyo,at ang makaboto sa mga halalan.

        Ang isang probisyon ng R.A. No. 9225 na hindi ko nagustuhan ay tungkol sa pagtakbo bilang kandidato sa halalan at/o paghalal bilang isang pampublikong opisyal. Kailangan pa kasing talikdan mo ang iba mo pang citizenship o pagkamamamayan. Ilan kaya sa ating mga nakaupong mambabatas at politiko, o yaong may pampublikong katungkulan sa bansa ang hindi rin mamamayan ng ibang bansa? Kung meron, sila ay lumabag sa batas.

        Sa mga nagnanais maging dual citizen dito sa Australia, basahin ang mga sumusunod na impormasyon na naka-paskel sa website ng konsulado:

DUAL CITIZENSHIP APPLICATION UNDER R.A. 9225 OR

THE CITIZENSHIP RETENTION AND REACQUISITION ACT OF 2003

Who can apply:       

R.A. 9225 declares that natural-born citizens of the Philippines who become citizens of another country shall retain or reacquire Philippine citizenship upon taking an oath of allegiance to the Republic and upon submission of requirements enumerated below. 

 Requirements to be submitted by mail:

For Principal Applicant:   

1) Two (2) original accomplished Petition for Dual Citizenship application form

2) Four (4) passport-sized photos with white background, taken within the last three (3) months

3) Two (2) photocopies each of the following documents certified by the Justice of Peace:

Kindly bring the originals of the documents you included with your application during the oath-taking ceremony as we may need to verify these with the certified copies you provided.

  • Philippine Statistics Authority (PSA)-issued birth certificate or Report of Birth (if born abroad)
  • Most recent Philippine passport
  • Australian Certificate of Naturalization
  • Australian passport
  • For married female applicants, PSA-issued Marriage Certificate or Report of Marriage (if applicant is married outside of the Philippines).  Refer to the Civil Registry section of this website for information on Report of Marriage;

4) Non-refundable fee of A$ 90.00 in postal money order payable to the Philippine Consulate General. Do not send cash in the mail.


For Dependents (less than 18 years old):

  1. Two accomplished Identification Certificate application forms for each dependent
  2. Two (2) photocopies each of the following documents certified by the Justice of Peace:

    Kindly bring the originals of the documents you included with your application during the oath taking ceremony as we may need to verify these with the certified copies you provided.

    • Philippine Statistics Authority (PSA)-issued birth certificate or Report of Birth (if born abroad)
    • Most recent Philippine passport
    • Australian Certificate of Naturalization
    • Australian passport
  3. Four (4) passport-sized photos with white background, taken within the last three (3) months
  4. Non-refundable fee of A$45.00 in postal money order payable to the Philippine Consulate General. Do not send cash in the mail.


STEP BY STEP PROCEDURE FOR DUAL CITIZENSHIP APPLICATION PROCESS

  1. Client submits by mail the duly accomplished Petition Under Oath to Re-Acquire/Retain Philippine Citizenship Under R.A. 9225 application forms and supporting documents.
  2. The processor evaluates the documents.
  3. If information/documents submitted are incomplete or inconsistent, the processor may require additional documents to verify certain circumstances of the applicant.  The processing of application will commence once documentary requirements are completed. 
  4. If documents are complete and in order, the applicant will be informed by email his/her schedule for the oath-taking, which is held twice a week.  
  5. The processor prepares the Dual Citizenship documents of each applicant, such as:  Order of Approval, Identification Certificate and the Oath of Allegiance, if the petition is found to be sufficient in form and substance.  
  6. The applicant attends the Oath-taking Ceremony at the Consulate.  The activities include the following: a) briefing on dual citizenship b) oath-taking c) singing of Philippine national anthem and d) distribution of dual citizenship documents to each applicant. 

Oath taking Ceremony

For dual citizenship to take effect, the petitioner and their dependents must recite an oath at the Consulate. The oath-taking ceremony is held at the Consulate once a week.  Petitioners will be informed by email of the schedule of their oath-taking.

Oath taking of petitioners residing outside of New South Wales is suspended as of this writing until further notice.


Para sa dagdag kaalaman at iba pang katanungan, basahin ito:

A Primer on Philippine Dual Citizenship

What is the Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003?

Republic Act. No. 9225 or the Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003 is a law enacted by the Philippine Congress on 29 August 2003 which provides the procedure for natural-born Filipinos to re-acquire their Filipino citizenship after losing their Filipino citizenship through naturalization in a foreign country.

Who are eligible for Philippine dual citizenship?

All natural-born citizens of the Philippines who have acquired Australian (or any other) citizenship are eligible to be a Philippine dual citizen. A person is a natural-born Filipino citizen if s/he was born to a father and/or mother who was Filipino at the time of her/his birth.

How does one re-acquire Filipino citizenship?

Under Republic Act No. 9225, a natural-born Filipino who lost her/his Filipino citizenship through naturalization in Australia may re-acquire Filipino citizenship by taking the Philippine Oath of Allegiance before a duly authorized Philippine official. The Philippine Oath of Allegiance does not require the renunciation of citizenship in any other country.

Does Philippine dual citizenship affect the status of Australian citizenship?

For Filipino-Australians (or former Filipinos who have acquired Australian citizenship), Philippine dual citizenship does not affect in any way the conditions or status of their Australian citizenship. However, persons who hold an elected office or are seeking an elected position might be required by their political party to renounce any non-Australian citizenship.

Does a dual citizen need to reside in the Philippines?

Residency in the Philippines is not required of those who wish to re-acquire or have re-acquired Filipino citizenship. Those who intend to vote in local elections, however, must establish residence in the locality where they wish to vote.

What rights and privileges is one entitled to on re-acquiring Filipino citizenship?

Dual citizens enjoy the full civil and political rights of Filipinos as guaranteed by the Philippine Constitution and existing Philippine laws. These include:

  • right to vote in Philippine national elections
  • right to own land and property in the Philippines
  • right to engage in business or commerce as a Filipino
  • right to travel bearing a Filipino passport
  • all rights and privileges enjoyed by Filipino citizens

Do dual citizens pay taxes to both the Philippine and Australian Governments?

The Philippines and Australia have a bilateral Agreement on the Avoidance of Double Taxation. The Philippine Government will tax the individual for income generated and assets held in the Philippines. The Australian Government will tax the individual for income generated and assets held in Australia. 

After re-acquiring Filipino citizenship, can one practice his or her profession in the Philippines?

Despite having re-acquired Filipino citizenship, one does not automatically gain the right to practice her/his profession in the Philippines. To be able to do so, s/he must apply with the proper Philippine authority (Professional Regulations Commission and other accrediting bodies) for a license or permit to engage in such practice. If, before acquiring Australian citizenship, the person was a licensed professional in the Philippines, the said license to practice can be re-activated by renewing the license with the Professional Regulations Commission of the Philippines.  

Do the same limitations on former Filipinos concerning land ownership still apply to those who have re-acquired their Filipino citizenship?

Having re-acquired Filipino citizenship under this Act, one is deemed to have re-acquired the right to own land as a Filipino citizen without prejudice to citizenship in a foreign country. The limitations imposed on former Filipinos no longer apply to him/her.

Can the non-Filipino spouse and children of a Filipino dual citizen live in the Philippines?

The Filipino dual citizen can apply his non-Filipino spouse and children for permanent resident visas which entitles them to permanently reside in the Philippines. The said visa may be applied for at a Philippine Embassy or Philippine Consulate General.

Can children apply for Philippine dual citizenship?

An applicant may include in her/his dual citizenship application her/his children who are unmarried and below 18 years of age.  

Do the Australian spouse and children of a Filipino citizen or Filipino dual citizen need a visa to travel to the Philippines?

Under the Balikbayan Law, a Filipino citizen’s (including dual citizens and former Filipinos) foreign spouse and children are entitled to a visa-free entry to the Philippines and visa-free stay for a period of one (1) year, provided they enter the Philippines with the said Filipino and they have a return air travel ticket.

Can a dual citizen vote in Philippine elections?

Yes. A person who re-acquires Filipino citizenship may vote in Philippine elections. To cast the vote in Australia, s/he must register as an overseas absentee voter (OAV) at either the Philippine Consulate in Sydney or the Philippine Embassy in Canberra. To cast a vote in the Philippines, one must register as a voter in the district where s/he intends to vote and establish residency there.

Having re-acquired Filipino citizenship can one hold or run public office in the Philippines?

Yes, provided that s/he meets the qualifications for holding such office as required by the 1987 Constitution and existing laws. The prospective candidate must, at the time of the filing of the certificate of candidacy, make a personal and sworn renunciation of any and all foreign citizenship before authorized public officers. The same requirement is imposed to those who are about to be appointed to any public office in the Philippines.

Is there a fee involved in re-acquiring one’s Filipino citizenship under this Act?

The Philippine Consulate General in Sydney charges AUD 90.00 in notarial and administrative fees for the processing of documents for dual citizenship application. 


Bisitahin ang website ng Philippine Consul General in Sydney sa dagdag pang mga katanungan: 


https://sydneypcg.dfa.gov.ph/84-consular-services/dual-citizenship

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...