Wednesday, July 12, 2017

i-DOLE OFW ID, Aarangkada na?

Inilunsad ngayong araw na ito, Miyerkules, Hulyo 12, 2017 ang pamimigay ng iDOLE OFW ID card para sa humigit-kumulang na apat na milyong OFW (Overseas Filipino Worker) kabilang na yaong hindi na aktibo.


Ayon kay Kalihim Silverio Bello III ng Department of Labor & Employment (DOLE) ang tatak OFW ay panghabambuhay. Kailangan lamang magsumite ng mga lumang employment records ang mga hindi na aktibong OFW para makakuha ng IDOLE ID card. Ngayong araw na ito ay 200 ID cards pa lang ang ipamimigay bilang panimula ng programang ito, ayon pa sa Kalihim.


MGA IMPORMASYON TUNGKOL sa iDOLE OFW ID card

1. Ang iDOLE OF ID ay isang pagpapakilala na ang isang may hawak nito ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) aktibo man on hindi.

2. Kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang iDOLE OFW ID.

3. Ito ay ibibigay ng libre.

4. Ito ay balido sa loob ng dalawang taon.

5. Ipapadala ang ID sa tirahan ng mga OFW sa Pilipinas sa pamamagitang ng PhilPost.

6. Maaaring gamitin ito upang ma-access ang inyong mga records sa mga ahensiya ng gobyerno at pribado tulad ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth.
7. Ipakikita ito sa alinmang paliparan sa Pilipinas upang hindi na magbayad ng travel tax.
8. Magagamit ito bilang debit at ATM card para sa pagbubukas ng OFW Bank.

9. Magagamit din ito bilang reloadable card para sa LRT at MRT.
10. Kapag wala pang hawak na iDOLE OFW ID, ang mga OFW na nasa Pilipinas o nagbabakasyon ay dapat pa ring kumuha ng OEC (bago o exemption) habang hinihintay ang kanilang ID card.

Ang iDOLE OFW ID card ay magandang balita sa mga OFW na nagbabakasyon sa Pilipinas dahil maiiwasan na ang abala sa pagkuha nito. Gayunpaman, dapat isipin ng mga OFW na hindi madali ang implimentasyon ng pagkuha ng OFW Card dahil sa mga sumusunod na katanungan:

1. May larawan sa OFW ID card, ibig sabihin ba nito na personal na pupunta ang isang OFW sa DOLE/OWWA/POLO o saanman para magpakuha ng larawan?

2. Bakit kailangang lagyan pa ng position ng OFW ang card? Para saan?

3. Kung panghabambuhay ang iDOLE OFW card, bakit kailangang 2 taon lang ang validity nito?
4. Kapag nagpalit na employer sa loob ng 2 taon, dapat bang palitan uli ang ID?

Sa tingin ko, kung lalagyan ng expiration date ang iDOLE OFW ID para na rin itong OEC na kailangan mo tuwing lalabas ka ng Pilipinas. Noon, ng nagpapahirap sa mga OFW ay ang abala at pagpila para makakuha ng OEC. Sa ngayon ay madali na itong magagawa dahil sa exemption. Kailangan lang na may datos na sa OWWA at mag-online. Kung pipila uli tuwing 2 taon, malaking abala uli sa mga OFW.

Sana ay busisiin mabuti ng DOLE ang patakarang ito at gawing malinaw ang ilalabas na Implementing Rules and Regulations kung paano ito ipatutupad.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...