Thursday, September 3, 2020

The Day Dr. Wang Sucked Out My Gallbladder

I knew it was coming…but I didn’t realize it would be that soon. Normally, it took about 3 months for that to happen. It might take longer because of the Covid-19 pandemic. Well, that’s what the hospital staff told me when I handed in my admission request. And then that phone call from the specialist’s clinic…3 weeks after I saw Dr. Frank Wang, my surgeon.

Honestly, I preferred that the procedure would be done sooner. Yet, I had to wait for there were hundreds before me in the queue. Being a public patient with no private health insurance, the hospital and the specialist will decide when your time is.

A month back, I had my ERCP (Endoscopic Retrograde CholangioPancreatography). According to sages.org, “ERCP is a procedure that allows your doctor to see the small tubes inside your body called the pancreatic and bile ducts. These tubes are near your stomach. They carry digestive juices from your liver and pancreas to the intestines.

For ERCP, your doctor uses a flexible lighted tube called an “endoscope.” The endoscope, or scope, is about as thick as your index finger. It goes through your mouth into your stomach and the first part of the small intestine called the “duodenum.” There are many reasons why the doctor uses ERCP. In my case, he has to remove gallstones in the common bile duct. My doctor said that he removed about 30 small calculi from the duct.”

With a history of gallstones, the common recommendation by doctors is to remove the gallbladder to prevent future gallstones formation that might result in inspection, blockage, and cancer. My doctor has the same view.

I was “lucky” to have the procedure earlier if lucky is the right word. At least, the agonizing wait will be finally over. On August 22, 2020, Dr. Frank Wang sucked out my gallbladder!


That day was the coldest day in Sydney during the year. Chilly winds kissed my face as we stepped out of the car. You felt as if you were inside a refrigerator. As my wife and son entered the hospital lobby of Campbelltown Private Hospital, an usherette-nurse scanned our forehead for fever, handed out face masks, and asked questions because of Covid-19:

“Do you have itchy and sore throat, and/or difficulty in breathing?”

“Have you gone to Melbourne in the last week?

“Have you been in the identified “hot spots” in New South Wales?

Etc.,,, etc.

Then I proceeded to the reception to check-in. The nurses there are accommodating and kind. After answering some questions and signing some documents, my companions and I proceeded to the lobby. After roughly 20 minutes, a nurse approached me and led me to another reception area. There, she weighed me, took my height, and led me back to the lobby. Another 30 minutes and I was back in the same room for documentation. My wife and son left me after that. I was alone in the waiting room with other patients who were also scheduled to have a procedure.


Another 30 minutes and the nurse accompanied me to the third floor of the hospital via the elevator. There, she led me to the dressing room to change. All your clothes had to be removed and replaced with a hospital gown, bathrobe, and disposable shoes and underwear. Again, I need to wait with the other patients until a nurse called you again.

After 30 minutes, a nurse called me and entered a small cubicle. By her voice, I knew that she was a Filipina from the Philippines. I lay down on a small bed where Marissa injected nitrite in my stomach to prevent blood clotting. I thought I will be in the operating theater next but I wouldn’t. I was back again in the waiting room while the drug was “tingling” in my vein.

My admission time was 10.45 AM but after 4 hours later, I was still waiting for the procedure. There were about 7 patients waiting when I first arrived and there were only two when the Filipina nurse called me to sit on a more comfortable chair where she also gave me a heated blanket.

It was about 3:45 PM when a male nurse put me on a bed. Another Filipina nurse approached and asked personal questions to make sure that I am who I am and the procedure that will be taken place. After that, the male nurse, Chang, grabbed the railing of the bed where I was lying down and pulled it through the hospital corridors while I was looking at the lights on the ceiling.

The bed stopped in a small room where I saw some hospital materials and equipment. “This is it,” that’s what I thought. A nurse from the back door suddenly appeared and asked me the usual questions to verify my identity. Afterward, she slipped on compression socks to aid blood circulation on my feet and knees, and other materials were wrapped around my shoulders for the same purpose. Then she attached some adhesives on my chest and forehead and left.

After 10 minutes, the anesthesiologist came and administered anesthesia on my left hand while asking identity questions. After she left, I thought the drug will take effect immediately just like what happened when I had my ERCP. I began counting but when it reached 1000, I stopped. I guessed, 2o minutes had passed, and yet I was still awake.

The female nurse appeared again and asked me if I could walk with her in the operating theater. I said “yes” and we walked in the back door where the theater was connected. There Dr. Wang and the rest of the operating team were waiting. I lay on a narrow operating table and after a minute, I did not know what happened.

What I know was that Dr. Frank Wang will be performing a laparoscopic cholecystectomy on me. According to myclevelandclinic.org, “A laparoscopic cholecystectomy is a surgery during which the doctor removes your gallbladder. This procedure uses several small cuts instead of one large one. A laparoscope, a narrow tube with a camera, is inserted through one incision. This allows your doctor to see your gallbladder on a screen. Your gallbladder is then removed through another small incision.”






I woke up when someone’s hand was touching my face. I opened my eyes and then realized that I was in a recovery room with the surgeon. There was an IVF attached to my wrist and I was breathing in with oxygen. Dr. Wang told me that I will be spending the night in the hospital because it was already evening. I didn’t know how much time I spent in the operating room and what time it was.

After the doctor left, a male nurse came. By his intonation, I knew he was also a Filipino although he was speaking like an Aussie and I was right! It really helped when you could relate to someone when you were alone and unwell.

The nurse gave me a pain killer when I told him I felt some pain. He also administered antibiotics via IVF. Afterward, he brought me something to eat – tea, water, and a sandwich. After eating, I slept.

I woke up again and took another pain killer. I didn’t have any idea of the time. The nurse asked me to take a pee because it would be inconvenient if he needed to put a catheter on me. Luckily, I was able to pass out my urine in the toilet bowl without any problem except that I had to walk inside the toilet by myself.

Morning came and a female nurse came by for my breakfast – tea, and Weet-bit. She also injected me with nitrite my leg. I also took a pain killer. It was about 9:30 AM when she told me that I will be discharged from the hospital and my son had been informed. She also asked me if I want to take a bath or do it at home. I was a little bit shocked since I just had my operation.

My son fetched me at around 10:30 AM and drove me home. At last, the agonizing wait was finally over. Dr. Wang was successful in sucking out my gallbladder. Immediate recovery is the next goal!




At home, I took the pain killer “Endone” twice a day for 3 days. The nurse cautioned that constipation was a side effect and it did. On the fourth day, I took Panadol instead.  On August 28, 2020, my wife removed all the gauges and plaster from my wounds to dry. Right now, I am on the recovery period knowing that it will take at least 6 weeks for a full recovery.

Friday, August 21, 2020

Know Your Coffee

It is very disappointing when you ordered your coffee and you did not like it especially when it was expensive. Next time, remember the image below before you order:


TAGLISH Version ng Bible New Testament, Binatikos?!

        Binatikos at kinwestyon, kung hindi man tuluyang kinundena ng ilang Pilipino ang pagsasalin sa Taglish o pinaghalong Tagalog at English ang Bagong Tipan ng Bibliya. Ang pagsasalin ay isinagawa sa pagtutulungan ng mga kasapi ng iba’t ibang simbahan. Ang New Testament Pinoy version ay isinalibro at inilimbag ng Philippine Bible Society (PBS). Ang aklat ay mabibili sa website at online store ng St Pauls (trademark ng Society of St. Paul) sa halagang P145.00.


          Naging kontrobersyal ang pagsasalin ng Bagong Tipan dahil sa makabago nitong lenguwahe. Ilan sa mga salin sa Taglish ay ang mga sumusunod:

After ilang minutes, may nakapansin ulit kay Peter at sinabi sa kanya, ‘Isa ka sa mga kasamahan nila.’ Pero sumagot si Peter, “Hindi po ako ‘yun, sir!” After one hour, may lalaking nag-insist, “Sure ako, kasama ni Jesus ang taong ito, kasi taga-Galilea din sya.” (Luke 22:58-59)

“Sobrang na-shock ako sa inyo. Ang dali n’yo namang tinalikuran ang Diyos. Imagine, sobrang bait n’ya at pinadala n’ya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang pumili sa inyo, tapos ngayon, ine-entertain n’yo ang ibang Gospel?” (Galatians 1:6)

Dahil sa kakaibang istilo ng pagsasalin at paggamit ng slang kung kaya’t naunsyami ang ilan lalo na ‘yong mga manang o manong. Welcome sa kanila ang makabagong bersyon pero dapat naman daw ay “mas pino” ang ginamit na pananalita.

Ayon sa naglimbag ng NT Pinoy version, ang layunin ng makabagong pananalitang ginamit ay upang mailapit sa mga kabataan ang “Salita ng Diyos” kung kaya’t ang lengguwaheng ginamit ay ‘yaong pang-araw-araw nating naririnig sa kanila. Ayon pa sa publisista, sinunod nila ang panuntunan ng United Bible Societies (UBS) sa pagsasalin dahil ang NT Pinoy version ay:

1. tapat sa nilalaman ng UBS Greek New Testament 5th edition na textual base nito at sumusunod ito sa approach sa pagsasalin sa wikang Griyego na kung saan ang pangngalan o noun ay naisasalin sa pangngalan, at ang pandiwa o verb ay sa pandiwa rin;

2. wala itong pagkiling sa doktrina ng alinmang religious groups; at

3. madali itong naunawaan.

Ilan sa mga komento na pabor at hindi sa makabagong translation ng Bagong Tipan ay ang mga sumusunod:

This Pinoy Nt Version is not big issue. Ang mahalaga naisasabuhay natin ang bawat sa salita.”

This Taglish version of the Bible is dangerous. I laughed at the bread dipped into the sauce ("tinapay na isinawsaw sa sauce"). The metaphors of the past were very different from modern and postmodern perspectives. When mixed with Vice Ganda's churva or kabaklaan the meaning of the 'sauce' may be different.”

Sorry, but it feels like reading a comic. It sounds so informal. As if you're you're just reading an ordinary and entertainment book. While in the first place the BIBLE IS NO JUST AN ORDINARY BOOK and it's not written for entertainment purpose.”

Ang aking pananaw sa usaping ito: hindi naman talaga mahalaga kung bakit at paano isinalin ang Bagong Tipan dahil noon pa naman ito ginagawa, lalo pa’t hindi naman natin mababasa at lubos na mauunawaan ang orihinal na teksto. Kung maaari man, paano tayo makatitiyak na iyon nga ang tamang salita o kahulugan nito? Nakadepende kasi ang pagsasalin sa intelihente at integridad ng nagsasalin o translator. Ang mga salita ba ay nakabase sa tunay na kahulugan nito o sa saloobin lamang o interpretasyon ng tagasalin? Hindi kaya nabawasan ang orihinal na teksto o naragdagan at nabawasan ayon sa namumuno noong mga panahong iyon?

Dahil nga sa iba’t ibang translation ng Bibliya, nagkaroon tayo ng iba’t iba ring interpretasyon na naging sanhi upang magkaroon ng napakaraming religious orders. Ang iba ay kanya-kanyang pasikatan, binabatikos ang ilang samahan, at/o hayagang inaalipusta ang mga pinuno at kasapi ng isang sekta gayong IISA lang naman ang pinagmulan ng kanilang pinapangaral!

Mali man o masyadong makabago ang pagsasalin ng Bagong Tipan, hayaan natin na ang mambabasa ang humusga rito. Naantig ba siya sa kanyang nalaman? Naisapuso ba niya ang kanyang binasa? O naging katawatawa lamang ang kanyang karanasan?

Iba man ang porma ng bagong bersyon ay iisa naman ang layunin nito na ipalaganap sa sangkatauhan ang mga Salita ng Diyos. Sa wakas, ang lahat ng aral na nakapaloob sa Banal na Aklat ay tumutumbok lamang sa Sampung Utos ng Diyos dahil iyon lamang yata ang hindi nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon.

Ikaw kabayan, nabasa mo na ba ang New Testament Pinoy Version? Ano ang masasabi mo rito?

Sunday, August 16, 2020

How to Cook Authentic Filipino Pork Belly Adobo | Famous Filipi...





Ingredients:

1/2 kilo pork belly
garlic
onion
bay leaf
1/4 cup soy sauce
1/4 cup vinegar
black pepper powder
2 tbsp oil
2 cups of water

Optional Ingredients:
pork cube
adobo mix
1 tsp raw/brown sugar
extra onion

Procedures:
1. Heat oil in a pan.
2. Saute garlic and onion.
3. Cook pork belly over low heat for about 5 - 10 minutes or until tender.
4. Add bay leaf, soy sauce, and vinegar.
5. Do not cover the pan to "cook" the vinegar.
6. Add optional ingredients - pork cube, adobo mix, raw sugar, and onion.
7. Continue cooking to reduce the sauce, if preferred.











Saturday, August 15, 2020

Mamay P presents Cakes and Pastries by BakerMan

About the BakerMan

Joery Flores Espinosa a.k.a.  BakerMan is a bachelor from Quezon City, Philippines.  Born on September 17, Joery attended high school at Dr. Vicente F. Gustilo Memorial National High School in Cadiz City, Negros Occidental, Philippines, and graduated in 2005. In 2016, he attended Academy Asia in Marikina City.

From April to July 2008, Joery worked as a telemarketer at Artlets Outsourcing Company, in Quezon City. Also in Quezon City, he worked as a data encoder at Novadata Outsourcing Solutions Company from Sep 2008 to May 2010. From July 2010 up to the present, the BakerMan has been working as an IT personnel/encoder at Alliance in Motion Global, Inc. in Pasig City. In October 2016, Joery opened up his own online business  – Cakes & Pastries by BakerMan. He works there as a baker, cake decorator, sugar flower artist, and instructor.

Birthday and Birthday Cake


In this computer age, birthday remains the most important celebration in one’s life. In fact, parents from some parts of the world celebrate the birth of their son or daughter not only yearly but sometimes monthly. This does not only manifest the love of parents but also shows how valuable the life of their children is. They want to cherish the memories that the joy of having a child brings.

With the celebration of one’s birthday, it is but natural that the birthday cake comes into mind. Since some celebrate a monthly birthday for their child, selecting a cake for that occasion is not easy. Some parents prefer to have a theme birthday cake on those occasions. While some just go to a bakeshop and buy the one that is available, others order custom-made birthday cake especially when their child is growing. After all, a birthday cake is synonymous with birthday and birthday without a cake is boring.

So here, Mamay P. presents 10 of the birthday cakes prepare and sell by Joery Flores Espinosa, the BakerMan. To order your theme birthday for your son or daughter,  just message him personally at his Facebook account page, https://www.facebook.com/CakesandPastriesbyBakerman.  Please don’t forget to mention your Mamay P’s real name – Ponciano Santos – for a possible best deal and discount. Have your pick and enjoy!











If you want to watch the video click this:








Friday, August 14, 2020

PHILHEALTH, UBOS NA ANG PONDO?!

Isa na namang kontrobersya ang kinahaharap ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth matapos na isiwalat ni Greco Belgica, komisyoner ng Philippine Anti-Corruption Commision (PACC) na 2 bilyon hanggang 3 bilyong piso linggo-linggo ang posibleng nakaamba sa korupsyon sa ahensya. Nauna rito, ibinalita ni G. Belgica na mula 2013 hanggang 2018 ay tinatayang nasa 15 bilyong piso ang nawala sa Philhealth dahil sa korupsyon. Binanggit ng komisyoner na malaking bahagi ng katiwalian ay sanhi ng sistema ng Information & Communication Technology (ICT) at ang “legal setup” nito.


Sinabi ni Belgica na hindi “transparent” o malinaw o madaling maunawaan ang ICT system ng Philhealth kahit na malaking pondo ang ginastos para rito. Dahil dito, malaki ang posibilidad na nagamit ang naturang sistema upang madaling makapangloko ang tiwaling kawani ng ahensiya sa pamamagitan ng “upcasing” o palubhain ang sakit ng isang pasyente upang mapataas ang mga bayaran at kumubra ng benepisyo ang mga “multo” at pekeng kasapi.

PACC Commissioner Greco Belgica

Hindi naman pinaligtas ng mga pulitikong nasa oposisyon at mga kalaban ng gobyerno ang pahayag ni Belgica. Kanya-kanyang pagpapapogi ang mga Senador at Kinatawan ng Kongreso gayong nanunungkulan na sila sa mga taong unti-unting nauubos ang pondo ng Philhealth dahil sa katiwalian. Noon pa man ay binabatikos na ng taumbayan ang malaking bonus na nakukuha ng mga matataas na kawani ng Philhealth subali’t ito ay kinibit-balikat lamang ng nagdaang administrasyon.

(Image from https://ph.news.yahoo.com/davao-city-launches-first-ever-061744211.html)

Sinasabing pinupulitika ng ilang laban sa gobyerno ang anomalya sa Philhealth. Sa datos na inilabas ng Philhealth, lumalabas na pinakamalaking pondo ang nailabas sa isang ospital sa Davao City kung saan naninirahan si Pangulong Rodrigo Duterte. Maayos sana ang lahat kung walang halong malisya o pasaring ang balitang inilabas ng convicted journalist na si Maria Rezza sa kanyang Rappler site. Tila lumalabas na pinapaboran ng ahensiya ang ospital na nasa Davao, ng walang sapat na pag-aaral o pag-iimbestiga. Lumabas tuloy ang katutohanan na ang nasabing ospital - Southern Philippines Medical Center (SPMC) – ay pagmamay-ari ng Department of Health (DOH) at hindi ng Lungsod ng Davao. Kaya malaki ang IRM o interim reimbursement mechanism ng SPMC ay dahil buong Mindanao ang siniserbisyohan ng ospital at ang perang sangkot ay hindi lahat napunta sa pagsawata sa Covid-19. Kabilang din dito ang iba pang gastusin ng ospital. Marami ring naging pasyente at kanilang kamag-anak ang nagpatutoo ng magaling na serbisyo at modernong pasilidad ng nasabing ospital, maliban pa na halos walang perang nailalabas ang isang pasyente at pamilya nito.

Naunang naging kontrobersyal ang Philhealth nang maglabas ng kautusan na itaas ang premium nito sa 3%. Maigting na tinutulan ito ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil nakabase ang 3% sa buwanang sahod ng isang manggagawa. Isang dahilan ng pagtutol ay dahil limitado ang benipisyong napupunta sa OFW dahil may sarili silang health insurance sa bansang pinagtatrabahuhan. Tulad sa kaso ng mga OFW sa Saudi Arabia, hindi makakakuha ng Iqama o Residence Permit ang isang banyagang manggagawa kung hindi muna kukuha ng health insurance ang kanyang employer. Labis ang pagtutol ng mga OFW dahil tila sila ang “ginagatasan” ng gobyerno gayong malaki ang naitutulong nila sa ekonomiya ng bansa. Bukas ang aklat na dahil sa mga padala ng mga OFW kung kaya’t hindi masyadong naapektuhan ang Pilipinas noong  2008 world financial crisis.

Dahil sa pag-alma ng mga OFW kung kaya’t hindi natuloy ang 3% sa buwanang sahod na ibabayad sa Philhealth, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte. Sa halip, naging boluntaryo na lamang sa mga OFW ang maging miyembro ng Philhealth.

Philhealth President & CEO BGen. Ricardo C. Morales

Sa pagtataya ni Belgica, maaaring maubos ang pondo ng Philhealth sa loob lamang ng dalawang taon kung hindi makakakalap ng panibagong pondo o hindi masasawata ang katiwalian sa loob ng ahensya. Taliwas sa pahayag ni Philhealth President at CEO BGen. Ricardo Morales na maging si “Superman” ay hindi kayang lutasin ang problema sa ahensya, naniniwala si Belgica na kaya itong “linisin” sa loob lang ng anim na buwan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng pagdinig ang Senado upang makakalap ng impormasyon at makapanukala ng batas na magbibigay kalutasan at/o magmungkahi ng mga balakid upang mabawasan at/o lubusang mawala ang korupsyon sa Philhealth.

Nawa ay hindi lamang Philhealth ang pagtuunan ng pansin ng mga taumbayan at mambabatas. Panahon na upang linisin sa katiwalian ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang Senado at Kongreso.

Thursday, August 13, 2020

2020 SSS Schedule of Contribution for Overseas Filipino Workers

Nasa ibaba ang SSS Schedule of Contibution para sa taong 2020 para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW. Maaaring magbayad ang isang OFW ng buwanan o isang taunan. Ang pinakamalaking kontibusyon ay P2,400.00 kung kumikita ng P19,750.00 o higit pa ang isang manggagawa.

Huwag kaligtaan ang pagbabayad sa Social Security System o SSS dahil malaking tulong ito sa ating pagreretiro upang kahit paano ay may pensyon tayo kada buwan kapag tayo ay matanda na at hindi na maaaring magtrabaho pa. Kung malaki ang kinikita, lakihan din ang premium na ibayad upang sa gayon ay malaki rin ang halaga ng inyong pensyon.

Ang isang OFW ay kailangang makakumpleto ng minimum na 120 buwang paghuhulog sa SSS upang magkaroon ng buwanang pensyon. Kung hindi pa kasapi ng SSS o hindi alam kung paano maghulog ng buwanang kontribusyon, bisitahin ang website ng Philippine Embassy o Consul sa bansang pinagtatrabahuhan upang makakalap ng dagdag na impormasyon. 

Sa SSS, may kasangga ka sa buhay!


Wednesday, August 12, 2020

JOHN REGALA, MULING NAPANSIN AT NATULUNGAN

Muling napansin at natulungan ang batikang aktor at “action star” na si John Regala nang i-post at i-upload ng isang netizen ang larawan at bidyo nito sa social media. Dahil dito, maraming nakakita ng kanyang larawan at nakapanood ng bidyo ang naantig ang kalooban sa kasalukuyang kalagayan ng artista. Isa sa mga tumugon at nagbigay ayuda kay John Regala ay ang kilalang komentarista na si G. Raffy Tulfo. Agad na umaksyon ang grupo ng mamamahayag at nagbigay ng mga groserya at malaking halaga ng salapi sa aktor.

 

                                                  JOHN REGALA, NGAYON

(Image from https://www.panaynews.net/john-regala-transferred-to-kidney-institute/)

Lumutang naman sa kasagsagan ng isyu ang diumano ay “anak” ni John Regala. Nagpakilala ang 24 anyos na truck driver na si John Santos. Labinlimang taon na siya nang sabihin sa kanya ng kanyang inang si Vilma Santos (hindi ang aktres) na si John Regala ang kanyang ama. Nagkita ang kanyang ina at si John sa Japan noong 1994 kung saan nagtrabaho ang una bilang isang “entertainer”. Dahil sa trabaho, unang tinanggi ng action star na anak niya si John dahil hindi siya sigurado.

 

                                                                JOHN SANTOS

Sa isang interbyu sa programa ni Raffy Tulfo, hindi tahasang itinanggi ni John na anak nga niya si John Santos at aangkinin niya ito kung may katotohanan. Sa puntong ito, sinagot na ni Raffy Tulfo ang gastos para sa pagdi-DNA test. Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta nang nasabing test.

 

JOHN REGALA, NOON

(Image from https://www.trendzph.com/2020/08/01/9290108/)

Sa kasalukuyan ay naninirahan si John Santos sa Tanauan, Batangas sa piling ng kanyang Lola Victoria. Hindi naman apektado ang binata sa mga haka-hakang lumitaw lamang siya nang malaman ang malaking halagang tulong ni Raffy Tulfo. Ayon sa truck driver, kung salapi lamang ang hangad niya sa ama disin sana ay noon pa siya lumutang kung kailan namamayagpag ang career ng ama at kumikita ng limpak-limpak na salapi. Kung anuman ang resulta ng DNA test, abangan po natin!

 Ang kasalukuyang kalagayan ni John Regala ay masilbing leksyon nawa sa mga artista na paghandaan nila ang kanilang pagtanda dahil sila lamang ang makatutulungan sa kanilang sarili sa oras ng kagipitan. Mag-impok sila ng kanilang kinikita upang may magastos sa oras ng pangangailangan.

Wednesday, August 5, 2020

Page 6 - Nagluto ng Sinampalukang Manok ang Mamay P

Ingredients/Mga sangkap;
1/2 chicken tamarind powder string/snake/green beans bok choy or petchay repolyo/cabbage kamatis/tomatoes sibuyas/onion 4 to 5 cups water



Thursday, July 16, 2020

Page 4 – Covid 19

Kaalinsabay ng pagdating ng Bagong Taon ay ang pagsabog ng balita na isang bagong virus ang naitala na nagmula sa bansang Tsina. Ang coronavirus na pinangalanang Novel Coronavirus o nCov ay sinasabing nagmula sa isang pamilihan ng mga hayop-gubat sa Wuhan, China. Sa simula ay hindi pinansin masyado ang balitang ito subali’t nang sumapit ang huling linggo ng Enero 2020 at dumarami ang mga nagkakasakit sa Wuhan at nagkaroon na rin ng mga kaso sa iba’t ibang panig ng mundo ay saka hilong-talilong na kumilos ang mga lider ng mundo.

Ang bagong bayrus na iba sa mga naitalang coronavirus tulad ng SARS (Severe acute respiratory syndrome (SARS) at MERS (Middle East respiratory syndrome) ay mabilis na kumalat sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, naging istrikto ang pagpasok ang mga bansa sa pagpasok ng mga turistang Tsino. Gayunman, naging mabilis ang transmisyon ng virus kaya sa madaling panahon ay apektado na ang halos lahat ng mga bansa.

COVID-19 ang ipinangalan sa sakit na nakuha sa bagong bayrus na ito. 19 dahil noong mga huling quarter ng 2019 pa pala ito naitala ng China subali’t hindi masyadong pinansin. Maraming teorya ang lumabas hinggil sa nasabing sakit. Sabi ng ilang eksperto, ang virus daw ay sadyang ginawa sa laboratoryo at hindi galing sa mga hayop-gubat. Ito raw ay sadyang ikinalat ng China para sa sariling interes, ayon naman sa iba. Anuman ang tunay na pinagmulan ng virus, iisa ang tutoo: kumalat na ito at apektado ang buong mundo.

Maliban sa China, ang mas naapektuhang mga bansa ay yaong nasa Europa, ganoon din sa Amerika dahil nakapagpatala ang mga ito ng maraming kaso ng Covid-19 at bilang ng mga namatay sa sakit. Napakabilis ng pagkalat ng nakamamatay na sakit na kadalasan ay mga may idad at may iniindang sakit ang labis na naapektuhan. Sa ngayon (July 15,2020),  nasa 13,150,645 na ang kumpirmadong tinamaan ng Covid-19 kung saan 574,464 sa mga ito ang nasawi. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang transmisyon ng sakit at wala pa ring bakuna ang minumungkahi ng mga dalubhasa habang patuloy ang pagtuklas at pagta-trial ng iba’t ibang bansa.

Dahil sa Covid-19, naparalisado ang ekonomiya ng bawat bansa. Sinarhan ang mga paliparan at mga mamamayan lamang ng isang bansa ang pinahihintulutang pumasok. Nagsara ng total lockdown ang maraming bansa. Mga piling manggagawa lamang ang pinahihintulutang magtrabaho tulad ng mga health professionals, mga emergency & rescue officers, mga sundalo, at kapulisan. Ang halaga ng mga stocks ng mga kumpanya ay bumulusok kung kaya’t pansamantalang itinigil ang operasyon ng stocks exchange ng ilang bansa. Nangutang ang maraming bansa mula sa World Bank at ilan pang pangdaigdigan at pangrehiyong banko upang matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng bansa. Maraming pabrika, kumpanya, at maliliit na negosyo ang pansamantalang ipinasara dahilan upang maraming empleyado at trabahador ang nawalan ng trabaho at kita.



Sa Pilipinas, kanya-kanyang pagbibigay ng ayuda para sa apektadong residente at mamamayan ang naging pokus ng bawa’t barangay, bayan, probinsya, rehiyon at pambansang ahensiya upang mapakain ang milyong-milyong Pilipino. Marami ring mga pribadong indibidwal at organisayon ang tumulong upang maibsan ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino. Ilan sa mga personahe at politiko ang naging bayani sa mata ng mga mamamayan dahil sa ginagawa nilang pagtulong. Sa parte ng gobyerno, ang SAP o Social Amelioration Package sa pamamahala ng DSWD ang naging sandata upang maabutan ng tulong ang mga mamamayan. Gayunman, hindi pa rin naiwasan ang mga sigalot at katiwalain na naranasan sa programang ito.

Sa Australia, ang pagkaubos ng toilet papers, hand sanitizers, tissue papers, at iba pang bilihin sa mga pamilihan ang naging hudyat para madama ang epekto ng Covid-19. Tulad sa Pilipinas, naging mabilis din ang tugon ni Prime Minister Scott Morisson sa pandemya. Tinaasan ang tulong-pinansyal sa mga naghahanap ng trabaho o jobseekers, ganoon din sa mga seniors citizens, at iba pang beneficiaries ng Centrelink. Ang mga kumpanya ay tinulungang paswelduhin ang mga manggagawa para hindi magbawas (Jobkeepers Program). Pinahintulutan ding makakuha ng pera ang mga apektadong manggagawa mula sa kanilang superannuation o retirement fund.

“Stay at Home”, “Social distancing”, at “Wash your hands”, ang naging islogan o motto sa oras ng pandemya. Limitado ang paglabas-labas sa bahay at may bilang ang maaaring papasukin sa mga pamilihan. Hindi naman naging mahirap sa inyong Mamay ang pagbabagong ito dahil bihira naman kaming lumabas ng inyong Nanay, na bumalik ng Australia bago pa lumaganap ang Covid-19. Isa pa, hindi naman uso sa Australia ang pangangapitbahay kaya maiiwasan talaga ang pagkalat ng virus. Hindi naman siksikan sa mga pampublikong sasakyan dahil bihira naman ang sumasakay. Naging mahirap nga lamang ang pagbili ng toilet paper at ilang bilihin dahil limitado at/o madaling maubos. Ang takot nga lamang ay ‘yong mahawa ka. Mabuti na nga lamang at sa bahay nagtatrabaho ang aking anak at ang kanyang nobya kaya naiwasan ang paghahalubiho sa mga tao sa labas ng bahay.

Sa ngayon ay narito pa rin ang banta ng Covid-19. Ang kaso sa Pilipinas ay parami pa rin ng parami. Sa Australia, medyo humupa na pero may mga second wave nang naitala. Sana ay makatuklas na ng bakuna upang sa gayon ay makontrol ang virus at maiwasan ang kamatayan. Stay safe, mga apo at mga ka-senyor!

For the video version, please watch below:


Tuesday, June 23, 2020

Page 2 - Pasko sa Australia

Pasko ang pinakamasaya at pinanabikang araw ng mga Pilipino. Bilang isang Kristiyanong bansa, bukod sa Mahal na Araw, hindi kinalilimutang ipagdiwang ng mga Pilipino ang Pasko maski na anuman ang sitwasyon sa buhay dahil ang araw ng pagsilang ni Hesus ay isang simbolo ng pagmamahal at pag-asa.

Maagang nagdiriwang ng Pasko ang mga Pilipino. Setyembre pa lang ay pumapailanlang na sa himpapawid ang mga awit ng Pasko. Mga ilang linggo lang ay unti-unti nang napupuno ng dekorasyong pampasko ang paligid. Mayroon ng parol sa mga bintana at mga kumukuti-kutitap na Christmas lights sa mga mall, parke, kalsada, bahay-pamahalaan at kung saan-saang dako. Nagpapataasan ang mga Christmas trees sa iba’t ibang lungsod at bayan. O, kaya saya-saya ng paligid lalo na at maririnig mo ang nangangaroling na mga bata!

Kahit ipinagdiriwang ang Pasko sa Australia, hindi ito kasingkulay at kasingsaya tulad sa Pilipinas. Gayunman, napapalamutian din ng mga dekorasyong pamasko ang mga naglalakihang mall, mga parke, at ilang tahanan. Kung susuriin nga ay tila mapanglaw ang Pasko sa Australia kung ikaw ay isang Pilipino.

Dahil naiinip ang inyong Mamay P, naisipan kong gumawa ng parol na isasabit ko sa harap ng bahay. Hugis estrelya ang parol na aking ginawa. Ito ang disensyo ng parol na malimit kung gawin sa Pilipinas man o sa ibang bansa kung may mga materyales. Gawa ito sa kawayan, papel de hapon, at cellophane. Natutunan kong gawin ang nasabing parol sa pagmamasid sa isang karpinterong gumawa ng bahay ng aking Nang Ores. Dahil kakaiba ang disenyo, ito ang naging paborito kong parol mula noon.

Tiyaga ang kailangan upang matapos ang parol dahil tiyak na mababagot ka kung wala ka nito. Ang mahirap na parte ay ang pagtatali ng mga dulo ng kawayan. Pasensya rin ang kailangan sa pagbabalot ng parol. Nilutong cassava powder na may konting suka ang aking ginawang paste.

Pagkatapos kong gawin ang parol ay gumawa rin ako ng maliliit na parol sa gawa sa styrofoam na inihugis ko sa korteng bituin. Sa gitna ng maliliit na mga parol ay inilagay ko ang “Merry Christmas & Happy New Year”. Akin itong isinabit sa itaas ng garahe at nilagyan ng Christmas lights. Kahit paano ay nakarama rin ako ng kakaibang Pasko dahil sa aking ginawa. Syempre, hindi kumpleto ang Pasko kung walang Christmas tree at Santa Claus.

Masaya ang araw ng Pasko sa mga tahanan ng mga Pilipino rito sa Australia. Araw ito kung kailan nagkakasama-sama ang kani-kanilang pamilya at kaibigan kahit isang araw lamang. Dahil Pinoy, umaapaw sa masasarap na pagkain at kakanin ang hapag-kainan. Kahit sa konting oras ay naipagdiwang nila ang ang Pasko nang masaya at punumpuno ng pag-asa, tulad din ng pagdiriwang naming magkakapamilya rito. Nagpapatunay lamang na kahit saanman naroroon ang isang Pilipino ay hindi niya nakalilimutan ang nakagisnang tradisyon at kultura.

Maligayang Pasko, mga apo!

Kung nais panoorin ang video version, click below:

Page 2 - Pasko ng Mamay P sa Australia

Sunday, June 21, 2020

Andrew Wolff is Mr World 2012 Second Best


Colombia's Francisco Escobar Parra and Andrew Wolff of the Philippines
(Image from http://www.mrworld.tv/)


Andrew Wolff, the Philippines bet, bagged second place  in the Mr. World 2012 competition held in Kent, England on Saturday, November 24, 2012. Francisco Javier Escobar Parra of Colombia came in the winner. Third place went to Ireland's Leo Delaney.


Andrew also won the Multimedia Challenge for his exciting, informative and inventive news stories.



RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...