Nasa ibaba ang SSS Schedule of Contibution para sa taong 2020 para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW. Maaaring magbayad ang isang OFW ng buwanan o isang taunan. Ang pinakamalaking kontibusyon ay P2,400.00 kung kumikita ng P19,750.00 o higit pa ang isang manggagawa.
Huwag kaligtaan ang pagbabayad sa Social Security System o SSS dahil malaking tulong ito sa ating pagreretiro upang kahit paano ay may pensyon tayo kada buwan kapag tayo ay matanda na at hindi na maaaring magtrabaho pa. Kung malaki ang kinikita, lakihan din ang premium na ibayad upang sa gayon ay malaki rin ang halaga ng inyong pensyon.
Ang isang OFW ay kailangang makakumpleto ng minimum na 120 buwang paghuhulog sa SSS upang magkaroon ng buwanang pensyon. Kung hindi pa kasapi ng SSS o hindi alam kung paano maghulog ng buwanang kontribusyon, bisitahin ang website ng Philippine Embassy o Consul sa bansang pinagtatrabahuhan upang makakalap ng dagdag na impormasyon.
Sa SSS, may kasangga ka sa buhay!
No comments:
Post a Comment