Sikat na sikat at pinag-uusapan sa mga networking sites ang Kony 2012. Naintriga ako kaya hinanap ko ang webpurok ng Kony 2012.
Ano ang Kony 2012?
Ang Kony 2012 pala ay isang pelikula at kampanya ng "Invisible Children" na may layuning gawing tanyag si Joseph Kony hindi upang itampok ito kundi upang makakalap ng suporta upang siya ay madakip.
Sino si Joseph Kony?
Si Joseph Kony ay ipinapalagay na pinakamasamang war criminal ng makabagong panahon. Noong 1987, pinangunahan niya ang isang rebel group at pinangalanan itong Lord's Resistance Army o LRA. Naging notorious ang LRA.
Nang nauubusan ng mga rebelde ang grupo, kumidnap siya ng mga bata upang gawing sundalo para sa kanyang army o kaya'y gawing 'asawa' ng kanyang mga opisyal. Pumapatay, nanggagahasa, nagpuputol-putol ng katawan at pumapatay ng mga sibilyan na gamit karaniwan ang mga matatalim na sandata. Nakakidnap ng mahigit sa 30,000 kabataan ang LRA at nagpawatak-watak ng humigit sa 2.1 milyong tao sa Africa
No comments:
Post a Comment