Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepED) sa pamamagitan ng Tanggapan ng Undersecretary for Curriculum and Instruction na pinamumunuan ni DIOSDADO M. SAN ANTONIO at ang Bureau of Alternative Education (BAE) na pinamumunuan ni Assistant Secretary G. H. S. AMBAT ay naglabas ng Joint Memorandum No. DM-CI-2022 -126 noong Abril 8, 2022 para sa pagsasagawa ng PRESENTATION PORTFOLIO ASSESSMENT (PPA) para sa ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) ACCREDITATION AND EQUIVALENCY (A&E) ELEMENTARY AND JUNIOR HIGH SCHOOL LEARNERS para sa SCHOOL YEAR 2021- 2022.
Ano ang Performance Portfolio?
Ang Performance Portfolio ay tumutukoy sa isang koleksyon ng mga nagawa ng isang mag-aaral, partikular na binuo para sa pagtatasa. Naglalaman ito ng mga pormal na rekord na nagdodokumento sa nakaraan at karanasan ng mag-aaral, ang proseso ng pagkatuto na kanyang sinundan, at mga sample ng gawa na pinili ng mag-aaral upang ipakita kung ano ang kanyang magagawa. Naglalaman din ito ng mga talaan na nagdodokumento sa naunang pagkatuto ng mag-aaral at mga talaan na nagdodokumento sa pag-unlad ng mag-aaral tungo sa pagkamit ng mga nakasaad na layunin sa pag-aaral.
Ano ang iskedyul ng Performance Porfolio for Assessment (PPA)?
Nasa ibaba ang iskedyul ng Performance Portfolio Assessment (PPA ) Year 3 para sa ALS A&E EL and JHSL Learners para sa SY 2021-2022:
Activity Date
Initial Assessment April 11 - 30, 2022
District Validation May 2 - 31, 2022
Final Assessment June 1 - 30, 2022
Inter-District Revalida July 1 - 31, 2022
Issuance of Certificate of Completion August 1 - 31, 2022
Submission of Report to RO August 15, 2022
Submission of Report to CO August 31, 2022
Sino-sino ang maaaring magsumite ng kanyang Performance Porfolio for Assessment (PPA)?
a. Isang mag-aaral na naka-enroll sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2021-2022 na kasiya-siyang nakamit ang hanay ng mga kakayahan sa antas ng pagkatuto ng A&E Program na napagkasunduan ng ALS Teacher/ Community ALS Implementor/ Learning Facilitator.
b. Nakaraang ALS Program Completer na hindi nakarehistro sa LIS ng kasalukuyang school year na nagsumite ngunit hindi nakamit ang pinakamababang kinakailangang puntos sa dalawang (2) nakaraang Presentation Portfolio Assessment PERO sumailalim sa karagdagang learning intervention sa ALS K to 12 Basic Education Curriculum (BEC). ) na sertipikado ng ALS Teacher/Community ALS Implementor/ Learning Facilitator
c. Nakaraang ALS Program Completer na hindi nakarehistro sa LIS ng kasalukuyang school year at hindi nagsumite ng presentation portfolio ngunit sumailalim sa naaangkop na learning intervention sa ALS K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) at may wastong pag-update ng lahat ng pormal na rekord na pinatunayan ng ALS Teacher / Community ALS Implementor/Learning Facilitator
Nasa anong idad ang maaaring magsumite ng kanyang Performance Porfolio for Assessment (PPA)?
Ang isang mag-aaral ng ALS na sasailalim sa proseso ng PPA ay dapat na hindi bababa sa 12 taong gulang para sa Elementary Level (EL) at hindi bababa sa 16 taong gulang para sa Junior High School Level (JHSL) sa o bago ang Hulyo 31, 2022.
Ano ang makakamit ng isang ALS learner na papasa sa Performance Porfolio for Assessment (PPA)?
Tanging ang mga nakamit ang pinakamababang kinakailangang puntos at nakapasa sa PPA ang karapat-dapat na tumanggap ng Sertipiko o Katunayan ng Elementarya (EL) o Junior High School (JHS).
Ano ang pinakamababang puntos para pumasa sa Performance Porfolio for Assessment (PPA)?
Ang Division Qualifier ay dapat magkaroon ng minimum passing score na 42 (katumbas ng 80.77 porsyento na grado) upang ituring bilang isang pumasa sa PPA.
Ano-ano ang nilalaman ng Performance Porfolio?
A. Formal Records
Ang sumusunod na sampung (10) pormal na rekord ay mga kinakailangan upang maging karapat-dapat para sa Pagtatasa ng Performance Portfolio. Kung kulang ang isa (1) sa mga dokumento, ang Performance Portfolio ng mag-aaral ay awtomatikong madi-disqualify sa huling pagtatasa:
1. Birth/marriage certificate or any proof of identification containing picture, complete name and birthdate (government-issued ID, barangay certification, BJMP/BUCOR certification, or company ID)
2. Enrollment Form (AF2)
3. Personal Information Sheet (PIS) Pre and Post Test;
4. Functional Literacy Test (FLT) Pre and Post Test;
5. Individual Learning Agreement (ILA) (Assessment Form 1);
6. Record of Module Use and Monitoring of Learner’s Progress (Assessment Form 2);
7. Documentation of Life Experiences (Recognition of Prior Learning [RPL] Form 1);
8. Record of Training/Skills (RPL Form 2);
9. Summary of Work History (RPL Form 3); and
10. Learner's Checklist of Competencies (RPL Form 4).
Tandaan:
Kung sakaling ang nag-aaral ng ALS ay walang anumang entry sa alinman o pareho sa RPL Form 2 at RPL Form 3, isusulat niya ang “Not Applicable o N/A” at ilalagay ang kanyang lagda sa mga form na ito kasama ng ALS Teacher /Community ALS Implementor/ Learning Facilitator.
B. Work Samples
Ang mga work sample ay nakasulat at mga performance output ng mga mag-aaral na nagpapakita ng tagumpay sa pagkatuto sa loob at sa lahat ng anim (6) na Learning Strand sa ALS K to 12 BEC. Ang mga ito ay dapat maglaman ng mga komento, puna, pahayag, at lagda ng ALS Teacher/Community ALS Implementor/Learning Facilitator.
Nasa ibaba ang mga posibleng sample work na maaaring isama sa Presentation Portfolio:
1. WRITTEN OUTPUT
a. Completed learning module self-assessment activities pre-tests and post-tests and module assignment
b. Activity sheets
c. Life skills written outputs
d. Essays/reflections/journals
e. Summative test
f. Narrative report
g. Compositions (poems, songs, short stories, scripts, jingles, etc.)
2. PERFORMANCE OUTPUT
a. Training certificates
b. Life skills activities and projects
c. Research
d. Individual and group Project-Based Learning (PBL) outputs
e. Creative arts (Slogan, poster, illustration, graphic organizers, etc.)
f. Digitized outputs (PowerPoint presentation, animation, etc.)
g. Documentation of performances (role-playing, interviews, simulations, etc.)
h. Community service
Ilang work sample ang dapat ilagay sa Performance Portfolio?
Upang makuha ang pinakamataas na 35 puntos, dapat maglagay ng lima (5) o higit pang work sample ang isang mag-aaral sa bawat Learning Strand.
1. LS 1 Communication Skills: English
2. LS 1 Communication Skills: Filipino
3. LS 2 Scientific Literacy and Critical Thinking Skills
4. LS 3 Mathematical and Problem-Solving Skills
5. LS 4 Life and Career Skills
6. LS 5 Understanding the Self and Society
7. LS 6 Digital Citizenship
Ang passing score para sa Work Sample ay 28 points. Ang isang mag-aaral ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa apat (4) na balidong Work Sample para sa bawat Learning Strand para makapasa sa pinal na pagtatasa. Ang pagkabigong matugunan ang pamantayan ay nangangahulugan nang hindi pagsama ng kanyang pangalan sa Masterlist ng EL at JHSL Division Qualifiers.
Inter-district Revalida
Matapos ang pinal na pagtatasa, ang mga pumasang mag-aaral ay sasabak din sa isang Inter-district Revalida kung saan isasalang siya sa:
1. Oral reading Test (Pagbasa) [English at Filipino]
2. Writing Proficiency Test Pagsulat [English at Filipino]
3. Interview (Panayam)
Upang pumasa sa Pagbasa at Pagsulat, dapat ay makakuha ang mag-aaral ng hindi bababa sa 3 puntos sa bawat kategorya o kabuuang 6 na puntos [Reading = 3 at Writing = 3].
Ang pinakamataas na makukuhang puntos sa Pagbasa ay 6 na puntos [English = 3 at Filipino = 3] at 6 na puntos rin sa Pagsulat [English = 3 at Filipino = 3] o may kabuuang 12 puntos.
Interview
Ang pinakamataas na puntos na makukuha sa interview o panayam ay 5 puntos. Ang panayam ay maaaring isagawa sa English o Filipino batay sa literacy level (Elementary o Junior High School) ng ALS learner.
Ang pinakamataas na puntos na makukuha ng isang mag-aaral ay 52 puntos. Ito ay kinabibilangan ng:
1. Work Samples 35 puntos
2. Oral Reading Test 6 puntos
3. Writing Proficiency Test 6 puntos
4. Interview 5 puntos
Tulad nang nabanggit na sa itaas, upang pumasa at pagkalooban ng katunayan o sertipiko ang isang mag-aaral ay dapat na makakuha ng 42 puntos.
PRESENTATION PORTFOLIO ASSESSMENT RAW SCORE PERCENTAGE GRADE EQUIVALENT
PPA RAW SCORE PERCENTAGE GRADE
FAILING GRADES
28 53.85
29 55.77
30 57.69
31 59.62
32 61.54
33 63.46
34 65.38
35 67.31
36 69.23
37 71.15
38 73.08
39 75.00
40 76.92
41 78.85
=====================================
PASSING GRADES
42 80.77
43 82.69
44 84.62
45 86.54
46 88.46
47 90.38
48 92.31
49 94.23
50 96.15
51 98.08
52 100.00
Paano kung hindi pumasa sa PPA ang isang ALS learner?
Ang ALS learner na hindi makakapasa sa isasagawang PPA ay maaaring kumuha ng Computer-based A&E test na maaaring isagawa sa huling apat na buwan ng taong ito. Kapag pumasa sa pagsusulit na ito, siya ay bibigyan din ng katunayan o sertipiko.
Hintayin ang memo para sa Computer-based A&E test para sa kaukulang detalye.
--o0o--
No comments:
Post a Comment