Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maaari kang lumusot (overtake) sa kanang bahagi ng sasakyan kung:
a. Ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon
b. Ang kalsada ay salubungang-daan (two-way)
c. Malapad ang bangketa
2. Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung:
a. Nakatigil nang matagal at nagsasakay ng pasahero
b. Nakatigil nang matagal at nagbababa ng pasahero
c. Nakatigil nang matagal at patay ang makina
3. Ano ang kahulugan ng patay-sinding dilaw na ilaw trapiko?
a. Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib
b. Huminto at hintayin magbago ang ilaw
c. Hintaying ang berdeng ilaw
4. Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho nang matulin maliban kung:
a. Walang panganib
b. Naaayon sa takdang bilis o tulin
c. Tama lahat ang sagot
5. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay at inunat ito, nakatitiyak ka na siya ay:
a. Kakanan
b. Kakaliwa
c. Hihinto
6. Kung umilaw ang brake lights ng sasakyang nasa iyong unahan, dapat kang:
a. Bumusina
b. Humanda sa pagpreno
c. Lumiko sa kanan o kaliwa
7. Ano ang takdang tulin ng isang sasakyan sa lugar ng paaralan?
a. 20 kph
b. 30 kph
c. 40 kph
8. Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinagbabawal ng batas at may kaparusahang:
a. Php 750.00
b. Php 2,000.00 at pagka-impound ng sasakyan ng hindi hihigit sa 10
araw
c. Php 3,000.00
No comments:
Post a Comment