Kung baga sa basketball, game over na talaga. Talagang panalong-panalo na si BBM o si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., matapos nitong makakuha ng higit sa 31 milyong boto noong ika-9 ng Mayo, 2022. Nilampaso ni Marcos ang kanyang mga katunggali sa pagka-presidente na kinabibilangan nina Leni Robredo, Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Ka Leody, atbp. Ang pumangalawang si Robredo ay nakakuha lamang ng higit na 14 milyong boto. Nagwagi rin ang running mate ni BBM na si Sara Duterte sa pagka-bise presidente na may boto ring higit sa 31 milyon.
Tatlong araw matapos magpasalamat sa mga supporters si Leni Robredo at sabihan ang mga ito na igalang ang desisyon ng nakararami, umalis ng Pilipinas ang dating bise-presidente patungong Amerika upang dumalo sa graduation ceremony ng kanyang bunsong anak na si Jillian. Nagtapos ang batang Robredo na may dalawang major na kinabibilangan ng Mathematics at Economics sa New York University. Kasama ni Robredo sa biyahe ang kanyang dalawa pang anak na babae na sina Aika at Tricia. Ito ay nagpapatunay na si Robredo ay maykaya sa buhay dahil kaya niyang magpaaral ng anak sa Amerika at bumiyahe roon. Hindi siya isang simpleng tao na nais nilang isalarawan noong kampanya.
Pangkalahatan, naging maayos naman at tahimik ang isinagawang Halalan 2022, maliban sa ilang kaguluhan sa parteng Mindanao at hindi pagtakbo ng maayos ng mga Vote Counting Machine o VCM. Nasa ibaba ang latest na bilang na mga boto sa nakaraang Halalan 2022 (Unofficial with 98.35% precincts counted)
PRESIDENT
1. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 31,104, 175
2. Leni Robredo 14,822,051
3. Manny Pacquiao 3,629,805
4. Isko Moreno Domagoso 1,900,010
5. Ping Lacson 882,236
6. Faisal Mangondato 259,576
7. Ernie Abella 113,242
8. Leody De Guzman 92,070
9. Norberto Gonzales 89,097
10. Jose Montemayor Jr 59,944
VICE-PRESIDENT
1. Sara Duterte 31,561,948
2. Kiko Pangilinan 9,232,883
3. Vicente Tito Sotto 8,183,184
4. Doc Willie Ong 1,851,498
5. Lito Atienza 267,530
6. Manny SD Lopez 157,877
7. Walden Bello 99,740
8. Carlos Serapio 89,920
9. Rizalito David 55,478
SENATORS
1. Robin Padilla 26,454,562
2. Loren Legarda 23,992,761
3. Idol Raffy Rulfo 23,166,449
4. Win Gatchalian 20,376,009
5. Chiz Escudero 20,050,377
6. Mark Villar 19,210,280
7. Alan Peter Cayetano 19,079,581
8. Migz Zubiri 18,582,962
9. Joel Villanueva 18,300,955
10. JV Estrada Ejercito 15,688,993
11. Risa Hontiveros 15,273,594
12. Jinggoy Estrada 14,966,887
Tulad ng mga nakaraang eleksyon, inakusahan na naman ng mga natalong kandidato at taga-suporta na may dayaan sa nakaraang halalan tulad ng vote buying at hindi paggana ng VCM sa ilang presinto. Pati ang mabilis na transmission ng mga boto ay napagtuunan din ng pansin. Ilang suporta ng natalong pagka-presidente ang nagtungo pa kinabukasan pagkatapos ng eleksyon sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila upang magprotesta. Maraming Pinklawan ang luhaan dahil nawalang saysay ang ginawa nilang kampanya. Hindi umubra ang kanilang bahay-bahay at mall to mall.
Tumaas din ang mga kilay ng mga pinklawan matapos maging number 1 si Robin Padilla pagkasenador. Hindi sila makapaniwala na mas pinili ng mga "bobong" Pinoy ang aktor na si Robin kaysa sa abogadong si Chel Diokno.
Sa aking palagay, malaking dahilan ng pagkatalo ni Leni Robredo ay ang istilo ng kampanya ng kanyang mga taga-suporta. Hindi pa man ay naging toxic na ang mga ito. Sinabihang "magnanakaw, sinungaling, at plundere" si BBM. Nang hindi umubra, ang mga suporter naman nina BBM at Sara ang inatake. Pinagsabihang "mga bobo" ang boboto kay BBM at "mga magnanakaw" dahil magnanakaw ang iboboto. Dahil sa simula pa lang ay sinabihan ng "bobo", sino pa ang makikinig sa kanila?
Dahil sa laki ng lamang ni BBM ngayon, naniniwala akong "dinaya" nga si BBM noong nakaraang Halalan 2016 sa pagka-bise presidente kung saan lumamang lamang ng higit sa 200 libo si Leni Robredo.
No comments:
Post a Comment