PEPT Reviewer: Araling Panlipunan (Social Studies) - GEOGRAPHY Part 2
Basahin, unawain at tandaan ang mga sumusunod na termino, impormasyon, ideya, at katutohanan tungkol sa Araling Panlipunan bilang paghahanda sa Philippine Educational Placement Test o PEPT:
Mga Anyo ng Tubig
1. Karagatan (Ocean) = ang pinakamalaking anyo ng tubig asin na sumasakop sa halos tatlong ikapat (3/4) ng lupa.
Mga Halimbawa ng Karagatan:
a. Pasipiko = 64,186,300 sq km.
b. Atlantiko = 33,420,000 sq km.
c. India = 28,359,500 sq km.
d. Artiko = 5,105,700 sq km.
2. Dagat (Sea) = malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Ang tubig nito ay maalat dahil nakadugtong ito sa karagatan.
Mga Halimbawa:
a. Dagat Pilipinas = 5.695 million sq. km.
b. Dagat Timog Tsina
c. Dagat Celebes
d. Dagat Australasian Mediterranean = 9.080 million sq. km. (pinakamalawak sa mund ayon sa Wikipedia)
3. Lawa (Lake) = isang malawak na anyong tubig na nakakulong sa lupa.
Mga Halimbawa:
a. Laguna de Bay = pinakamalaking lawa sa Pilipinas
b. Caspian Sea = pinakamalaking lawa sa mundo na may sukat na 143,200 square miles (370,886 square kilometers)
4. Look (Bay) = ang anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan o dagat ay tinatawag na look.
Mga Halimbawa:
a. Look ng Subic
b. Look ng Maynila.
c. Bay of Bangal = pinakamalawak na look sa mundo na may area o lawak na 2.172 million km².
5. Golpo (Gulf) = kung paghahambingin, mas higit na malawak ang golpo kaysa sa look. Mas malaki ang golpo kaysa look kahit na mas napapaligiran ang golpo ng lupain.
Mga Halimbawa:
a. Golpo ng Lingayen
b. Golpo ng Moro = pinakamalaking golpo sa Pilipinas ayon sa Wikipedia.
c. Golpo ng Mexico = ang pinakamalawak na golpo sa mundo. Ito ay may dalampasigan na humihit-kumulang sa 5,000 kilometro (3,100 milya) at tinatayang may lawak na 1.6 million square kilometer.
d. Golpo ng Oman
6. ILOG (River) = anyong tubig na mahaba at makipot na umaagos patungo sa dagat. Karaniwang ito ay tabang.
Mga Halimbawa:
a. Ilog Pasig
b. Ilog Cagayan = pinakamahabang ilog sa Pilipinas (505 km)
c. Ilog Agusan
d. Ilog Nile - pinakamahabang ilog sa mundo (6,650 km)
No comments:
Post a Comment