Monday, March 1, 2021

PAANO KUMITA SA YOUTUBE?

Dahil sa pamamayagpag  ng mga vloggers sa YouTube at pagkolekta nila ng malaking salapi mula sa Google Adsence, marami ng mga Pilipino ang nagbabalak na ring pasukin ang paggawa ng vlogs sa YouTube. Bago nating pasukin ang larangang ito, dapat muna nating malaman ang mga impormasyon na kailangan natin upang maging authentic YouTube vloggers.

Mga Kailangan Upang Maging YouTube Vlogger

A. Kailangang magkaroon ka ng GoggleAccount. Bago magkaroon ng Goggle Account, kailangan mo munang magkaroon ng email address. Kumuha ng email address sa gmail.com, yahoo.com, o anumang plataporma na kilala at hindi basta-basta nawawala.

B. Gumawa ng YouTube Account. Bisitahin ang YouTube website at sundin ang proseso.

C. Cell phone/Tablet/Laptop/Desktop at Internet Connection

D. Video editor App (May mga libre at may bayad)

E. Content

a. Ano ang iba-vlog mo?

               b. Dapat ay kakaiba at gusto mong gawin

               c. Marami kang kaalaman dito

               d. Suhestyon: Nakaaaliw o Maaaring Matuto ang Manonood

               e. Iwasan muna ang pang-araw-araw na gawain lalo na at hindi ka sikat na artista o celebrity. Hindi sila interesado kung ano ang nangyayari sa iyo araw-araw p’wera na lang kung maaaliw sila o may matutunan mula rito.

F. Kapal ng Mukha at Kumpiyansya sa sarili

               a. Dahil kailangan mong ipakita ang iyong mukha

               b. Dahil kailangan mong magsalita nang maayos at maliwanag

               c. Dahil makikilala ka ng maraming tao sa hinaharap

               d. Dahil maraming bashers sa paligid

G. Pasensya, Sipag at Tiyaga

               a. Dahil hindi agad malalagyan ng ADS ang mga video mo

               b. Dahil posibleng walang makapansin at manood ng mga video mo

               c. Maraming oras ang ginugugol sa pag-e-edit ng isang video

               d. Basta gawa lang nang gawa at upload ng video

H. Subscribers

               a. Bago magsimulang kumita ang iyong channel, kailangan mong magkaroon ng 1,000 subscribers. Oo, isang libo!

               b. Manood at magbasa kung paano darami ang mga subscribers mo. Sundin ang mga payo nila huwag lang ang mga bawal.

               c. Dapat mga organic ang mga subscribers mo. ‘Yong talagang nanonood ng mga video mo.

               d. Sumapi sa mga Facebook group na katulad ng content ng video mo.

               e. Magkaroon ng mga account sa iba’t ibang social media 

I. Hours of view

               a. Kailangan kang makabuo ng 4,000 hours ng views sa iyong channel. Mahirap gawin sa simula pero kapag pumatok ang video mo, baka hindi ka makapaniwala sa tagal ng oras na inilalagi ng mga viewer sa channel mo. 

Magkano ang Kikitain Mo sa YouTube

Nakadepende iyon sa dami ng manonood sa mga video mo at sa uri ng ads.  Kadalasan ang isang view ay kumikita mula P0.10 sentimos hanggang P0.25. Napakaliit kung tutuusin subali’t napakalaki kapag marami kang viewers na hindi nag-i-skip ng mga ads.

Sa kasalukuyan, marami ang nagkapera at yumaman sa YouTube. Kahit hindi mga artista o celebrities ay nabiyayaan din ng grasya ng YouTube. Ang iba ay nakapagpagawa na ng magarang bahay, nakabili ng sasakyan, at nagkaroon ng negosyo.

Huwag agad mawalan ng pag-asa kapag kokonti pa ang mga subscribers at viewers mo. Maraming vlogger ang dumaan sa mga pinagdadaanan mo. Sumikat sila matapos ng anim na buwan, isa o dalawang taon pero sa ngayon ay inaani na nila ang kanilang pinaghirapan. Manalig sa Diyos at pagbutihin ang nilalaman ng video. Kapag nagustuhan mo ang ginawa mong video, tiyak na magugustuhan din ito ng iyong kapamilya, kaibigan, kapitbahay, kabarangay, at kabayan.

Upload your video and keep on earning! Now na!

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...