Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
a. Baku-bakong kalsada
b. Liko-liko ang kalsada
c. Madulas ang kalsada
b. Liko-liko ang kalsada
c. Madulas ang kalsada
2. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
Bawal pumasok ang _______.
a. may hilang trailer
b. karwahe
c. closed van
3. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
a. Papalaki ang kalsada
b. Papaliit ang kalsada
c. Makipot ang tulay
4. Ano ang dapat mong gawin kung ang sasakyan sa likuran mo ay gustong lumusot (overtake)?
a. Gumawi sa kanan at huminto
b. Bumusina at hayaan itong lumagpas
c. Magmarahan, gumawi sa kanan, at hayaan itong lumagpas
5. Kung ang drayber ng sasakyang nasa iyong unahan ay naglabas ng kanyang kaliwang kamay at itinuro ito sa lupa, siya ay _______.
a. hihinto
b. kakaliwa
c. kakanan
6. Ang dalawang dilaw na linya na putol-putol ay palatandaan na:
a. Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan
b. Maaaring lumusot pakanan o pakaliwa kung walang peligro
c. Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa
7. Kailan dapat magdesisyon ang isang drayber?
a. Kung buhol-buhol na ang trapiko
b. Bago at pagkatapos magmaneho
c. Habang siya ay nagmamaneho
8. Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay pula na pabilog, octagon o baliktad na tatsulok?
a. Nagtatakda o nagbabawal
b. Nagbibigay babala
c. Nag-uutos ng direksyon
9. Sa mga rotonda, alin ang may karapatan sa daan?
Ang sasakyang _______.
a. nakaharap sa berdeng ilaw-trapiko
b. papasok pa lamang sa rotonda
c. nasa paligid ng rotonda
10. Ano ang dapat mong gawin kung malayo ang biyahe?
a. Maghanda ng mga kagamitang pagkumpuni ng sasakyan
b. Planuhin ang ruta at ikondisyon ang sasakyan
c. Tama lahat ang nasa itaas
--o0o--
MGA SAGOT:
6. b 7. c 8. a 9. c 10. c
No comments:
Post a Comment