Tuesday, June 22, 2021

Tulad ni Lola Damiana, Gusto na namang "sulutin" si Vina Morales mula kay Kuya Val Santos Matubang

 Nakikinikita ko na, tulad ni Lola Damiana, balak na namang "sulutin" ng mga pipitsuging YouTube vloggers ang prodigy ni Kuya Val Santos Matubang na si Vina Morales. Kung aalalahanin, si Vina Morales ay isang dalagang na-depress dahil nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya. Ang magandang dalaga ay madalas na natutulog at hindi lumalabas ng bahay. Siya ay nasa pangangalaga ng kanyang butihing lola sa isang bahay na masisira na.

(Image from https://kidstva.com)

Pinuntahan ni Kuya Val Santos Matubang ang bahay ng maglola at agad itong nag-abot ng tulong ang butihin at dating broadcaster. Bukod sa pagkain at salapi, ipagagawa pa ni Kuya Val ang bahay ng mga ito.

Pina-chek up ni Kuya Val si Vina Morales at dahil sa tuloy-tuloy na pag-inom ng gamot at tamang pagkain ay unti-unting bumuti ang kalagayan ng dalaga. Nitong huli ay kinakitaan na nang lubos na pagpapabago sa kalagayan ng dalaga. Lumabas na ito ng bahay, kasama ang tropa ni Kalingap Rab, kumain sa restaurant, namili ng mga damit, at nag-karaoke. Ang mga senyales na ito ay nangangahulugan na papagaling na si Vina Morales. Inalok pa nga ito ni Kuya Val na maging coordinator kapag tuluyang gumaling.

(Image from Val Santos Matubang Youtube/Facebook Page)

Dahil sa pagdami ng views na nakukuha ni Kuya Val kapag ipinalalabas ang mag-lola, nagsulputan na rin ang mga YouTube vloggers, upang maki-angkas sa popularidad ni Vina Morales. Marami ang nag-download nang buo ng mga video ni Kuya Val nang walang pahintulot. Okay lang sana kung mga reaction videos lang ito subali't may mga ilan ay garapalang copyright infringement na. Tulad ni Lola Damiana, tiyak na may mga vloggers na rin ang magpupuntahan sa ginagawang bahay ng maglola upang makiamot ng views. Nangangahulugan lamang na hindi kusa ang kanilang pagtulong nguni't upang makahatak lamang ng viewers at followers.

(Image from Val Santos Matubang Facebook Page)

Kapag nagpatuloy ang masamang gawaing ito, baka talikuran na rin ni Kuya Val Santos Matubang ang pagtulong kina Vina Morales at lola nito. Aasahan din na baka batikusin muli si Kuya Val ng ilang vloggers dahil sa pinagawa nitong bahay. Sana naman ay hindi ito mangyari dahil kawawa ang lola ni Vina Morales

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...