Sunday, June 13, 2021

TechDave Manalastas, Nagdiwang ng 14th Birthday

Nagdiwang ng kanyang ika-14 na kaarawan noong June 12, 2021 si Dave Manalastas, ang itinuturing na panganay ng mapangkawanggawang YouTube vlogger na si TechRam Manalastas. Ang pagdiriwang ay ginanap sa isang pool resort na dinaluhan ng Manalastas family, mga kaibigan, tagahanga, supporters, at ng kanyang ina.

(Image from from https://www.facebook.com/photo.php?fbid=107927838186066&set=pb.100069065510278.-2207520000..&type=3)

Simple lang ang selebrasyon subali't napuno ng pagkain ang hapag-kainan dahil na rin sa suporta ng mga tagahanga ni Dave at ng kanyang itinuturing na pangalawang ama. Marami ring regalong mga bagay at salapi ang mabait na bata.

Matatandaan na naging laman ng social media si Dave nang makita siya ni Techram sa Divisoria kung saan nagbubuhat ng mga kalakal o bilabg kargador ang bata upang mabuhay. Mula noon ay kinupkop na ng mabait na vlogger si Dave at itinira sa kanilang bahay sa Pampanga habang hinahanap ang mga magulang. Di naglaon ay nahanap din ni Techram ang mga magulang ng bata. Magkagayunman, nanatiling nasa poder ng vlogger si Dave at itinuring na itong kapamilya.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Dave, kasama ang isa bang batang si Luis sa tahanan ng mga Manalastas. Sa birthday celebration ni Dave, tinanong ni Jun Manalastas, nakababatang kapatid ni Techram, kung ano ang magiging reaksyon ng ina ni Dave kung sakaling maging tunay na Manalastas ang bata. Sinabi ng ina ni Dave na nasa anak ang huling desisyon kapag ito ay nasa hustong gulang na. Sa ngayon, happy na muna ang magkabilang panig alang-alang sa mabuting kalagayan at kinabukasan ng bata.

Maligayang Kaarawan, Dave!

1 comment:

Unknown said...

Ito Ang nag pabago sa pananaw ko sa Isang linya na pinagtagpo pero di tinadhana,akala ko ay ito talaga Ang Isang katutuhanan Dito sa Mundo,pero NAGINg iba ito dahil Kay tatay RAM at Dave,Sila ay pinag tagpo at talagang tinadhana,Kaya totoo ngang god is good,Ang mga mabubuting tao ay Hindi nya pinapabayaan kailan man dahil lagi syang nandyan nakahandang tumulong kahit kanino Basta Ikaw ay mapag kumbaba...Si Dave at tatay RAM Ang patunay na Hindi basihan Ang dugo para magmahal Ng ibang tao,dahil kung Isa Kang mabuting tao mahal mo Ang kapwa mo kahit Hindi man kayo magkadogo! I love you tatay RAM saludo po ako sa inyong kabutihan at kababaan Ng iyong kalooban at pag mamahal salahat,sana Po ay maramipang tao Ang kagaya mo! And I love you din kuya Dave lagi mong dalhin lahain Ng kabutihang itinuturo Sayo ni tatay RAM at Ng manalastas family wag makalimot na magpasalamat sa dyos dahil lahat Ng nangyayari Sayo ay kapahingulotan nya dahil alam nya na Isa Kang mabuting tao at Ang mabubuti ay laging pinagpapala Ng ating dyos!sana pag dumating na Ang Araw na Malaya munang gawin lahat Ng bagay wag mo parin kalimutan kung ano Ang mga payo Sayo ni tatay RAM para maging mabuting tao! I love you Dave,tatay RAM at sa lahat Ng manalastas family sana ganyan Ang pamilya ko,kung maibabalik ko lang sana Ang dati sa Buhay ko ako na MISMO gagawa Ng paraan para Hindi kame mag kahiwahiwalay! Love you all again❤️😘

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...