Sunday, April 25, 2021

BAMBOO TREE AND THE 21ST CENTURY LEARNERS

 A poem by Dex Amoroso

BAMBOO TREE AND THE 21ST CENTURY LEARNERS 


When you plant a bamboo seed,

It will sit on the ground for five years,

And appear not to be making any changes;

But have you ever wondered what has been going on, during those years? 


The bamboo has established its roots system, deep and broad.

So it can grow high and proud,

A perfect model of endurance;

Because everyone knows,

in due time its glory will appear. 


This is the secret to preparing children,

For the challenges of 21st century learning,

Helping them develop lifelong socio-emotional skills,

And building emotional resilience in their early years,

Is the key to a strong foundation of their future. 


In the aftermath of a strong storm

Bamboo is the only tree left standing

Aristotle once said," Educating the mind without educating the heart is no education at all".

We indeed need to work together,

To create opportunities for children,

To develop strong hearts and strong minds,

For stronger society........in the 21st century.


D.B. Amoroso 04/22/2021

Community Pantry - Modernong Bayanihan

Dumarami ang nagtatatag ng community pantry sa kani-kanilang lugar matapos itong pasimulan ang Maginhawa Community Pantry ni Jenny Non. Ang modernong bayanihang ito ay may konseptong: "Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon sa pangangailangan." Sa ngayon ay parang kabuteng nagsulputan ang community pantry sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Sa pagiging viral ng community pantry, nagsulputan din ang sari-saring bersyon nito. Binansagan ito na "communist pantry" ng ilan. Dahil napakamalikhain ang kukote ng mga Pinoy, may nagbansag din nito ng "community panty" kung saan iba't ibang klase at hugis ng panty ang nakasampay. Sa isang post naman ay mga ataul sa halip na pagkain ang ipinakitang ipinamimigay. Ito ay nagpapakita na mapagbiro pa rin ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya kahit na may ilang bumabatikos.

Marami ring kababayan natin ang napulaan dahil sa community pantry dahil may ilan ang sobra-sobra ang kinukuhang pagkain. Bago pulaan ay dapat ding unawain ang kumukuha ng marami dahil baka marami sila sa pamilya. Ganunpaman, dapat ding isaalang-alang ng iba ang kanyang kapwa.

Nawa ay magpatuloy pa ang ganitong bayanihan. Magbahagi ang mayroon upang makakain ang iba at kunin lamang ang kailangan.

Saturday, April 24, 2021

Caring for a Brother with Parkinson's Disease (PD)

Sumulat ako ng isang artikulo tungkol sa Parkinson's Disease (PD) kamakailan upang makapagbigay ng impormasyon ukol dito. Isinulat ko ito dahil sa ngayon ay tatlong linggo na akong tumutulong sa pangangalaga ng aking nakababatang kapatid na mayroong ganitong sakit.


Walong taon nang malaman ng mga doktor na mayroong PD ang aking kapatid. Hindi natukoy na mabuti kung saan nakuha niya ang sakit na ito dahil may kinalaman dito ang heredity, kapaligiran, at sakuna. Hindi agad naggamot ang aking kapatid dahil kaya pa ng kanyang katawan ang paminsan-minsang paninigas ng kanyang mga kasukasuan at mahinang pagkilos. Mas mahirap gamutin ang sintomas ng kanyang sakit kaysa sa mga taong may mga tremor lamang o panginginig ng kalamnan dahil may kaakibat na sakit ang paninigas ng kalamnan, yong tila sakit na nararamdaman mo isang araw matapos mong mag-ehersisyo sa unang pagkakataon.

Napilitang uminom  ng gamot ang aking kapatid nang magsimulang bumagal ang kanyang pagkilos o biglaang "pagkabato" o sensasyon na tila isa kang estatwa. Dahil kakulangan sa dopamine ang sanhi ng PD, levodopa-carbidopa ang kombinasyong nirereta ng mga neurologist. Nako-convert ng levodopa sa dopamine kapag ito ay pumasok sa sistema ng katawan lalo na sa "nervous system." Bukod dito, umiinom din siya ng pulbos mula sa mucuna pruriens at Biovea capsule.

Ang pangangalaga ng isang pasyenteng may Parkinson's Disease ay hindi madali. Ito ay nangangailangan ng tatag ng loob, pang-unawa, at pasensya. Dahil iba-iba ang mga sintomas na ipinamamalas sa bawat sesyon ng paggagamot, iba't ibang istratehiya ang kailangan bago, habang, at pagkatapos makainom ng mga gamot ang pasyente.

Laging sinasabi ng mga may sakit na huwag silang kaawaan bagkus ay suportahan lamang nguni't sa katotohanan, napakahirap nitong gawin dahil naroon ang awa kapag nakikita mong nahihirapan at nasasaktan ang iyong mahal sa buhay. Ang simpatiya ay lagi nang kakambal ng suporta. Mas madaling ibigay ang suporta subali't mahirap pigilin ang pagkaawa sa isang taong nahihirapan.

Dahil tuwing ikatlong oras ang pagbibigay ng gamot sa aking kapatid, isang buong araw siyang nangangailangan ng bantay. Hudyat na bibigyan na siya ng gamot kapag unti-unti nang nawawalan ng bisa ang sinundang gamot na malimit ay hindi tumatagl ng dalawang oras mula sa pag-epekto ng gamt. Nakararamdam na siya ng mahinang pagkilos tulad ng maliliit na mga hakbang, paglaylay ng kaliwa o kanang balikat, at paninigas ng kasu-kasuan. Mas matagal ang gamutan o pagbibigay ng lunas sa mga sintomas ng PD kapag nahaluan pa ito ng "pagtigas" o "paglobo" ng tiyan o ang tinatawag na bloating na sanhi ng kinain o epekto ng gamot. Dahil dito, kailangan niyang uminom ng pagpaalis ng kabag sa tiyan. Saksakan din ang hirap kapag may malalang paninigas at pamumulikat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Dahil dito, kakailanganin ang pamamasahe at paghimas sa mga kalamnang apektado kasabay ng pag-inom ng tubig at electrolyte drink tulad ng powerade.

BAGO UMINOM NG GAMOT

Maraming seremonyas muna ang nagaganap bago uminom ng gamot ang aking kapatid. Dahil unti-unti nang umaatake ang sintomas ng kanyang kondisyon, naroong umihi muna siya, mag-stretch, iba-ibang posisyon sa paghiga at pagdapa upang maging komportable, at panaka-nakang pag-inom ng likido. Depende sa sakit na nararamdaman, may kasama ring pagmasahe, paghimas, at pagpahid ng magnesium spray sa naninigas at pinupulikat na kalamnan. 

PAGKAINOM NG GAMOT

Depende sa grabe ng kanyang mga sintomas, kailangan muli ang pamamasahe at paghimas ng mga kalamnan at kasu-kasuang masakit. May pagkakataong napapasigaw sa sakit ang aking kapatid; minsan naman ay nakahiga lamang siya at umiinom ng tubig at powerade habang hinihintay ang pag-epekto ng mga gamot. Ang bilis ng pag-epekto ng gamot ay depende sa ininom ng gamot, sa tindi ng mga sintomas, at kung may kabag o wala. Kadalasan ay umeepekto ang gamot sa loob ng 15- 30 minuto. Pagkaminsan, ito ay lumalampas ng isang oras lalo na kung maraming lamang pagkain ang kanyang tiyan o may kabag.

PAG-EPEKTO NG GAMOT

Hudyat na umeepekto na ang mga gamot kapag nagsimula nang gumalaw-galaw ang kanyang mga kamay at paa subali't ang mga paggalaw na ito ay hindi niya makontrol o tinatawag na involuntary movements. Habang nagaganap ito, kailangan mo pa rin siyang masahihin o hagurin ang kalamnang unti-unting nabubuhay o lagyan ng pwersa ang pagkabila niyang mga paa upang mawala ang pamumulikat o pangingimay. Naroon din ang pagbibigay ng tubig o powerade. Kung pagkaminsan, sumasabay din dito ang kanyang pag-ihi. Para siyang lumalangoy sa kama o tila turumpong kangkarot kapag unti-unting nagkakabisa ang kanyang ininom na mga gamot. Ang mga galaw na hindi niya makontrol ay kadalasang tumatagal mula 10 hanggang 25 minuto.

Panoorin DITO ang bidyo kung paano ang aking pag-aalalay sa aking kapatid bago, habang, at pagkatapos umepekto ang gamot.

Tiyak na may mga nagtataka, namamangha, at naaawa sa iyong mga napanood na bidyo. Natural lamang itong reaksyon. Hindi pa sagad ang iyong nararamdaman dahil napapanood lamang ninyo ito. Ano pa kaya kung naroon kayo mismo sa pinangyarihan?

Visit this link to see what levodopa does to a patient with Parkinson's Disease:



Tuesday, April 20, 2021

BUTIL - Malabo - Isang Maikling Kuwento


Hindi ko batid kung sadya nga bang mapanghusga ang mga tao. Kalimitan kasi ay naroon ang mga mapanirang pananalita sa kapwa kahit hindi naman ginagambala ng mga ito. Ang tsismis ba ay likas? Bakit ito ang libangan ng maraming tao lalo na ng mga kababaihan? Bakit sila nakadarama ng pagkatuwa kapag may nabalitaang hindi maganda sa mga kaibigan at kapitbahay? Bakit hindi kapakipakinabangang bagay ang kanilang pag-usapan?

Mas maraming komento at puna ang makukuha ng isang balitang masama kaysa mabuti. Laging sensational ang balitang trahedya, sakuna, at hindi magandang pangyayari subali't nababalewala ang mga kaganapang maganda at mabuti na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa sa buhay.

Laging mali ang akala dahil wala itong basehan kundi ang sariling interpretasyon ng isang bagay na nakita o naramdaman. Ang inggit ay isang depensa sa sarili dahil sa pansariling kakulangan. Naiinggit tayo sa ibang taong umaasenso dahil hindi natin nagawa ang kanilang tagumpay. Pilit nating pinasasama ang imahe ng mga kaibigan at kapitbahay dahil ayaw nating magmukhang kawawa o napag-iwanan. Pilit natin silan hinihila paibaba dahil ayaw nating maiwanang mag-isa sa ibaba.

Hindi natin naiiwasang pag-usapan ang buhay ng iba dahil kasama sila sa ating kapaligiran. Lagi natin silang nakakausap at nakikita. Ayos lang sana kung mabubuti ang mga salitang namumutawi sa ating mga bibig kapag sila ay nababanggit. Kadalasan ang hindi mabuting ugaling nakikita natin sa kanila ay salamin pala ng mas masamang katangian natin. Sabi nga, "Huwag husgahan ang isang aklat dahil lamang sa kanyang pabalat." Tulad ng tao, dapat natin muna silang kilalaning mabuti upang makapagbigay tayo ng tumpak na konklusyon. Gayunman, sa halip na ikalat sa buong barangay ang kanilang baho, nararapat n suriin muna natin ang ating mga sarili upang hindi lalong "bumaho" ang ating kapaligiran.

Basahin ang maikling kuwento sa ibaba nang makapulot ng konting aral:













 

Friday, April 16, 2021

GF YIN, BF YANG - The Tale of a DDS and a Dilawan Lovers

Below is another contribution of a Facebook friend:

GF YIN,  BF YANG
(The Tale of a DDS and a Dilawan Lovers)

By Dex Amoroso 04/15/2021


Around the year 2017, Jojo started seeing a girl.

They started dating.

Liza was almost 10 years younger than Jojo.

She was the most beautiful woman Jojo has ever seen. And the sexiest.

Yes, beauty is a subjective commodity.

For Jojo she was more beautiful than Alice Dixon, sexier than Jennylyn Mercado.

The physical aspect of their relationship was the best ever, but when one really fall in love with that one special woman, you realize that holding her hand is just as wonderful and magical as sex.

Like all great women, she had a wisdom about her, a wisdom and an insight no man could possibly have. 

They would go out to eat, go to the movies, play badminton (Liza stroke like Jwala Gutta, Jojo stroke like Pannawit Thongnuam). 

Jojo even took her to the school's alumni homecoming and introduced her to his classmates and friends. 

Jojo was never so proud, showing off his incredible girlfriend to his friends. 

They hiked Taal Volcano together on one of his birthday. 

For Jojo, Liza was the sun, moon and the stars all rolled up into one. 

He has never, before or since, been so in love with a woman. 

Liza wanted him to meet her parents. 

They came this close to getting married. 

This close. 

Liza was the great love of his life.

But there was one caveat, one flaw that killed off their relationship. 

Liza was a hardcore DDS. 

She deeply believed that Tatay D is the best in the world, he fights for Philippines’ interest and he is the bravest leader!

And she wouldn’t be quiet about it. 

Jojo loved Liza, so he would let her chatter on and on and on, never disagreeing or saying a word. 

Then, one day, she came to pick him up. 

"No one except Tatay D could’ve procured vaccines for the Philippines.", Liza proudly claimed.  

For Jojo that was the first fallacy of her girlfriend's statements.

“Tanga, your assumption is insufferable because dumb, corrupt and incompetent as your Tatay D is, you assumed, babe, that every Filipino citizen including me (Jojo) is dumber, more corrupt and incompetent than your Tatay D is. That is called an argument of unwarranted assumption", Jojo said. 

"Secondly, simply saying that he is the best there is — sans proof — is called an assertion.  Although if you care enough to remove your blinders, you may see that proofs abound — that your Tatay D is anything but the best. Tanga.   I know, I know.  That’s ostensibly an ad hominem.  But my breakdown of your arguments above practically makes my labeling of you an act of honest description and less a personal attack. So. Yes, tanga ka, babe." Jojo added while obviously annoyed but still trying to soften his beloved.

Liza told him she couldn't see him any more. 

He just couldn't take all the endless talk about Tatay D. 

She looked baffled when Jojo said she is tanga. 

She drove off. 

And Jojo never did see Liza again. 

Jojo thinks that his handling of the situation was wrong.
He will never know.

Dilawans are not fated to live side-by-side with the DDS. They are destined to be the Yin to their Yang.

This is what politics can do to two people who deeply loved each other. 

Sometimes Jojo wish politics had never been invented.

THE END

Saturday, April 10, 2021

Araw ng Kagitingan - A Glimpse on World & Philippine History

Below is a contributed article of Dex Amoroso, my Facebook friend, on the Day of Valor or Araw ng Kagitingan which is held every 9th day of April. It is also called Bataan Day because the Death March starts on this day.

Araw ng Kagitingan 

by Dex Amoroso

Bataan Death March 

Araw ng Kagitingan is held to commemorate the Fall of Bataan, and the beginning of the Bataan Death March. The day is also called Bataan Day.

SOME FACT ON WORLD WAR II (1939-45) 

December 7, 1941 - Japan bombed the U.S. naval base at Pearl Harbor. 

The next day - The Japanese invasion of the Philippines began. 

Within a month, the Japanese had captured Manila, the capital of the Philippines, and the American and Filipino defenders of Luzon (the island on which Manila is located) were forced to retreat to the Bataan Peninsula. 

For the next three months, the combined US-Filipino army held out despite a lack of naval and air support. 

April 9, 1942, 77 years ago today, with his forces crippled by starvation and disease, U.S. General Edward King Jr., surrendered his approximately 75,000 troops at Bataan. The surrendered Filipinos and Americans soon were rounded up by the Japanese and forced to march some 65 miles from Mariveles, on the southern end of the Bataan Peninsula, to San Fernando. The men were divided into groups of approximately 100, and what became known as the Bataan Death March typically took each group around five days to complete. The exact figures are unknown, but it is believed that thousands of troops died because of the brutality of their captors, who starved and beat the marchers, and bayoneted those too weak to walk. Survivors were taken by rail from San Fernando to prisoner-of-war camps, where thousands more died from disease, mistreatment and starvation. 

3 years later... 

August 6, 1945 - The first Atomic Bomb was exploded in Hiroshima. An American B-29 bomber dropped the world’s first deployed atomic bomb over the Japanese city of Hiroshima. The explosion wiped out 90 percent of the city and immediately killed 80,000 people; tens of thousands more would later die of radiation exposure. 

3 days later... 

August 9, 1945 - The second B-29 dropped another A-bomb on Nagasaki, killing an estimated 40,000 people. 

August 15, 1945 - Japan’s Emperor Hirohito announced his country’s unconditional surrender in World War II in a radio citing the devastating power of “a new and most cruel bomb.” 

Do you think the Bataan Death March and all the other war crimes committed by the Japanese justified US President Truman's decision of dropping the bomb on Japan?


Tuesday, April 6, 2021

PRINGLES Salted Egg Flavor: For Those Who Like Salty Egg!

As per Wikipedia, "Pringles is an American brand of potato and wheat-based stackable snack chips. It is owned by Kellogg's. Originally, developed by Procter & Gamble (P&G) in 1967, and marketed as "Pringle's Newfangled Potato Chips", the brand was sold to Kellogg's in 2012. As of 2011 Pringles are sold in more than 140 countries."

(Image from https://shopee.sg)


The business of snack manufacturing is a very lucrative business. In the United States,  the total salty snack sales amounted to 27 billion U.S. dollars in 2017, making it the top selling snack category. This trend may be similar the world over as snacking is an integral part of human's life.

To be successful in the snack food industry, a company has to be creative, innovative, and always on the fore front of the very discriminating taste of the consumers. One strategy to be abreast with other competitors is to produce a unique and tasty snack especially for children in spite of the parent's disapproval of salty snack.

Kellogg's is one industry that produces a double "salty" snack by introducing its limited edition of Pringles Salty Egg Flavour. Not only it contains the most salt or sodium, the flavour is also "salty".  However, this dehydrated and crispy potato snack is not at all bad. And not that "salty" as well. Kids and adults alike will surely approve its salty egg flavour. This flavour fits to the Asian palates, as salted egg is part of their food consumption.

Pringles Salted Egg Flavour comes in a set of 6 with each container holds 134 grams. The sodium content per 25 grams serving is 118 mg. Health authorities recommend salt intake of 1,500 mg per day. Taking more than 2,300 mg of sodium is not recommended for those with history of high blood pressure because it can increase the risk of heart disease. Eating the whole container of Pringles Salted Egg Flavour a day is still in the healthy range, as long as it is not combined with other salty snacks or foods. Moderation is the key.

At the moment, the Pringles Salted Egg Flavour is available in Australia only at Costco

Sunday, April 4, 2021

Mga Impormasyon Tungkol sa #Parkinson's Disease

Ano ang sakit na Parkinson?


Ayon sa Brain Foundation, ang sakit na Parkinson ay isang progresibo, papalalang kondisyong neurological na nakakaapekto sa pagkontrol ng paggalaw ng katawan. Nagiging sanhi ito ng panginginig sa mga kamay, braso, binti, panga, at mukha; pagtigas o paninigas ng mga braso, binti o baywang; mabagal ng paggalaw ng katawan; at hindi matatag na pustura at kahirapan sa paglalakad. Ang mga maagang sintomas ay banayad at unti-unting nangyayari.

Nangyayari ang mga sintomas ng Parkinson kapag ang mga neurons (nerve cells) na karaniwang gumagawa ng dopamine sa utak ay unti-unting namamatay. Ang pagkamatay ng mga selulang (cell) ito ay humahantong sa hindi normal na mababang antas ng dopamine, isang kemikal na makakatulong sa pag-relay ng mga mensahe sa pagitan ng mga lugar ng utak na kumokontrol sa paggalaw ng katawan. Ang mababang antas ng dopamine ay nagbubunga ng kahirapan sa pagkontrol sa pag-igting ng kalamnan at paggalaw ng kalamnan, sa pamamahinga at maging sa mga panahon ng aktibidad.

Paano Ginagamot ang Sakit na Parkinson?

Wala pang nadidiskubreng gamot upang malunasan at tuluyan gumaling ang mga taong may sakit ng Parkinson. Sa kasalukuyan, tanging ang mga sintomas lamang ang pinagagaan ng mga medisinang inirerekomenda ng mga doktor. Dahil iba-iba ang sintomas na nararanasan ng isang pasyente, iba't ibang mga gamot ang inireresta upang mapamahalaan ang sakit at magbigay ng dramatikong kaluwagan mula sa mga sintomas. Sa ilang mga kaso, ang operasyon ay isang naaangkop na paggamot. Inirekomenda ng ilang mga doktor ang paggamot na multi-disiplina ng mga physiotherapist, dietitian at tagapayo. Walang dalawang tao ang makakaranas ng kundisyon sa parehong paraan, kaya't mag-iiba ang pamamahala.

Ano ang Prognosis (Pagbabala) ng Sakit na Parkinson?

Tulad ng nabnggit sa itaas, ang sakit na Parkinson ay isang talamak, progresibong sakit, at walang gamot na maaaring pigilan ang paglala ng sakit na ito.

Ano-ano ang Limang Yugto ng Sakit na Parkinson?

Upang maunawaan ang natural na pag-unlad ng sakit, dapat nating maunawaan ang limang yugto nito, tulad ng ipinaliwanag ng Parkinson's Foundation. (Halaw mula sa BannerHealth.com)

Unang Yugto

Ang mga indibidwal ay nakakaranas ng banayad na mga sintomas na sa pangkalahatan ay hindi makagambala sa pang-araw-araw na gawain. Ang panginginig at iba pang mga sintomas ng paggalaw ay nangyayari sa isang bahagi ng katawan lamang. Maaari din silang makaranas ng mga pagbabago sa pustura, paglalakad at ekspresyon ng mukha.

Ikalawang Yugto

Lumalala ang mga sintomas, kasama na ang panginginig, tigas at iba pang mga sintomas ng paggalaw sa magkabilang panig ng katawan. Ang tao ay kaya mamuhay na mag-isa, ngunit ang mga pang-araw-araw na gawain ay mas mahirap at mas mahabang gawin.

Ikatlong Yugto

Ito ay itinuturing na kalagitnaan ng yugto. Ang mga indibidwal ay nakararanas ng pagkawala ng balanse at kabagalan ng paggalaw. Habang ganap pa rin na nakapag-iisa, ang mga sintomas na ito ay masyadong nakaaapekto sa mga aktibidad tulad ng pagbibihis at pagkain. Ang pagtumba, pagkahulog, o pagkadapa ay mas karaniwan din sa yugtong ito.

Ika-apat na Yugto

Ang mga sintomas ay malubha at nalilimitahan. Ang mga indibidwal ay maaaring tumayo nang walang tulong, ngunit ang paggalaw ay malamang na nangangailangan ng isang panlakad o tungkod. Ang mga pasyente sa ika-apat na yugto ay nangangailangan ng tulong sa mga pang-araw-araw na gawain at hindi kayang mamuhay nang nag-iisa.

Ikalimang Yugto

Nagiging imposible ang tumayo o lumakad dahil sa paninigas ng mga binti. Ang maysakit ay nangangailangan ng isang wheelchair o nakahiga lang sa kama. Kailangan ang buong-araw na pangangalaga para sa lahat ng mga gawain. Ang pasyente ay maaaring makaranas ng guni-guni at maling akala.

Ano-anong mga Gamot ang Nirereseta ng mga Doktor para Maibsan ang mga Sintomas ng Sakit na Parkinson?

Ayon sa MayoClinic.org, ang ilan sa mga gamot para sa sintomas ng Parkinson's disease ay ang mga sumusunod:

Carbidopa-levodopa. Ang Levodopa, ang pinaka-mabisang gamot sa sakit na Parkinson, ay isang likas na kemikal na pumapasok sa iyong utak at nagagawang dopamine.

Ang Levodopa ay isinasama sa carbidopa (Lodosyn), na pinoprotektahan ang levodopa mula sa maagang pag-convert sa dopamine sa labas ng iyong utak. Pinipigilan o binabawasan nito ang mga epekto tulad ng pagduwal.

Ang mga side effects ay maaaring may kasamang pagduwal o lightheadedness (orthostatic hypotension).

Pagkalipas ng mga taon, habang nagiging progresibo ang sakit, ang benepisyo mula sa levodopa ay maaaring maging hindi gaanong matatag, o unti-unting nawawala ang epekto.

Gayundin, maaari kang makaranas ng mga hindi kontroladong paggalaw (dyskinesia) pagkatapos uminom ng mas mataas na dosis ng levodopa. Maaaring bawasan ng iyong doktor ang iyong dosis o ayusin ang mga oras ng iyong dosis upang makontrol ang mga epektong ito.

Paglanghap ng carbidopa-levodopa. Ang Inbrija ay isang bagong brand ng gamot na naghahatid ng carbidopa-levodopa sa pamamagitan ng paglanghap (inhaled form). Maaari itong maging kapaki-pakinabang sa pamamahala ng mga sintomas na lumitaw kapag hindi gumagana ang mga gamot na ibinibigay sa pamamagitan ng bibig sa buong araw.

Pagbubuhos ng Carbidopa-levodopa. Ang Duopa ay isang gamot na may tatak na binubuo ng carbidopa at levodopa. Gayunpaman, pinangangasiwaan ito sa pamamagitan ng isang feeding tube na naghahatid ng gamot sa isang form na gel nang direkta sa maliit na bituka.

Ang Duopa ay para sa mga pasyente na may mas advanced na Parkinson na tumutugon pa rin sa carbidopa-levodopa, ngunit maraming mga pagbabago-bago sa kanilang tugon. Sapagkat ang Duopa ay patuloy na dumadaloy, ang mga antas ng dugo ng dalawang gamot ay mananatiling pareho.

Ang paglalagay ng tubo ay nangangailangan ng isang maliit na operasyon. Ang mga panganib na nauugnay sa pagkakaroon ng tubo ay ang pagkahulog ng tubo o mga impeksyon sa sugat ng pagbubuhos.

Mga agonist ng Dopamine. Hindi tulad ng levodopa, ang mga dopamine agonist ay hindi nagiging dopamine. Sa halip, ginagaya nila ang mga epekto ng dopamine sa iyong utak.

Hindi sila mas mabisa tulad ng levodopa sa paggamot sa iyong mga sintomas. Gayunpaman, sila ay tumatagal ng mas mahaba at maaaring magamit kasama ng levodopa upang maayos ang minsang off-and-on na epekto ng levodopa.

Kasama sa mga agonist ng Dopamine ang pramipexole (Mirapex), ropinirole (Requip) at rotigotine (Neupro, na ibinigay bilang isang patch). Ang Apomorphine (Apokyn) ay isang madaliang-epekto na iniksiyong dopamine agonist na ginagamit para sa mabilis na kaluwagan.

Ang ilan sa mga epekto ng dopamine agonists ay pareho sa mga epekto ng carbidopa-levodopa. Ngunit maaari rin nilang isama ang mga guni-guni, antok at compulsive na pag-uugali tulad ng hypersexual, pagsusugal at pagkain. Kung umiinom ka ng mga gamot na ito at kumikilos na iba sa iyong normal na pag-uugali,  kausapin ang iyong doktor.

Mga inhibitor ng MAO B. Kasama sa mga gamot na ito ang selegiline (Zelapar), rasagiline (Azilect) at safinamide (Xadago). Tumutulong silang maiwasan ang pagkasira ng dopamine sa utak sa pamamagitan ng pagbawal ang brain enzyme monoamine oxidase B (MAO B). Ang enzyme na ito ay lumulsaw sa brain dopamine. Ang selegiline na ibinigay sa levodopa ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagkawala ng epekto.

Kasama sa mga masamang epekto ng MAO B inhibitors ay ang pananakit ng ulo, pagduwal o hindi pagkakatulog. Kapag idinagdag sa carbidopa-levodopa, ang mga gamot na ito ay maaaring makaragdag ng panganib na magkaroon ng mga  hallucinations (guni-guni).

Ang mga gamot na ito ay hindi madalas gamitin kasama ng karamihan sa mga antidepressant o ilang mga narkotiko dahil sa potensyal na seryoso ngunit bihirang mga reaksyon. Sumangguni sa iyong doktor bago uminom ng anumang karagdagang mga gamot na may taglay na MAO B inhibitor.

Mga inhibitor ng Catechol O-methyltransferase (COMT). Ang Entacapone (Comtan) at opicapone (Ongentys) ang pangunahing gamot mula sa klase na ito. Ang gamot na ito ay banayad na nagpapahaba sa epekto ng levodopa therapy sa pamamagitan ng pagharang sa isang enzyme na sumisira sa dopamine.

Ang mga masamang epekto, kabilang ang mas mataas na peligro ng mga hindi makontrol na paggalaw (dyskinesia),  ay sanhi ng pinahusay na levodopa effect. Ang iba pang mga epekto ay kinabibilangan ng pagtatae, pagduduwal o pagsusuka.

Ang Tolcapone (Tasmar) ay isa pang inhibitor ng COMT na bihirang inireseta dahil sa peligro ng malubhang pinsala sa atay at tuluyang hindi paggana ng atay..

Anticholinergics. Ang mga gamot na ito ay ginamit sa loob ng maraming taon upang makatulong na makontrol ang panginginig na nauugnay sa Parkinson's disease. Maraming mga anticholinergic na gamot ang magagamit, kabilang ang benztropine (Cogentin) o trihexyphenidyl.

Gayunpaman, ang kanilang katamtaman na mga benepisyo ay madalas na mababawi ng mga masamang epekto tulad ng kapansanan sa memorya, pagkalito, guni-guni hallucination), paninigas ng dumi, tuyong bibig at kapansanan sa pag-ihi.

Amantadine. Ang mga doktor ay maaaring magreseta ng amantadine na nag-iisa upang magbigay ng panandaliang kaluwagan ng mga sintomas ng banayad at maagang yugto ng sakit na Parkinson. Maaari rin itong ibigay kasama ng carbidopa-levodopa therapy sa mga susunod na yugto ng sakit na Parkinson upang makontrol ang mga hindi makontrol na paggalaw (dyskinesia) sanhi ng carbidopa-levodopa.

Ang mga masamang epekto ay kabilang ang purple mottling ng balat, pamamaga ng mga bukung-bukong  o pagkakaroon ng mga pangitain o guni-guni.

Malalim na pagpapasigla ng utak (Deep Brain Stimulation). Sa malalim na pagpapasigla ng utak (DBS), ang mga surgeon ay nagtatanim ng mga electrode sa isang tukoy na bahagi ng iyong utak. Ang mga electrode ay konektado sa isang generator na nakatanim sa iyong dibdib malapit sa iyong collarbone na nagpapadala ng mga de-kuryenteng pulso sa iyong utak at maaaring mabawasan ang mga sintomas ng sakit na Parkinson.

Maaaring ayusin ng iyong doktor ang iyong mga setting kung kinakailangan upang gamutin ang iyong kondisyon. Ang operasyon ay nagsasangkot ng mga panganib, kabilang ang mga impeksyon, stroke o hemorrhage sa utak. Ang ilang mga tao ay nakakaranas ng mga problema sa sistema ng DBS o may mga komplikasyon dahil sa pagpapasigla, at maaaring kailanganin ng iyong doktor na ayusin o palitan ang ilang mga bahagi ng system.

Ang malalim na pagpapasigla ng utak ay madalas na inaalok sa mga taong may advanced na sakit na Parkinson na may mga hindi matatag na tugon sa levodopa.  Maaaring patatagin ng DBS ang pagbagu-bago ng gamot, bawasan o ihinto ang hindi makontrol na  paggalaw (dyskinesia), bawasan ang panginginig, bawasan ang tigas, at pagbutihin ang pagbagal ng paggalaw.

Ang DBS ay mabisa sa pagkontrol ng hindi maayos at pabagu-bagong mga tugon sa levodopa o para sa pagkontrol sa dyskinesia na hindi napapabuti ng mga pag-a-adjust ng gamot.

Gayunpaman, ang DBS ay hindi kapaki-pakinabang para sa mga problema na hindi tumutugon sa levodopa therapy bukod sa panginginig. Ang panginginig ay maaaring kontrolin ng DBS kahit na ang panginginig ay hindi masyadong tumutugon sa levodopa.

Bagaman maaaring magbigay ang DBS ng mas matagal na benepisyo para sa mga sintomas ng Parkinson, hindi nito pinipigilan ang sakit na Parkinson mula sa pag-unlad.

Dahil sa hindi madalas na ulat na nakakaapekto ang DBS therapy sa mga paggalaw na kinakailangan para sa paglangoy, inirekomenda ng Food and Drug Administration na kumunsulta sa iyong doktor at kumuha ng mga pag-iingat sa kaligtasan sa tubig bago lumangoy.

(Ang nasa ibaba ay halaw at pagsasalin sa Filipino ng artikulo ni Ana Aleksic na nalathala sa selfhacked.com)

Dopamine Bean

Mucuna Pruriens or Velvet Beans

Dahil sa kamahalan ng gamot na may taglay na levodopa, may mga taong may sakit na Parkinson ang gumagamit ng herbal na gamot mula sa isang klase ng bean. Ang Mucuna pruriens ay isang tropical legume na kilala rin bilang velvet bean. Sa herbal na gamot at Ayurveda, ang Mucuna ay ginagamit libu-libong taon na ang nakalipas bilang isang lunas para sa pagkabaog ng lalaki, mga karamdaman sa nerbiyos, sakit na Parkinson, at bilang isang aphrodisiac. Ang Mucuna ay kilala rin bilang "dopamine bean" dahil ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng L-Dopa (4 - 7%), kung saan ang dopamine ay ginawa sa katawan.

Ang National Center for Complementary and Alternative Medicine (NCCIH) ay nagsasaad na "Mayroong ilang mga limitadong katibayan na ang Mucuna pruriens ay maaaring magkaroon ng kapaki-pakinabang na epekto sa ilang mga sintomas ng sakit na Parkinson tulad ng paggana ng motor.

Gayunpaman, ang mga suplemento ng Mucuna pruriens ay hindi naaprubahan ng FDA para sa medical use. Ang mga suplemento ay kulang sa solidong pananaliksik. Ang FDA ay nagtakda ng mga regulasyon ng mga pamantayan sa pagmamanupaktura para rito ngunit hindi ginagarantiyahan na ligtas o epektibo ang mga ito.

Ang mga mucuna pruriens ay hindi dapat gamitin bilang kapalit ng mga naaprubahang therapies ng medisina. Makipag-usap sa iyong doktor bago gumamit ng mga suplemento.

Natuklasan ng kamakailang pananaliksik na ang mucuna ay maaari ring mapalakas ang mga antioxidant at scavenge free radicals sa katawan, ngunit hindi ito napatunayan sa mga tao.

Limitado ang mga ebidensya na nagpapahiwatig na ang Mucuna pruriens ay maaaring magkaroon ng mga kapaki-pakinabang na epekto sa ilang mga sintomas ng Parkinson's disease. Gayunpaman, mayroon pa ring hindi sapat na katibayan upang matantya ang pagiging epektibo at kaligtasan nito.

Sa isang klinikal na pagsubok ng 60 na taong may sakit na Parkinson, ang pulbos na nagmula sa Mucuna pruriens (HP-200) ang mahusay na nagbawas ng mga sintomas ng sakit na Parkinson kaysa sa karaniwang paggamot ng levodopa pagkatapos ng 12 linggo.

Sa isa pang pag-aaral, ang Mucuna pruriens ay kasing epektibo ng paggamot sa levodopa ngunit mas mabilis itong nahigop at naabot ang rurok ng epekto.

Katulad nito, ang isang solo at mas mababang dosis ng pulbos mula sa Mucuna ay pareho rin ang epekto kumpara sa karaniwang mga gamot (levodopa + benserazide) sa 18 mga advanced na pasyente ng Parkinson ngunit nagdulot to ng mas kaunting masamang epekto. Ang mas mataas na dosis ng Mucuna ay mas epektibo at mas matagal kaysa sa karaniwang mga gamot. Gayunman, walang sapat na pag-aaral kung ano ang masamang epektong dulot ng pulbos ng Mucuna sa pangmatagalang paggamit. 

=====
Pagtatatwa:

Ang artikulo sa itaas ay isang pagpapahayag lamang at impormasyon. Hindi naghihimok o nagrerekomenda ang may-akda ng gamot o paraan ng gamutan sa mga taong may sakit na Parkinson.

Disclaimer:

The above article is for information only. The author does not encourage or recommend medication or treatment methods to people with Parkinson's disease



Saturday, April 3, 2021

How to Make Natural and Organic Plant Boosters and Fertilizers

Dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19, maraming mamamayan ang nanatiling nasa loob ng kanilang bahay o bakuran. Sa una, maganda ang naging epekto nito sa mga tao. Nagkaroon sila ng maraming oras upang makapag-relax at mag-bonding kasama ang mga miyembro ng pamilya. Subali't kalaunan, ang maraming oras sa pamamahinga ay unti-unting nauuwi sa pagkabagot. Maraming paraan ang magagawa upang maibsan ang pagkabagot. Isa na rito ang pagtatanim ng halaman at mga gulay.

Sanhi ng mga hindi maipaliwanag na sakit na tinatamo ng mga tao sa buong mundo dulot ng pagkonsumo ng mga prutas at gulay na ginagamitan ng pestidyo at mga patabang komersyal, natuon ang pansin ng mga mamimili sa pagbili ng mga prutas at gulay na gamit lamang at natural at organikong pataba. Gayunman, ang presyo ng mga produktong ito ay mas mahal kaysa sa mga prutas at gulay na gamit ang mga commercial fertilizers.

Upang mabawasan ang pagbili ng mga prutas at gulay na mahal, isang istratehiya ay ang pagtatanim ng mga ito gamit ang natural at organikong pataba, pampalaki ng mga bunga,at pampalakas ng mga halaman. Tatlo sa mga ito ay ang paggawa ng Fermented Plant Juice (FPJ), Fermented Fruit Juice (FFJ), at Fish Amino Acid (FAA).

1. Paggawa ng Fermented Plant Juice o FPJ

Ang Fermented Plant Juice (FPJ) ay isang fermented extract ng chlorophyll at mga batang suloy ubod ng halaman tulad ng mga ubod, dahon, damo, mga bubot prutas at bulaklak. Ang isang mahalagang sangkap sa paggawa ng FPJ ay ang tinatawag na chlorophyll.  Ito ay isang berdeng molekyul sa mga halaman na sumisipsip ng sikat ng araw para sa potosintesis. Ang mga taong kumokonsumo ng mga pananim na gumagamit ng FPJ ay maaaring makatulong sa detoxification ng dugo, paggaling ng sugat, suporta sa immune system, at pag-iwas sa cancer.

Ang FPJ ay mayaman sa mga enzyme na puno ng lactic acid at mga mikroorganismo tulad ng lebadura. Sa pamamagitan ng pagdidilig sa lupa ng solusyon o sa pamamagitan ng direktang pagwiwisik nito sa mga prutas at bulaklak, napapabuti ng patabang ito ang  ang kalusugan ng mga halaman at matulungan silang lumago nang masigla.

Mga Sangkap sa Paggawa ng Fermented Plant Juice

500 gramo ng dahon at malambot na sanga ng mga halaman, tulad ng: talbos ng kamote, alugbati, kangkong, mani-mani, dahon ng saging, atbp.

250 gramo ng molasses o asukal na pula (mas brown ang kulay, mas mabuti)

Isang sisidlan

Gayatin nang maliliit ang mga dahol, talbos, at malambot na sanga. Pagkatapos ay paghalu-haluin lang ang mga sangkap at ilagay sa isang sisidlan. Takpan ang sisidlan at iburo ng hanggang isang linggo o higit pa. Ilagay ito sa isang lugar na malamig, madilim-dilim at hindi nasisikatan ng araw. Salain ang katas ng sisidlan at ilagay sa isang plastic na bote.

Sa paggamit, maglagay ng 20 ml ng solusyon sa isang litro ng tubig. Maaari itong ipandilig sa halaman o i-wisik (spray) sa mga bulaklak ng mga gulay.

2. Paggawa ng Fermented Fruit Juice (FFJ)

Ang Fermented Fruit Juice (FFJ) ay isang artipisyal na pulot. Ito ay isang nutritional activation enzyme at napaka-epektibo sa natural na pagsasaka. Ang FFJ ay isang uri ng FPJ na gumagamit lamang ng prutas bilang pangunahing sangkap nito. Ginagamit ito upang muling buhayin ang mga pananim, hayop at tao. Ang pangunahing sangkap ng prutas na maaari nating gamitin ay ang saging, papaya, mangga, ubas, melon, pakwan, mansanas,  atbp (Ang mga prutas ay dapat na matamis).

Mga Sanggap sa Paggawa ng Fermented Fruit Juice

500 gramo ng pinaghalong-halong luma o nabubulok na mga prutas, tulad ng saging, mangga, papaya, pakwan, o iba pang matatamis na prutas.

500 gramo ng molasses o pulang asukal

Isang sisidlan

Hati-hatiin sa maliliit na piraso ang amg prutas. Ilagay sa isang sisidlan ang mga sangkap at halu-haluin at saka takpan. Panatiliin ang binurong mga sangkap sa malamig na lugar, madilim-dilim, at hindi nasisikatan ng araw sa loob ng isang linggo o higit pa. Salain at ilagay sa isang plastic na bote ang nakolektang likido. Kanawin ang 20 ml ng pulot sa isang litro ng tubig at idilig sa lupa o i-spray sa mga bulaklak ng mga gulay.

3. Paggawa ng Fish Amino Acid (FAA)

Ang Fish Amino Acid (FAA) ay isang likido na gawa sa isda. Ang FAA ay napakahalaga sa mga halaman at gayundin sa mikroorganismo sa kanilang paglaki, sapagkat naglalaman ito ng  maraming dami ng mga nutrisyon at iba't ibang uri ng mga amino acid. Ito ay isang mapagkukunan ng nitrogen (N) para sa mga halaman. Direkta itong hinihigop ng mga pananim at pinasisigla din nito ang aktibidad ng mga mikroorganismo.

Mga Sangkap sa Paggawa ng Fish Amino Acid

500 gramo ng mga nabubulok na kahit anong klase ng isda, hasang, o lamang-loob

50 gramo ng molasses o pulang asukal

Isang sisidlan

Hiwain nang maliliit ang mga isda at lamang-loob nito. Ilagay ang lahat ng mga sangkap sa isang lalagyan at halu-haluin. Takpan at ilagay ang sisidlan sa isang lugar na malamig, madilim-dilim, at hindi nasisikatan ng araw. Panatiliin ang lalagyan sa loob ng dalawang linggo o higit. Salain ang likido at isalin sa isang plastic na bote. Kanawin ang 20 ml ng likido sa isang litro ng tubig. Gawin itong pandilig sa lupa ng mga gulay at halaman. Hindi ito maaaring i-spray sa bulaklak o sa halaman.



 


RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...