Saturday, August 19, 2017

Maikling Kuwento: Ang Ate Kong Bading - Part 1 of 4

Ako nga pala si Joey. Nakababatang kapatid ng may-ari ng sikat na parlor doon sa kanto. Siya ‘yong laging number 1 sa konsehal tuwing may halalan sa barangay. Kaisa-isa kong kapatid na laging kinukuhang sagala kapag may Santacruzan tuwing Mayo. Tagapagtanggol ko at sa tuwina ay pinadadalhan ng sobre kapag may mga fund raising sa ating purok. Siya ‘yong utangan ng bayan. Anak ni Mang Josefino at Aling Marina. Kilala n’yo na? Hindi pa? Puwes, siya ‘yong kuya ko na piniling tawagin kong “ate”.


E ano ngayon kung bakla ang ateko? Wala na naman akong magagawa  ro’n. Wala ka rin namang magagawa, di ba? Tulad din niya. Wala rin kaming nagawa kung sino ang aming naging magulang at kanunununuan. Sabi kasi nila, namamana raw ang kabaklaan. Baka raw nasa genes ng Tatay at Nanay namin. Sabi ng ilan, sobra raw kasi ng isa ang mga chromosomes ng mga lalaki. Baka raw lumabas na mas matimbang ‘yong pambabaeng katangian sa ate ko. Pero hanggang ngayon ay  pinagtatalunan pa kung tutuong nature o nurture ang pagiging binabae. Wala pa ring nananalo. Wala pa ring nagpapatalo.

Kaya, gumawa pa ang taong mapaghusga ng ikatlong kasarian. Hindi na lamang pumirmi sa dating basihan na lalaki at babae. Ang masama, ginawa pang third kind o ikatlong uri. Gayunman, marami pa rin ang hindi nakakatanggap sa mga uring ito kahit na nga naglipana na sila sa mga pelikula, telebisyon, radyo at peryodiko. Kahit nasasalubong natin ang mga ito sa mga kalye, kasabayan sa LRT at MRT, katabi sa bus at jeep, kabungguan sa mall at palengke, pinagpapagupitan natin at nagpapaganda sa atin. Kadalasan nga ay sila ang unang karanasan ng mga lalaki sa kanilang pagbibinata.

Hoy! Hindi magkatulad iyong pagtanggap sa kanila nang buo o sila ay i-tolerate o pagtiisan lamang. Kapag nakikita ang isang bading, hindi naman siya inihahanay bilang lalaki. Bakla siya at hindi lalaki. Magkaiba pa rin ang pagtingin sa kanyang katauhan ng ibang tao. Hinuhusgahan pa rin siya ayon sa kanilang maling panuntunan. Pinaparatangang makasalanan dahil sa kanyang sexual preference at orientation.

Nilalayuan ng ibang kapitbahay ang aking ate na tila may nakakahawang sakit. Mabuti na sanang isang sakit na lang ang pagiging bakla. At least, may pag-asa pang gumaling sa oras na makahanap ng panlunas ang mga dalubhasa. Ang tagal-tagal na pero wala naman silang naiimbentong gamot para sugpuin ang pagiging bayot.

Sakit ngang nakakahawa raw ang pagiging bading sabi ng ilan naming tsismosang kapitbahay. Naging bading kasi si Turo, ‘yong siga sa aming kalye, magmula ng pumatol sa isang bakla. Naging malamya na kasi ito. Lalaki na rin ang gusto. Nahawa raw sa siyotang nagtatrabaho sa parlor ng kapatid ko. ‘Yong boksingerong nasa kanto, si Kid Torpe, lalaki na rin ang kinakasama, matapos makipag-live in ng ilang buwan sa kanyang binabaeng manager-promoter.

Ang galing-galing maghusga ng mga tao sa pagkatao ng ate ko at ng mga kabaro niya gayong hindi naman sila mga abugado. Paano naman nila nasabing hawa lang at hindi talagang natural na mga bading ang mga barakong iyon? Pwe! Bahala sila sa mga opinyon nilang walang ebidensya!
Dahil madalas binu-bully ang ate ko, hindi ko talaga matiis na hindi siya ipagtanggol kapag kaya ko. Kahit limang taon ang tanda niya sa akin, may mga pagkakataong inuupakan ko ang mga tumatalo sa kanya. Pero lagi niya akong pinapagalitan.


Tutoo naman iyon. Noong nasa elementaryako, madalas akong mapaaway. Kapag nabalitaan ng ate, sinusugod talaga niya ang mga kumukursunada sa akin. Kesehodang magsumbong ang mga iyon sa aming titser at sa kanilang mga tatay at nanay.

Ganoon din nang mang-high schoolna ako. Kahit kaya ko na ang mga kaaway ko ay naroon pa rin siya sa likod ko. Katungkulan daw niya iyon bilang nakatatandang kapatid. Hindi raw porke malambot siya ay hindi na niyang kayang ipagtanggol ako sa mga nambubuska sa akin.

Sabagay, ganoon talaga si Ate. Siya na ang tumayong ama at ina magmula nang mamatay sa isang sakuna ang aming mga magulang. Hindi na siya nakapasok ng kolehiyo noon. Nag-apprentice siya bilang tagagupit sa isang parlor sa labasan. Nag-enrol ng vocational coursesa pedicure at manicure nang makaipon ng pera. Dumalo ng iba’t ibang workshop, training at seminar tungkol sa pagpapaganda. Ginawa niya ito habang ginagastusan ang aking pag-aaral hanggang makatapos ako ng kolehiyo.

Bilang ganti sa kanyang sakripisyo, nasa likod niya ako sa mga problemang kanyang kinaharap. Dahil may sarili ng parlor sa kanto at kumikita ng malaki, dumagsa ang mga lalaking aali-aligid kay Ate. ‘Yong mga poging tambay na dating umiisnab sa kanya noon, nag-uunahang magpapansin sa kanya.


Dahil mahina si Ate, bumigay siya sa pambobola ng kanyang dating crush. Nabalitaan ko na lang na sila na. Isang araw, dito na tumira sa amin si Bogart. Hindi ko naman masisi kung bakit pumatol sa kanya si ate. Artistahin ang kanyang mukha at pangangatawan. Pantasya ng mga bakla, matrona at babae sa aming lugar. Magkasinggulang lang kami.

Dalawa lang naman ang masamang ugali ni Bogart-tamad at seloso. Hindi na talaga ito naghanap ng trabaho magmula nang tumira sa amin. Daig pa ang prinsipe kung makaasta. Tanghali na kung gumising at nagbababad sa paglalaro ng tong-its sa maghapon. Dahil mahal ko si Ate, hindi na ako kumibo. Sabagay, siya naman kasi ang bumubuhay sa amin. Isa pa, nakatatanda siya sa akin. Ayos na iyong makita ko siyang masaya araw-araw.

Ang ikinagagalit ko lang ay ‘yong sobrang pagiging seloso ni Bogart. Lahat ng lalaking customer ni Ate ay pinagseselosan.  Ang normal na pagiging maasikaso niya sa mga parukyano lalo na ‘yong mga may hitsura ay binibigyan ng masamang kahulugan. Madalas ko tuloy marinig ang kanilang sagutan sa kanilang silid.

Balewala lang kay ate ang bangayan nila ni Bogart. Patunay raw iyon na mahal na mahal siya nito. Tinanggap ko ang dahilang iyon kahit sablay sa aking paningin. Ang sobrang selos kasi ay hindi na pagmamahal, sumisimbolo rin iyon ng kawalan ng pagtitiwala.

Ang hindi ko lang natanggap ay nang mabalitaan kong bukod kay ate ay may pinopormalan pang iba si Bogart. Kaya pala ganoon kahigpit ay siya itong may ginagawang mali. Ang masama, bakla rin ang kanyang pinupuntirya. Isang bading na nagparetoke sa Thailand, may suso, matambok ang puwet at babaing-babae ang mukha. Nagtrabaho sa Japan kaya may panggastos sa pagpapaganda.

Hindi ko agad sinabi kay Ate ang aking natuklasan dahil wala pa naman akong sapat na ebidensya. Bale siya rin ang nakakita ng pagtataksil ni Bogart nang minsang manood kami ng sine sa SM Mall. Naghihintay kami sa paglabas ng mga naunang nakapanood ng sine nang makita namin si Bogart at ang retokadong bakla. Nagmamalaking nakaakbay siya sa kasama dahil wala namang makakapansin na lalaki rin ito.


Hindi naman nag-iskandalo si Ate. Basta sinigurado lang niyang nakita  kami ni Bogart. Panay ang tulo ng kanyang luha at pagsinghot sa loob ng sinehan kahit comedy ang aming pinapanood. Nagtataka tuloy ang mga katabi namin. Nagmemeryenda na kami sa paborito niyang fast food restaurant ay tamilmil pa rin siya sa pagkain. Nagkalasug-lasog tuloy ang inorderniyang spaghetti. Sa loob ng taksi pauwi, nanatili siyang walang kibo at maging makarating kami sa bahay.

Nilagay ni Ate ang mga gamit ni Bogart sa isang kahon at inilagay ito sa labas ng pintuan ng aming bahay. Nang gabing iyon, tinabihan ko siya sa pagtulog. Baka ‘ikako ay makaisip nang hindi mabuti. Walang kuwenta sa akin kung napuyat man ako noon at hindi nakapasok sa school kinabukasan. Ang mahalaga sa akin ay masiguro kong ligtas ang aking nakatatandang kapatid.


Ilang linggo rin akong natulog na katabi si Ate. Nang mga panahong iyong nagdadalamhati siya sa pagkawala ng kanyang unang pag-ibig, madalas kong yayain ang aking mga kaibigan sa amin mag-inuman tuwing walang pasok. Sa kagustuhan kong pansamantalang mawala sa isip niya si Bogart ay gumagawa ako ng paraan upang matulog ako sa kanyang kuwarto kasama ang ilan sa mga kabarkada kong guwapo. Malungkot ako kinabukasan kapag sinabi ng aking mga kaibigang hindi sila ginalaw ng aking kapatid.

Naging matagumpay naman ang aking pakana dahil pagkatapos ng walong inuman sa loob ng dalawang buwan ay nakita kong masaya si Ate kinabukasan. Sa tuwa ko ay inilibre ko pa ng tanghalian ang kanyang nakursunadahan. Gayunman, alam kong nasasaktan pa rin siya. Ilang inuman pa at ilan pang kabarkada, bago siya tuluyang naka-move on. Pinagpasalamat ko iyon at ang pagiging sports ng aking mga kaibigan. Naunawaan nila ako sa oras na kailangan ko ang kanilang tulong.


Itutuloy

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...