Tuesday, August 15, 2017

40 oras na trabaho kada linggo sa Saudi Arabia, Maaaring Magkatutoo Na!

Muling pinagtibay ng Shura Council ng Saudi Arabia ang 40 oras na trabaho sa loob ng isang linggo para sa mga manggagawang nasa pribadong kumpanya noong Miyerkules, ika- 9 ng Agosto, 2017 ayon sa pahayagang Al Arabiya.


Ito na ang pangalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang taon kung saan ipinanukala ang kautusang ito ng Shura Council, na ang layunin ay amyendahan ang Artikulo 98,100 at 104 ng Saudi Labor Law. Gayunpaman, ang panukalang batas ay hindi inaprobahan ng pamahalaan noong isang taon.

Sa ngayon, ang napagkasunduan ng Shura Council ay nangangailangan ng approval ng  Council of Ministers at ng pirma ng Haring Salman upang maging ganap na batas ang panukala.


Kung maaprobahan, katanggap-tanggap ito sa mga manggagawang banyaga sa Kaharian ng Saudi Arabia dahil magiging dalawang araw ang kanilang pahinga. At kung sila naman ay pagtatrabahuhin ng Sabado, ito ay magiging overtime.

Salungat naman ang mga investors at mga may-ari ng pribadong kumpanya sa panukalang ito dahil magbabayad sila ng kaukulang overtime pay sa mga manggagawa kung sakaling kailanganin nila ang mga serbisyo nito sa araw ng Sabado. Nabawasan din ng isang araw kada linggo ang dapat sana ay oras na kabilang na sa basic pay ng mga empleyado.


Kung mapiprmahan ang panukalang batas, mas dadaming Sauds ang magpupursiging pumasok sa mga pribadong kumpanya dahil 2 araw na rin ang kanilang pahinga. Sa kasalukuyan kasi ay sa pampublikong tanggapan at ahensiya lamang mayroong dalawang araw na day-offs, maliban na lang sa iilang pribadong kumpanyang boluntaryong nagbigay ng 2 araw na pahinga.

Hintayin natin kung ang panukalang batas ay mapipirmahan ni Haring Salman sa susunod na mga araw.









No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...