Thursday, June 15, 2017

Nakakabahala, Pekeng Bigas

Nakakabahala na ang paglipana ng tinatawag na pekeng bigas na gawa diumano sa plastic at hindi malamang sangkap. Diumano ito ay naglipana na sa buong mundo.


Noong 2015, nadiskubre ang pekeng bigas sa Tanauan, Batangas kung kaya’t inutos ni Mayor Antonio Halili ang agarang pag-aalis nito sa mga pamilihan. Ang pekeng bigas ay may tatak diumano na “JM”.

Matapos sunugin ang lutong kanin sa loob ng aluminium foil, natunaw at naging tila-plastik ang kanin. Diumano ang pekeng bigas ay gawa sa patatas at kamote at hinaluan ng plastic resin. Ito raw ay buhat sa bansang China.



Sa post ni Cherrylyn Gecale sa kanyang Facebook account, ang pekeng bigas ay galing sa sako ng bigas na may tatak na Gold Cup Uno.


Ipinakita rin niya ang mga larawan ng kanin. Nakapaloob din ang isang video kung saan, matunog ang pinigang kanin kapag binato sa sahig na hindi naman dapat. Panoorin ang naturang bidyo rito https://www.facebook.com/cherrylyn.gecale.7/videos/pcb.881740221965197/881736571965562/?type=3&theater

(Imahe mula sa http://www.atovianimalg2.com/index.php/palay/)

Pinatutohanan din ni Edna Sua Labaniego ang balitang ito. Sa kanyang paskel sa Facebook, dalawang bido ang nagpapakita kung bakit peke ang nabili nilang bigas. Katulad nang nauna, malakas din ang tunog ng kinimpal na kanin kapag ibinato sa sahig kumpara sa tunay na bigas. 

Tunghayan ang kaniyang mga bidyo rito https://www.facebook.com/edna.labaniego.3?pnref=story

Tatlo bang brand ng imported na bigas ang lumalabas din peke. Nasa ibaba ang nasabing produkto:

Tunay na nakakabahala ang balitang ito lalo na at araw-araw ay isa sa pangunahin nating pagkain ay ang kanin mula sa bigas. Nararapat lamang na magdoble ingat sa pagbili ng bigas, lalo na iyong galing sa ibang bansa. Mas mabuting tangkilikin ang mga bigas na produkto ng Pilipinas. At kung maaari ay mamili na lamang ng palay at ipakiskis.



No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...