Friday, July 1, 2011

Kasalang May Kaparehong Kasarian, Kinundena


Kinundena ng mga namamahala sa Baguio at mga religious groups sa pangunguna ni Bishop Teodoro Bacani ang naganap na kasalan ng mga bading at tomboy noong Sabado sa Baguio City. Maiintindihan ko ang punto ng mga religious groups pero hindi kailanman ang mensaheng nais ipaabot ng mga pulitiko. Salungat sa turo ng Simbahang Katolika ang relasyon ng may kaparehong kasarian subali't dapat ipairal ng mga namamahala sa bayan ang egalidad ng bawa't mamamayan.

Hindi isang mabuting hakbang ang pagbabawal ng kasalan sa Baguio dahil ito ay isang magpapakita na hindi parehas ang pagtingin ng mga namumuno. Kung hindi man legal ang kasalan ng may parehong kasarian, hindi naman masasabing ito ay isang ilegal o bawal sa batas dahil wala namang batas na ipinatutupad na bawal ang kasalang nabanggit.

Ang ipinaglalaban ng mga bading at tomboy ay ang parehas na pagtingin sa kanila ng lahat. Sa palagay ko naman ay hindi rin ginusto ng mga ito na sila ay maiba sa karamihan. Nguni't ano pa ang kanilang magagawa kung iba ang kanilang nararamdaman? Maaaring may kasalanan sila sa Maykapal dahil sa kanilang sexual orientation subali't maliit ito sa buting kanilang nagagawa sa kapuwa. Sana ay hindi rin gawing kasalanan sa mata ng batas ng tao ang kanilang gawaing ito.

Kung talagang seryoso ang mga religious groups na ito na akala mo ay mga santo at santa sa pangangaral, bakit hindi sila magsulong ng batas sa Kamara at Senado na bawal pumasok sa hotel at motel ang isang lalaki na may kasamang babaing hindi mag-asawa at walang dalang marriage contract na authenticated ng NSO? Bakit hindi ipagsigawan sa kalye na kasukasuka ang mga taong may kabit at nagsasama ng hindi kasal?

Sa mga bading at tomboy na nagbabalak ng kasal, maaaring pumili na lang ng ibang venue. Marami pa namang lugar sa Pilipinas. At dapat nilang i-boycott ang pagpunta sa Baguio at ang pagbili ng mga produkto nito dahil hindi parehas ang mga mata ng mga ito! Hindi dapat hinuhusgahan ang tao dahil sa kanyang oryentasyong sekswal kundi sa laman ng kanyang puso.

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...