Tuesday, July 26, 2011

Azkals, Nabahag Ba Ang Buntot sa Kuwait?


Matapos sumubasob ang koponan ng Pilipinas na Azkals sa Kuwait noong Sabado, ika-23 ng Hulyo, 2011, marami ang nagtatanong kung tuluyan na bang nabahag ang buntot ng mga Pinoys sa mga Kuwaiti. Matatandaang tambak ang lamang ng mga Kuwaiti sa iskor na 3-0 sa kanilang tunggalian sa Mohammad Al-Hamad Stadium sa Qadsia, Kuwait sa gitna ng matinding init ng araw at init ng suporta ng mga Pinoy na lumiban pa sa kanilang trabaho nang araw na iyon. Gayunpaman, talaga namang malakas ang koponan ng Kuwaiti dahil ika-102 sila sa mundo at nakapaglaro na sa World Cup noong 1982. Isa pa, puno ng suporta mula sa gobyerno ng Kuwait ang kanilang mga manlalaro. Kumikita sila habang naglalaro. Hindi tulad ng Pilipinas na kung magkaminsan ay mga players pa ang gumagastos sa kanilang pangangailangan at biyahe. Kahit matagal na ang koponan ng Pilipinas sa Asian Football Federation, hindi pa ito nananalo sa Asian Cup. Sa katunayan, noong isang taon lang nakilala ang koponang Azkals na kinabibilangan pa ang mga Pinoy na may dugong banyaga.

Sa Huwebes, ika-28 ng Hulyo ang ikalawang sagupaan ng Azkals at Kuwait sa Rizal Memorial Stadium. Dapat ay makaiskor sila ng 4-0 upang makaabante sa third World Cup Qualifying Round. Magiging bentahe kaya sa mga Azkals kung babagyo sa araw na iyon?

Marami ang nagsasabing malas daw si Angel Locsin sa Azkals. May katotohanan kaya ito? Hintayin natin ang laban sa Huwebes, umulan man o umaraw!

No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...