Friday, April 29, 2011

Bagong Haybol sa Saudi

Heto ang bago kong accommodation unit dito sa Saudi Arabia. Bale ika-8 ko na itong kuwarto. Dahil sa pagbabago ng aming kumpanya ay nag-iiba rin ang aking tirahan. Nasa itaas ang aking haybol kaya kailangan ko pang umakyat ng hagdan.
Pagbukas mo ng pinto, ito agad ang mabubungaran mo. Ang aking freezer at fridge kung saan nakalagay ang aking mga paninda. Sa halip na walk-in closet, heto ang matatagpuan - instant sari-sari store!
Ang magulong mesa kung saan makikita ang computer monitor, rice cooker, bread toaster at mga anik-anik.
Ang kama katabi ang mga panlagay sa katawan.
Ang harap ng kama, isang JVC TV, microwave oven at mga sabit-sabit.
Ang toilet na may batya, imba, tabo at bimpo.
Ang wash basin, shampoo, sabon, basahan, sabong panlaba, etc.
Ang mahiwagang salaming hindi mo pagsasawaang tingnan.




Ombudsman Merci Gutierrez Resigns

(Ang imahe sa itaas ay sinipi sa http://yfrog.com/h0r4gxmj  sa ulat ni Willard Cheng ng ABS-CBN)

Nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Ombudsman Merceditas " Merci" Gutierrez ngayong araw na ito (29 April 2011)  na kay PNoy habang nakaambang ang napipintong impeachment proceedings ng Senado sa kanya. Dahil dito, malamang na hindi na matuloy pa ang usapin sa Senado. Gayunpaman, pursigido ang Akbayan na iharap sa korte ang kaso ni Merci. Ayon sa kanyang sulat, ginawa ni Gutierrez ang pagbibitiw upang  maiwasan ang kahihiyang maaaring idulot nito sa kanyang pamilya at para sa kapakanan (ows!) ng bayan.

Sa akiing palagay, maliban  sa mga rasong nabanggit sa itaas, ang pinakamalaking dahilan kung bakit nag-resign si Merci ay upang MAIWASAN NIYANG HATULAN ang mga dating kaalyado ni PGMA tulad nina dating Agriculture Usec. Jocjoc Bolante at iba pang nakasalang ngayon ang mga kasong pandarambong. Kabilang na rin dito ang isa ring kasong plunder kay PGMA. Paano nga naman niya diringgin ang kaso ng kanyang kaibigan sa harap ng mapagbatikos na mga mata ng madla? Umiiwas-pusoy lang si Merci.

Thursday, April 28, 2011

"Halo-Halo sa Summer Saya" - GMA 7's Summer Station I.D. 2011

Watch GMA 7 Summer Station I.D. 2011 entitled " Halo-Halo Ang Summer Saya". It was performed by Julie Ann San Jose and Elmo Magalona.

ABS-CBN's Summer Station I.D. 2011 - Bidabest sa Tag-araw

Watch ABS-CBN's Station ID for this Summer 2011 entitled "Bidabest sa Tag-araw" sang by Angeline Quinto and Vincent Bueno. It also features J.O.L.O aka J-Dot.

Wednesday, April 27, 2011

Prince William - Kate Middleton Nuptial


The First Kiss
The Duke and Duchess of Cambridge

Pinag-uusapan at pinagkakaguluhan ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Prinsipe William Arthur Philip Louis at Catherine Elizabeth Middleton sa Biyernes, ika-29 ng Abril, 2011. Nagkita at nagkaibigan ang dalawang magsing-irog sa University of St. Andrews sa Scotland kung saan kapwa sila nag-aral. Ang kasal ay idaraos sa Westminster Abbey.

Talagang mahilig pa rin ang mga tao sa mga royalties. Dahil hindi naman ako naging mamamayan ng isang kaharian, hindi ko maranasan ang pakiramdam na iyon. Naging tampok din ang pagpapakasal nina Prince Charles at Lady Diana noon pero nauwi rin sa hiwalayan ang lahat. Ito ay nagpapatunay na ang mga taong may "dugong-bughaw" ay ordinaryong mga tao rin at nakararanas ng mga suliranin at damdamin ng mga ordinaryong tao.

Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng pagpapakasal na ito nina Prince William at Kate Middleton sa buhay ng mga ordinaryong tao at kalagayan ng buong mundo. Makipagdiwang na lang muna tayo sa kanilang pagsasaya nang malimutan natin ang kahirapan at kaguluhan sa ating kapaligiran kahit isang araw lang. Party-Party!

Monday, April 25, 2011

ANZAC DAY 2011

(My acknowledgment to the owner of the above image)

Today, April 25, is ANZAC  (Australian New Zealand Army Corps) day celebration in Australia and New Zealand. It is on this day in 1915 when Australian and New Zealand soldiers formed part of the Allied expedition that set out to capture Gallipoli Peninsula with the main objective of capturing Istanbul, Turkey. However, many Australian and New Zealand including those from UK, France and Inda died in this battle that lasted for 8 months. This day is to remember the sacrifice of those who died in that battle. Today, the celebration also focuses on all those soldiers died in the war and for those returning soldiers from the war.  Read  more on http://en.wikipedia.org/wiki/Anzac_Day

Sunday, April 24, 2011

Yemeni President Saleh To Step Down in 30 Days



SANAA (AP) – Yemen's embattled president agreed Saturday to a proposal by Gulf Arab mediators to step down within 30 days and hand power to his deputy in exchange for immunity from prosecution, a major about-face for the autocratic leader who has ruled for 32 years.


Nakatakdang bumaba sa kanyang puwesto ang presidente ng Yemen na si Ali Abdullah Saleh sa loob ng 30 araw kapalit ng hindi pagpapataw sa kanya ng anumang kaso. Ililipay niya, matapos ang 32 taon, ang kanyang kapangyarihan sa kanyang deputy.


A coalition of seven opposition parties said they also accepted the deal but with reservations. Even if the differences are overcome, those parties do not speak for all of the hundreds of thousands of protesters seeking President Ali Abdullah Saleh's ouster, and signs were already emerging that a deal on those terms would not end confrontations in the streets.


Ang koalisyon ng oposisyong binubuo ng 7 partido ay tinanggap ang kasunduan ng mga reserbasyon. Subali't hindi ito ang nais ng libu-libong taong nagprotesta at ang kasunduan ay maaaring hindi sapat upang matigul ang kaguluhan sa mga lansangan.


A day earlier, protesters staged the largest of two months of demonstrations, filling a five-lane boulevard across the capital with a sea of hundreds of thousands of people. Day after day of protest have presented a stunning display of defiance in the face of a crackdown that has included sniper attacks and killed more than 130 people.


Noong Biyernes, nagdaos ng pinakamalawak na protesta sa loob ng 2 buwan ang mga Yemeni na pumuno sa limang linyang boulevard sa bawat sulok ng kapitolyo. Ang pag-aaklas at ang pag-alis ng mga kapanalig , kabilang na ang mga military commanders, ay nagpahina sa panunungkulan ni Saleh. Si Pangulong Saleh ay hayagang kapanalig ng Amerika.


The uprising and a wave of defections by allies, including several top military commanders, have left Saleh clinging to power and now appear to be pushing him to compromise on his earlier refusal to leave office before his term ends in 2013.

Saturday, April 23, 2011

'Deadliest day' in Syria uprising - Middle East - Al Jazeera English

'Deadliest day' in Syria uprising - Middle East - Al Jazeera English

(Image from www. wikimedia.org)

Tinatayang humigit-kumulang sa 88 katao ang namatay na mga rallyista sa buong Syria kahapon, Biyenes Santo, nang paulanan ng mga security forces ng tutuong bala at tear gas ang mga nagdedemonstrasyon, ayon sa Amnesty International.  Nagpadala ang mga aktibista sa Al-Jazeera ng listahan ng 70 kataong namatay sa buong bansa at sinabing namatay ang mga ito sa tinaguriang " Great Friday" protest. Ang protesta ay laban sa pamahalaan ni Bashar al-Assad na  nagsimula noong ika-26 ng Enero, 2011 kaalinsabay ng mga protestang naganap sa iba pang panig ng Gitnang Silangan at Afrika.

About 88 demonstrators  were believed to have died all over Syria yesterday, Holy Friday, when they were fired at by the security forces with live bullets and tear gas, according to Amnesty International. The activists sent a list of 70 deaths to Al-Jazeera saying that they died on "Great Friday" protest. The protest was against the government of Bashar al-Assad that started on 26 January 2011 in line with other protests happening in the Middle East and Africa.

Friday, April 22, 2011

Thank God, It's Good Friday!


It's Good Friday here in Saudi Arabia. I don't know why the day Jesus Christ'd death was called a good day. Probably because it was the day the sins of the world were redeemed by the Saviour.

Some of my Pinoy co-workers went to Hofuf to visit Jebel Al-Qarra o popularly known as Judas cave. It was believed that Judas Iscariote hid to this cave after his betrayal of Jesus Christ. I declined to go there because it is Biyernes Santo and according to old belief, most bad luck happens on this day. Also, I felt it is inappropriate to visit the place where a condemned man lived his last breath.

I am hoping that my co-workers enjoy their trip and I am wishing that they went there just to see the place and to some, not to pay homage to or get an anting-anting from their "idol" (LOL).

Thursday, April 21, 2011

Mahal na Araw, Mahal Ang Bilihin


Mahal na Araw na naman. Tulad noong isang taon, narito ako sa Saudi Arabia. Dito, ang mga importanteng okasyon ay nawawalan na ng saysay kung minsan dahil hindi naman naipagdiriwang ito nang hayagan. Pati ang pag-aayuno ay nakakalimutan na rin. Kailangang kumain nang makapagtrabaho nang husto. Hindi maiwasan ang pagkain ng karne dahil mas mura iyon kaysa sa isada at gulay. Walang Bisita-Iglesia, Pabasa, hampas-dugo, senakulo, mga prusisyon, Pasko ng Pagkabuhay at paghahanap ng Easter Eggs. Hindi maaaring maligo sa beach sa Linggo dahil araw ng Biyernes ang day-off.

Mahalaga raw ang fasting dahil nalilinis nito ang katawan at upang madama ng isang tao ang nadarama ng mga taong nagugutom. Noong bata pa ako, tanggap ko ang katwirang ito. Pero ngayong may ilang puti na ang mga buhok ko, nagdadalawang-isip na ako. Hindi ba't mas mainam ang pakainin mo na lang ang mga nagugutom kaysa makiisa ka sa kanilang pagdurusa?

Ngayong Mahal na Araw, nagkakaisa ang Pilipinas at Saudi Arabia sa isang bagay- ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Ang kaibahan lang, mura ang mga produktong petrolyo dito.

Monday, April 18, 2011

AJ PEREZ of "SABEL" IS DEAD


The promising actor AJ Perez who starred in the just concluded ABS-CBN's teleserye "Sabel" died today, 17 April 2011 at around 12:20 AM. AJ whose real name is Antonello Joseph Sarte Perez died of multiple head injuries sustained by a car accident on their way back to Manila from Dagupan City where he attended a Bangus Festival. The ABS-CBN van where AJ and 5 other companions including his dad Gerardo, collided with a Partas bus along McArthur Highway in Barangay San Julian, Tarlac. All the other passengers are alive.

The remains of J Perez are in the chapel of La Salle Greenhills at this moment. It will be transferred to the Christ The King Church at Green Meadows, Quezon City. Condolence to the family of AJ!

AJ Perez was laid to rest at Manila Memorial Park in Paranaque City. on 26 April 2011 at




Tuesday, April 12, 2011

John Gabriel Pelias - One of UP's Brightests

Meet one of the Summa Cum Laudes of the University of the Philippines - Diliman for 2011 who also got one of the highest grades in the history of UP - John Gabriel Pelias as he is interviewed by Jessica Soho:

Monday, April 11, 2011

Bb. Pilipinas 2011 Winners

Bb. Pilipinas 2011 Winners - L-R - 2nd RU MJ Lastimosa, Tourism Isabella Manjon, Universe Shamcey Supsup, International Dianne Necio and 1st RU Janine Tugonon

The winners of tonight's coronation (10 April 2011) of  Bb. Pilipinas 2011 held at Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City are:


Shamcey Supsup - Bb. Pilipinas - Universe 2011;  Miss Talent; Miss Creamsilk; Miss Philippine Airlines


Dianne Necio - Bb. Pilipinas - International 2011

 Isabella Manjon - Bb. Pilipinas - Tourism 2011

Queenierich Rehman - Best in Swimsuit

Luzelle Felipe - Best in Long Gown; Manila Bulletin's Readers' Choice Award;

Janine Tugonon - 1st Runner-up


Mary Jean Lastimosa - 2nd Runner-up
(Photos from www.bbpilipinas.com and http://adventuresofabeautyqueen.com

Saturday, April 9, 2011

Pagsampa ng Tax Evasion kay Mikey Arroyo at Asawa, Gimik Lang?!


Sinampahan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Pilipinas ng kasong tax evasion si Congressman Mikey Arroyo at asawa nitong si Angela dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ng ilang taon. Ito ay may halagang P73.85 milyon, kasama na ang interest at iba pang bayarin. Sinabi naman ng kinatawan ng Ang Galing Pinoy na ang paglabas ng kaso sa kanila ay isa lamang "gimik" at isang porma ng political harrassment para sa kanilang pamilya. Ginawa raw ito ng gobyernong Aquino dahil madalas maungusan ni Vice President Binay ang approval rating ni PNoy sa mga survey. Binatikos din ng anak ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbili ni PNoy ng mga mamahaling sasakyan.

Sa isang panayam ngayon, bumuwelta si PNoy at sinabing hindi isang gimik ang kaso ng BIR dahil ito ay may sapat na ebidensya. Madali lang naman daw ang gagawin ni Congressman Mikey Arroyo upang pasinugalingan ang bintang ng pamahalaan. Ilabas daw nito ang kayang Income Tax Return sa mga taong binanggit ng ahensiya.

Sa aking palagay ay may malakas na ebidensya ng BIR sa pagsasampa ng kaso dahil kung hindi, isa itong malaking kahihiyan sa pamahalaang Arroyo. At kung tutoo ang bintang, dapat na pagbayaran ni Mikey ang kanyang hindi pagsunod sa batas. Dapat itong ikulong at magbayad ng kaukulang halaga. Kapag ito ay nangyari, walang dudang tataas ang approval rating ni PNoy dahil talagang ginagawa ng kanyang administrasyon ang tama at wala itong sinisino. Tungkol naman sa mamahaling kotse ni PNoy, wala namang kaso rito hangga't pera naman ng pangulo ang ginagasta. Sa kaso ng mga Arroyo, natural lang na mag-low profile lang sila sa paggasta at baka mabuking sila kung may kamalian man silang ginawa.

Sabi ng ni Kuya Kim Atienza, "Ang buhay ay weather-weather lang!" 

Tuesday, April 5, 2011

It's Over


Pagkatapos ng ilang araw ng pagbusisi, paghalungkat, pagkuha ng kopya, pagtanong at pagsiwalat ay natapos na rin ang pag-audit ng aming company accounts para sa taong 2010. Simula na naman ng panibagong yugto ng accounting kahit na nga nagsimula na ito noon pang a-uno ng Enero, 2011. So far, okay naman ang naging resulta ng pagsisiyasat ng libro ng kumpanya. Kahit paano ay napanatili namin ang kumita kahit konti. Salamat kay Jaisan, ang aming Indianong panlabas na tagasuri.
After a few days of searching, reviewing, photocopying, questioning and revealing, the audting of our company accounts for 2010 is over. Accounting for 2011 begins although it was already started on January 1, 2011. So far, the result of the audit of the company books is okay. At least, we maintain to have a little profit. Thanks to Jaisan, our Indian external auditor.

Sunday, April 3, 2011

India Wins Cricket World Cup 2011

Our Indian office boy, Moh'd C.P., just handed me candies this morning. I asked him why. He said that India won the ICC Cricket World Cup 2011 against Sri Lanka at the Wankhede Stadium in Mumbai, India, Saturday. This is India's first time in 28 years. 1.2 billion Indians celebrated the victory worldwide.
Inabutan ako ng kendi ng aming Indianong offie boy ngayong umaga. Tinanong ko siya kung bakit. Sinabi niyang nanalo ang India laban sa Sri Lanka sa ICC Cricket World Cup 2011 kahapon sa Wankhede Stadium sa Mumbai, India. Ito ang kaunaunahang panalo ng India sa loob ng 28 taon. Nagsaya ang may 1.2 bilyong Indians sa pagkapanalo nilang ito.


RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...